Chapter Twenty-two

2K 95 24
                                    


Andres was really having a dilemma that morning. It was six and still early para sa kanyang hindi naman busy na araw dahil nga sa break na aabot ng ilang buwan. But it doesn't mean na wala nang basketball na mangyayari sa mga susunod na araw, naroon pa rin ang mga practices at mga exhibition games at ang nakalinya niyang mga mga phot shoot sa sports magazine at ganun na rin sa mga kumuha sa kanya para sa advertisements ng mga sports apparels.

Isinandal niya ang kanyang balakang sa metal railings ng veranda habang nakabalot ang kanyang dalawang palad sa katawan ng hawak niyang mug na naglalaman ng mainit niyang kape. Sandali niyang kinamot ang tungki ng kanyang ilong bago niya muling hinawakan ang hawak niyang mug at isang buntong-hininga ang kanyang pinakawalan. Thinking back about his dilemma and it made his mind travel back sa mga huling sandali nila kahapon sa villa.

It was their last swimming sa beach but it was his and Kesslee's first dahil sa hindi naman nila ibinuno ang ilang araw na pag-stay nila sa villa sa pagswimming. Kaya naman sa huling araw bago sila magtravel pabalik sa Manila ay doon lamang sila nagswimming ni Kesslee. And the moment Kesslee started to strut herself on the beach while clad in an emerald blue two-piece swimming costume, that's when he started to feel the uncanny feeling in his gut.

Nakita na niya noon pa si Kesslee na nakaswimming costume and he can tell na may mas revealing pa na swimsuit na isinuot noon si Kesslee, kaya naman nagtataka siya sa kanyang sarili kung bakit hindi niya maalis ang kanyang mga mata sa kaibigan. The two-piece swimming costume showed her curves at sa pagkakataon nga na iyun ay hindi pa talaga masasabi sa hubog ng pangangatawan ni Kesslee na buntis na ito. But it was not only her curves that made her look so sexy, kundi na rin ang nakalugay at mahaba nitong buhok na nilalaro ng malakas na simoy ng hangin mula sa dagat at ang morena nitong balat na tila kumikinang dahil sa halik ng liwanag ng araw. At kahit na noon pa niya ito nakita sa ganun na imahe, sa sandaling iyun ay mas tumimo sa kanya ang ganda ng kaibigan na kanya nang girlfriend. And he saw himself watching her every move like an eagle while he was seating on the lounger as his nest.

Hindi niya alam kung dahil sa humahanga siya sa ganda ng kaibigan o girlfriend, kaya hindi niya maalis ang kanyang mga mata rito o dahil sa binabantayan niya si Kesslee sa mga mata ng kanyang mga kateam-mate na hindi maitago na sumulyap sa katawan ng girlfriend? It was like, nakaramdam siya ng pagiging protective para kay Kesslee at ayaw niyang may ibang mga mata na tumitingin dito. He knew it was silly, but for him as his boyfriend tila ba hindi niya gusto na may ibang tumitingin kay Kesslee. Lalo na si Nikolas.

Nakita rin niya ang paghanga sa mukha at mga mata ni Nikolas habang nakikipag-usap ito kay Kesslee at hindi na yata naalis ang gusot sa kanyang mukha.

Muli siyang napabuntong-hininga habang nakatanaw siya sa view ng siyudad sa ibaba na unti-unti na ring nagiging abala habang umaangat ang araw para muling maghari sa araw na iyun.

Iyun ang iginugulo ng isipan niya, ayaw ba niya na may ibang mga mata na nakatingin kay Kesslee? O tanging ang mga mata lang ni Nikolas ang ayaw niyang nakatingin dito? Nagseselos ba siya kay Kesslee dahil sa kinukuha nito ang atensiyon ni Nikolas? Ang kanyang naguguluhan na tanong sa sarili. Naging protective ba siya at seloso sa punto na nilapitan na niya si Kesslee at tinakpan ng towel ang katawan nito saka niya ito iginiya papasok ng villa para paghandain na ito sa biyahe nila pabalik ng Manila? And it left Kesslee confused as she started asking questions about the reasons why they were leaving so soon at sinabi na lang niya na masama ang pakiramdam niya. Was he a possessive or protective boyfriend? Or a jealous boyfriend at ang pinagseselosan niya ay ang mismong girlfriend niya?

"Shit," ang bulong niya sa sarili. Hindi niya dapat pagselosan si Kesslee! Ang inis na sabi niya sa kanyang sarili and he expelled a sharp breath. Alam niya na hindi sinasadya ni Kesslee na kunin ang atensiyon ni Nikolas, she was just so, argh! Beautiful! Na kahit siya ay hindi niya maiwasan na hindi titigan si Kesslee and his throat went dry the moment he saw those beautiful butt cheeks! And he knew how those beautiful bumps felt in his palms noong gabing kailangan niyang ibaon ang kanyang sarili! Bigla siyang natigilan nang mapagtanto niya ang sinabi ng kanyang isipan. Mukhang hindi siya nagseselos kay Nikolas o kay Kesslee, it started to sink in that he wanted Kesslee all to himself. Kaya parang agila niya itong sinundan ng tingin ay dahil sa ayaw niyang may iba pang titingin rito. And that moment he can now name that uncanny feeling he felt yesterday, and it was possessiveness.

"Just Give Me a Baby! Andres Ceresco" (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon