Sumandal si Andres sa likod ng nakapinid na pinto at kanyang pinakakalma ang kanyang puso na mabilis na tumitibok mula nang hagkan ni Kesslee ang gilid ng kanyang mga labi. Kesslee kisses him, on his cheeks kapag nagpapasalamat ito sa kanya sa mga bagay na kanyang ginawa para rito o kaya naman sa tuwing malungkot siya sa kanyang buhay na itinatago, and Kesslee always consoles him with a warm hug and a kiss on his cheek.
But that kiss on the corner of his lips was different. It was warm and it was tingling and it made his heart beat fast na tila ba nakaramdam siya ng kaba. He lifted his fingers to touch the left corner of his lips tila ba naiwan doon ang marka ng labi ni Kesslee. Bakit siya nakaramdam ng ganun? Babae si Kesslee? Bakit siya nakaramdam ng ganun sa isang babae? Ang kanyang tanong sa sarili. Dahil ba sa katawan niya ay sa lalaki pa rin at tanging puso lang niya ang umiibig sa lalaki? Maari nga na ganun ang dahilan kaya naman nakaramdam siya ng kaba ng halikan ni Kesslee ang sulok ng kanyang mga labi. Hindi ba at ganun din naman ang kanyang naramdaman noong gabi na kailangan nilang buuin ang hinihiling na anak nito? Oo, natural lamang na maramdaman niya iyun dahil sa technically ay lalaki pa rin siya ngunit hindi nangangahulugan na nagkakagusto na siya sa isang babae. Si Nikolas pa rin ang lihim na laman ng puso niya. Naalala rin niya ang kanyang sinabi kay Kesslee, he called her baby nang magpaalam siya rito, it was out of the blue at lumabas na lamang iyun sa kanyang bibig. It was needed, isn't it? Ang tanong niya sa kanyang sarili. Dahil na rin sa mukhang nagdadalawang-isip ang mga nakakita sa kanila. They weren't sweet enough to be called a couple. Pero kailangan ba na maging sweet sila sa isa't isa? Ang tanong niya sa sarili. He recalled his parents, noong nabubuhay pa ang kanyang mommy. Napakasweet ng kanyang daddy at hindi ito nahihiyang ipakita iyun. He remembered his parents dating tuwing Sabado ng gabi and once a month ay nagbabakasyon ang dalawa. He saw his dad always brought flowers for his mom every time na uuwi ito, at sa bawat bouquet ng rosas na ibinibigay ng kanyang daddy ay matamis na halik naman ang iginagawad ng kanyang mommy rito. Yes, they were affectionate with each other and they were not shy about it.
Napabuntong-hininga siya at inalis niya ang kanyang likod sa pagkakasandal niya sa pinto at saka siya naglakad palapit sa tabi ng closet kung saan naiwan pa rin nila sa paanan nito ang dala nilang mga bag. Hindi pa nila nakuha ang pagkakataon na ayusin ang mga dala nilang gamit. Umupo siya sa gilid ng kama at saka niya hinila ang kanyang bag. Kahit saan siya nagpupunta ay hindi niya nakakaligtaan na magdala ng jacket. Binuksan niya ang zipper ng kanyang gym bag at doon ay dinukot niya ang kanyang jacket na may tatak ng kanyang team na Mohicans at sa likod nito ay ang kanyang numero na eleven at siyempre ang kanyang apelyido.
Napailing siya, kung sino pa ang ginawin ay siya pa yung makakalimutin na magdala ng sariling jacket nito, porke swimming akala laging mainit ang panahon sa tabing dagat, ang kanyang nangingiting sabi sa sarili. Muli niyang hinila ang zipper ng kanyang bag para isara iyun at saka siya tumayo bitbit sa kanyang kamay ang kanyang jacket at lumabas na siya ng kanilang silid.
Naalala niya si Nikolas, kung paanong ipinakita nito ang labis na pag-asikaso kay Kesslee. Hindi niya alam kung nagiging mabuting host lang ito ng kanilang team bilang si Kesslee ay bisita at anak ng kanilang coach. Pero hindi naman nito kailangan na mag-exaggerate ng pag-aasikaso na ultimo ang mga gustong kainin ni Kesslee ay kailangan nitong alamin? Ang tanong niya sa kanyang sarili. Bumaba na siya mula sa second floor ng bahay at lumabas na siya sa likod bahay kung saan naroon ang beachfront at nagtipun-tipon na ang kanilang team members at iba pang kasama ng mga ito.
Huh, siguro kausap ni Nikolas ang isa o higit pa sa mga babaeng bisita rin nila, ang sabi niya sa kanyang sarili habang naglalakad siya sa kumpol ng mga tao. Pero habang papalapit ay kumunot ang kanyang noo, nang tingnan niya ang mga lounger na kanina lamang ay kinauupuan nila ni Kesslee. Wala na kasing mga taong nakaupo roon at wala na rin si Kesslee. Nakakunot ang kanyang noo na naglakad siya papalapit at mula sa mga bakanteng lounger ay tumungo ang kanyang paningin sa kumpol ng mga tao na nasa lamesa at hindi niya napansin doon si Kesslee. He kept his face habang hinahanap ng kanyang mga mata ang kanya dapat na nobya. At isang buntong-hininga ang kanyang pinakawalan nang makita niya ang likod ni Kesslee, nakaupo ito sa buhangin at nakaharap sa bonfire habang may dalawang skewers na hawak ang mga kamay nito.
BINABASA MO ANG
"Just Give Me a Baby! Andres Ceresco" (complete)
RomanceAnother sexy Romantic - Comedy story. Kesslee Avalos was in dire need of getting pregnant to baby trap her long time boyfriend. So she will ask her bestfriend, the famous basketball player Andres Ceresco to do the deed and she needed his seed. Andre...
