Epilogue

6.7K 227 169
                                        


"Ugh...Ugh...ohhh...ugh," ang mga sambit ni Kesslee saka nito kinagat ang pang-ibaba nitong mga labi.

"Kesslee?" ang mahinang tanong ni Andres at hinawakan niya ang magkabilang balakang nito.

"Oh...uh...God," ang halos maubusan na hininga na sagot ni Kesslee at napakapit ng mahigpit ang kanyang mga kamay sa pader para tumukod doon at kasabay din niyang idinikit ang kanyang noo sa kung saan nakasandal ang kanyang mga kamay para suportahan ang kanyang sarili. At idinikit niya ang kanyang mukha kaya naman damang-dama niya ang hangin sa kanyang mukha na nanggagaling sa sarili niyang hininga. Pumikit nang mahigpit ang kanyang mga mata kasabay ng mahigpit na pagkapit ng mga kamay ni Andres sa kanyang magkabilang balakang habang nakatayo rin ito sa kanyang likura.

"Kesslee, malapit na?" ang tanong nito sa kanyang tenga.

"Pwede ba Andres! Hindi pa sunud-sunod ang contractions ko! Hindi pa malapit!" ang inis niyang bulyaw sa asawa na parang kakambal na niya dahil sa laging nakadikit ang katawan nito sa kanya at kung saan siya papunta ay naroon din ito without even realizing na iritado ang kanyang pakiramdam dahil sa sakit na nadarama niya.

"And please, diyos ko, para mo na lang ako laging sasarguhin patalikod, lagi kang nasa likod ko at nakahawak sa balakang ko, Andres, let me be, please babe?" ang kanyang pakiusap, "Hayaan mong sarilinin ko ang sakit," ang kanyang bawi na pakiusap sa mas malumanay na tono ng kanyang boses. "Paki pindot mo nga yung app? Please yung nagmomonitor ng contractions ko."

Binawi naman ni Andres ang mga kamay nito sa balakang ni Kesslee at dali-dali nitong pinindot ang green na bilog na tila button sa screen ng phone na nagmomonitor ng contractions during labor. Pagkatapos ay muli siyang tiningnan ni Andres na hindi minasama ang pagpapakita ni Kesslee ng pagkainis. Nagbasa ito ng libro tungkol sa pregnancy at sa mga check-up ni Kesslee ay kasama lagi ito kaya naman alam ni Andres ang sakit na pagdadaanan ni Kesslee lalo na sa paglalabor nito.

"Babe, uhm sorry," ang malumanay na sagot ni Andres sa kanya. Binawi niya ang kanyang noo at kamay sa pagkakasandig sa pader ng living area kung saan halos nalibot na niya ang apat na sulok ng bahay na ipinagawa ni Andres na sakto nga sa ipinangako ng contractor ay natapos ito bago pa siya makapanganak.

Isang malalim na hininga ang kanyang ginawa at inulit-ulit niya iyun sunod sa tempo na itinuro sa kanya. Nang tuluyan nang mawala ang nararamdaman niyang paghilab ng kanyang puson ay tumayo na siya ng tuwid at tiningnan niya si Andres na nakatayo hindi kalayuan sa kanya at mahahalata ang labis na pag-aalala sa mukha nito lalo pa at halos mamuti na ito sa kaba.

Isang kalmado at matamis na ngiti ang kanyang ibinigay kay Andres at inilahad niya ang kanyang kamay kay Andres. Isang malapad din na ngiti ang isinagot ni Andres sa kanya at mabilis itong humakbang papalapit. At nang hawakan nito ang kanyang kamay na nakalahad ay hinila niya palapit sa kanya si Andres at saka niya ito niyakap ng mahigpit.

"Hindi mo kailangan na mag-sorry," ang kanyang malambing na sagot, "I am sorry, kasi tinatarayan kita," dugtong pa niya.

Umiling ang ulo ni Andres, "naintindihan ko, parang ramdam ko nga rin ang sakit na nararamdaman mo," ang sagot ni Andres sa kanya. "Sigurado ka ba na ayaw mo nang cesarian? Para hindi ka na mag-labor ng ganyan katagal, alam mo yun na, kahit na handa na ako, pero, kinakabahan pa rin ako Kesslee."

Isang mahinang tawa ang kanyang pinakawalan at hinagkan niya ang leeg ni Andres, "normal delivery ang gusto ko, nakaposition naman na ang kambal sabi ng OB ko hindi ba?" ang kanyang sagot. Isang buntong-hininga na lang ang isinagot ni Andres sa kanya. Isinandal niya ang kanyang mukha sa dibdib nito, sa palagay niya ay kung kakapit siya kay Andres ay mapapakalma niya ito. Isang malalim na hininga ang kanyang sinagap nang bigla siyang matigilan at nanlaki ang kanyang mga mata.

"Just Give Me a Baby! Andres Ceresco" (complete)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon