Umangat ang ulo ni Andres mula sa pagkakasuksok nito sa unan kung saan nakailalim ang kanyang dalawang braso dahil sa kanyang pagkakadapa na pagtulog sa kama. Hind iyun ang madalas niyang posisyon kapag siya ay natutulog, ngunit may dahilan kung bakit siya natutulog sa ganun na posisyon.
Agad na hinanap ng kanyang mga mata si Kesslee na nasa kanyang kanyang tabi sa kaliwang bahagi ng kama, pero napakunot ang kanyang noo nang walang Kesslee siyang nakita sa pagmulat ng kanyang mga mata.
"Kesslee?" ang pagtawag niya sa pangalan nito. Pumihit ang kanyang katawan at humiga siya nang nakalapat ang kanyang likod sa kama para tingnan ang pinto ng silid na nanatili pa rin na nakapinid at hinintay niya na magbukas iyun.
"Babe?" ang muling patanong niya na pagtawag rito. At ang kanyang mga mata naman ay nagawi sa pintuan ng banyo pero dahil sa nakabukas iyun at nakikita niyang madilim sa loob, nangangahulugan lang na wala si Kesslee sa banyo ng kanyang silid.
Itinulak na niya ang kanyang sarili para bumangon mula sa kanyang pagkakahiga at saka siya tumayo para magtungo sa banyo at maglinis ng sarili. Pagkatapos ay lumabas siya ng silid na nakasuot na ng kaboxer shorts na at pagtapak nga niya sa labas ng living area ay walang Kesslee siyang nakita sa living area man o sa kusina.
"Babe?"! ang mas malakas niyang pagtawag dito habang naglalakad siya patungo naman sa isa pang silid sa kanyang apartment. Baka kasi naisipan na naman nitong maglinis na hindi naman na dapat pa nito ginagawa at may tagalinis sila ng apartment. Itinulak niya ang pinto at kumunot na naman ang kanyang noo nang wala rin doon si Kesslee.
Kumapit ang kanyang mga kamay sa kanyang magkabilang balakang, "nasaan na yun?" ang bulong niya at naglakad siya pabalik sa kanyang silid para kunin ang kanyang telepono. Dinampot niya ang kanyang phone para sana gumawa ng tawag kay Kesslee pero hindi na niya iyun pa ginawa nang makita niya ang message ni Kesslee sa kanya.
Out for a hair trim and mani and pedi, you're sound asleep kaya hindi na kita ginising, don't worry I'll be back in a jiffy, love you, magluto ka ng lunch sigurado gutom ako pag-uwi, I'll buy dessert, love you mwah! Ang nakalagay sa message ni Kesslee. Isang ngiti ang kumurba sa kanyang labi kasabay ng pag-iling ng kanyang ulo.
Labis na saya ang dulot sa kanya ni Kesslee na dinagdagan pa ng kanilang kambal na anak. Kaya naman may katotohanan ang kanyang sinabi na katuparan ang mga ito ng kanyang pangarap. Kung iisipin nga ay nasa kanya na halos ang lahat, magandang fiancée at mga anak, mapagmahal na ama, at namamayagpag na career. At doon ay bumagsak ang kanyang mga balikat kasabay ng kanyang pagbuntong-hininga.
Naglakad siya patungo sa kusina at kumuha siya ng bag ng kape sa cupboard saka niya isinalin iyun sa coffee maker at doon ay tumayo siya sa harapan nito. Hinawakan niya ang gilid ng kitchen counter top at inilagay niya ang bigat ng kanyang katawan sa kanyang mga braso at kamay habang ang kanyang mga mata ay nakatitig sa mabagal na pagtulo ng dark roasted coffee sa carafe ng coffee maker.
Kung may katotohanan ang kanyang sinabi kay Kesslee ay hindi niya maaaring itanggi na may katotohanan din ang mga binanggit nito sa kanya. Na ang pangarap niya ay ang paglalaro ng basketball. Noon pa man ay ito na ang kanyang pinangarap. Humigpit ang kanyang pagkakakapit sa kitchen counter at napuno ng galit ang kanyang dibdib nang sumagi sa kanyang isipan ang kadahilanan kung bakit nagbago ang lahat.
Hindi ako magiging masaya at productive sa magiging trabaho ko o career ko Andres kung alam ko na sinira ko ang pangarap mo at ang pagkatao mo, ang mga sinabi sa kanya ni Kesslee at narinig pa niya ang boses nito. Nanikip ang kanyang lalamunan at may naramdaman siyang kirot sa kanyang dibdib. At ang coffee maker na nasa kanyang harapan ay unti-unting nanlabo dahil sa napuno ng luha ang kanyang mga mata. At katulad ng kapeng mabagal na tumutulo sa carafe ay tumulo na rin ang luha sa kanyang mga mata.
BINABASA MO ANG
"Just Give Me a Baby! Andres Ceresco" (complete)
RomanceAnother sexy Romantic - Comedy story. Kesslee Avalos was in dire need of getting pregnant to baby trap her long time boyfriend. So she will ask her bestfriend, the famous basketball player Andres Ceresco to do the deed and she needed his seed. Andre...
