Chapter Two

3.6K 132 27
                                    

"Nice game baby," ang masayang bati ni Kesslee sa kanyang boyfriend basketball player na si Fabian Samanieda na captain ball ng Bear Cubs. Nilapitan niya ito pagkatapos na pagkatapos ng laro, hinintay niya muna itong matapos na makipag-usap sa captain ball ng Mohicans na si Andres Ceresco. At nang matapos ang usapan ng dalawa ay naglakad na ito palapit sa kanya at isang matamis na ngiti at pagbati ang isinagot niya rito. Pero hindi ngumiti si Fabian sa kanya at nakasimangot na mukha ang ibinati nito sa kanya at naiintidihan naman niya kung bakit walang saya itong naglakad palapit sa kanya.

"Don't say that, nice game para sa kanila but for us?" ang inis na sagot nito sa kanya. Umirap pa ang kulay gray nitong mga mata sa kanya ang features ng nobyo na labis nyang nagustuhan. Napabuntong-hininga na lang siya at nagtaas ang dalawa niyang kilay, Naintindihan niya si Fabian, this was a crucial game para sa championship games at ang pagkatalo nila sa game na ito ay hindi kasiguraduhan na makakapasok sila sa championship.

"Kayo pa rin naman ang maglalaban sa championship babe, sinuwerte lang yung three point shot ni Andres," ang pag-aalo niya sa kanyang nobyo na nakapamewang na nakatayo sa kanyang harapan at sandaling tumingala ito para maglabas ng isang malalim na hininga.

"Kahit pa! mas maganda pa rin kung naipanalo na namin ang game at nang makampante na kami sa posisyon namin, umasa ang team ko na maipapanalo namin ang game,"-

"Don't be so hard on yourself Fabian, hindi mo kailangan na bitbitin ang buong team," ang giit niya kay Fabian na diretso siyang tiningnan sa kanyang mga mata at nagsingasing ito sa kanyang sinabi.

"But Andres can, dahil sa kanya kaya nanalo ang team nila," ang nakasimangot na sagot nito sa kanya. Isang buntong-hininga ang pinakawalan niya at nilapitan niya ang kanyang nobyo para iikot ang kanyang mga bisig sa bewang nito at saka siya tumikayad para maabot ang labi ng nobyo para hagkan iyun ng mabilis.

"Magshower ka na at magpahinga, puntahan kita sa condo mo," Ang malambing niyang sabi kay Fabian at hinigpitan niya ang yakap niya sa bewang nito pero nakita niyang umiling ang ulo nito at alam niya na wala na ito sa mood para sa isang gabi na magkasama sila nito at alam din niya na wala rin ito sa mood na magpaunlak ng interview sa kanya para sa kanyang article bukas.

"Wala ako sa mood Kesslee, gusto ko na lang na matulog," ang sagot nito sa kanya. Napabuntong-hininga siya at inalis niya ang kanyang mga bisig sa bewang nito at malungkot na ngiti ang iginawad niya kay Fabian. Sa tagal na ng kanilang relasyon ay alam na niya na may pagka-moody ang kanyang nobyo at iniintindi niya ito lalo na sa pagkakataon na natatalo ang team nito.

"Any message para sa article ko bukas?" ang malambing na tanong niya rito kahit pa alam niya na hindi ito magpapaunlak kanino man ng isang interview dahil sa mood nito.

"We will still see them in championship game," ang matipid na sagot nito sa kanya bago siya nito hinalikan sa ibabaw ng kanyang ulo at naglakad na ito patungo sa bench para damputin ang mga gamit nito na nilagay nito sa loob ng sariling bag at saka ito naglakad patungo sa loob kung saan naroon ang locker at shower room. Napabuntong-hininga na lamang si Kesslee habang nakatingin sa kanyang nobyong papalayo at saka pumihit ang kanyang katawan para tumalikod dito at humarap naman siya kung saan naroon ang kalaban na koponan. Kailangan niyang makakuha ng interview para sa kanyang column bukas sa sports online page online news platfrom nang kilalang news agency. Nakita niyang kausap ni Ava isa ring sports columnist ang isa a player ng Mohicans na si Nikolas sandali na nag-usap ang dalawa bago nagpaalam si Nikolas at dali-dali na sumunod sa loob kung saan naroon ang locker at shower room ng koponan nito.

Hindi niya mapigilan na lihim na ngumiti at saka siya naglakad para salubungin si Ava na naglalakad patungo sa kanyang direksiyon at sa palagay niya ay pupunta ito sa locker room ng Bear Cubs para magpaunlak ng interview. At habang papalapit ay nakita niyang bahagyang umangat ang sulok ng labi nito.

"Just Give Me a Baby! Andres Ceresco" (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon