"I don't think this is a good idea Andres," ang sabi ni Kesslee kay Andres habang sakay siya sa passenger side ng sasakyan nito. Kagagaling lang nila sa condo ni Andres para magprepara ito dahil mga sa natulog si Andres sa kaniyang kagabi. At kahit na may pag-aalinlangan ay pinilit siya na manood nito, he really tried his best to talk sense into her na kapag hindi siya nagpakita ay siya ang talo at nagtagumpay sina Fabian at Ava.
She realized na may point si Andres, alam niya at naintindihan niya ang ibig sabihin nito pero naroon pa rin ang sakit sa kanyang dibdib at hindi niya kayang makita ang dalawa, but she has that obligation as a good or the best sports newscaster na ibigay ang isang magandang article lalo na sa kanyang mambabasa.
"Kesslee, ipakita mo sa mga pangit na iyun na hindi ka nila kayang pabagsakin, yes, kaya ka nilang saktan sino ba naman ang hindi? Pero...this is your job, your career, your dream Kesslee, c'mon hahayaan mo bang tapakan ng malanding yun ang pagiging magaling mong newscaster?" ang giit nito sa kanya.
"Masakit pa rin ang ginawa nila sa akin," ang kanyang sagot at tumingin siya sa labas ng bintana.
"I know but I got yah," ang sagot nito sa kanya. Napabuntong-hininga na lang siya at ipinagpatuloy niyang pagmasdan na lang ang tanawin sa labas. Nang bahagya siyang napalingon sa direksiyon ni Andres nang marinig niya na nagring ang phone nito na nasa dashboard.
"Kesslee will you answer it for me and put me on speaker?" ang pakiusap ni Andres sa kanya. Tumango siya at inabot nya ang phone saka niya pinindot ang answer at inilagay sa speaker mode ito saka niya inilagay sa car phone holder.
"Thanks...Nikolas?" ang narinig niyang bati ni Andres sa caller nitong si Nikolas at nang marinig niya iyun ay hindi niya napigilan ang ngumiti para sa kaibigan at muli ay tumahimik siya para makapag-usap ang dalawa.
"Bro, si Kesslee? Kamusta?" ang narinig niyang tanong ni Nikolas sa speaker at hindi niya napigilan ang muling ngumiti dahil sa naramdaman niya ang pag-aalala ng dalawa sa kanya.
"She's here with me why?" ang sagot ni Andres.
Hindi pa muna agad sumagot si Nikolas, it was like he was contemplating what he was going to say next at saka nila narinig ang isang buntong-hininga nito bago ito muling nagsalita.
"It was all over soc med Andres," ang sabi ni Nikolas sa kanila, "may nagpost ng video nang nangyari kagabi," ang dugtong pa nito.
"Good, nang kumalat ang panggagago ng dalawa," ang sagot ni Andres.
"Uh oo, pero nandun tayo sa party, alam mo ang magiging reaksiyon ni coach," ang sagot ni Nikolas.
"I'll deal with coach later, mas mabuti pa rin na nagpunta tayo," ang sagot ni Andres, "we are on our way sa Arena kita na lang tayo dun." Ang huling sabi ni Andres bago naputol ang usapan at mabilis siyang sinulyapan ni Andres.
"Anong video?" ang kanyang tanong dito.
"Ugh, siguro yung pag-aaway namin ni Fabian," ang sagot nito sa kanya, "I'm sorry about this Kesslee pero, alam ko naman na, kung sinuman ang nagpost ng video ay walang intention na sirain ka, gusto lang siguro na ipakita ang tunay na nangyari, alam mo naman, magaling gumawa ng rason ang ex mo."
Hindi siya sumagot at napabuntong-hininga na lang siya, at nanatili na lang siyang tahimik. Mukhang kakalat na ang hiwalayan nila ni Fabian at hindi na siya makakapagkaila pa. Siguro pagkatapos ng championship, she really has to make some hard decisions para sa kanyang sarili.
"Kesslee?" ang pagtawag ni Andres sa kanyang atensiyon. Lumingon siya rito ngunit nanatili na tikom ang kanyang mga labi.
"I'll have your back Kesslee, no," ang bawi nito sabay iling, "hindi lang ako nasa likuran mo, ako ang haharap para sa iyo, you've always been there for me during my trying times about my sexuality kaya naman hindi, hindi kita hahayaan na harapin mo ito ng mag-isa, ang buong Mohicans ang kasangga mo rito."
BINABASA MO ANG
"Just Give Me a Baby! Andres Ceresco" (complete)
RomantikAnother sexy Romantic - Comedy story. Kesslee Avalos was in dire need of getting pregnant to baby trap her long time boyfriend. So she will ask her bestfriend, the famous basketball player Andres Ceresco to do the deed and she needed his seed. Andre...
