Sinilip ni Andres si Kesslee na pumasok sa loob ng tea shop. Isang lugar na hindi nila madalas na puntahan ni Kesslee dahil sa hindi naman sila mahilig na mag-tsaa. Malamang napili ni Kesslee ang lugar dahil sa pagiging pribado ng lugar at kakaunti lamang ang taong napunta roon.
Tulad nang napag-usapan nila ay maghihintay siya sa loob ng sasakyan at hindi na siya nakipagtalo pa rito. Alam niya kung sino ang pakay ni Kesslee sa loob at hindi pa rin siya handa na harapin ito magpahanggang sa sandali na iyun. He was angry and afraid at the same time. At hindi lang kay Nikolas kundi na rin sa kanyang sarili. Napatawad at naintindihan man na siya ni Kesslee ay marami pa rin siyang pinagsisisihan. Nagsisisi siya kung bakit nagpunta pa siya sa apartment ni Nikolas, nagsisisi siya kung bakit uminom siya at nagpakalasing, at nagsisisi siya dahil nang nagising siya ay wala siyang nagawa kundi ang tingnan na lamang si Nikolas. Naging duwag siya nang sandaling iyun at isang bangungot ang dulot nito sa kanya.
Nakaparada ang sasakyan ilang metro ang layo sa mismong harapan ng tea shop. Lumingon pa sa kanya si Kesslee at isang ngiti na mapapawi ang iyong agam-agam ang iginawad nito sa kanya at isang ngiti rin ang isinagot niya rito bago tuluyan na itong nawala sa kanyang paningin at isang buntong-hininga ang kanyang pinakawalan at itinaas na niya ang bintana ng sasakyan at sa loob ay taimtim siyang naghintay.
He was a coward, ang sabi niya sa sarili. Oo, isa siyang duwag dahil sa hindi niya maharap ang kanyang kinatatakutan na siya mismo ang may likha. Napakapit ng mahigpit ang kanyang mga daliri sa manibela at nangilid na muli ang luha sa kanyang mga mata. isa siyang duwag at tanging si Kesslee na lang at ang mga anak nila ang bumubuo sa kanya.
Umangat ang kanyang mga mata at sa di kalayuan ay natanaw niya mula sa windshield si Nikolas na mabilis na naglalakad papalapit sa tea shop hanggang sa ito rin ay lamunin na ng pintuan. Iniwas niya ang kanyang mga mata sa direksiyon ng pintuan at itinuon niya ang kanyang paningin sa hawak niyang manibela. Paano pa kaya niya mahaharap ang mga darating na araw na makakasama niya sa paglalaro si Nikolas? Ang tanong niya sa kanyang sarili. Muli siyang napabuntong-hininga at napansin niyang umalis na ang dalawang sasakyan na nasa kanyang unahan. Pinaandar niya ang kanyang sasakyan pasulong hanggang sa maitapat na niya ito sa mismong tea shop.
He has to start somewhere, ang kanyang sabi sa sarili. If Kesslee's being brave for her he has to start being brave for himself. Seeing him doesn't mean na kailangan nilang maging close ulit ni Nikolas. Ang kailangan niya lang na gawin ay maging sibil dito. At iwasan niya ito nang husto kahit pa isa itong naglalakad na bangungot sa kanya.
He decided to get out of his car at maupo na lang sa hood ng kanyang sasakyan para maghintay kay Kesslee. He ran his fingers through her hair na unti-unti na namang humahaba at saka naghalukip-kip ang kanyang mga braso sa kanyang dibdib. At pagkalipas lang ng ilang minuto ay kinuha ng pintuan ng tea shop ang kanyang atensiyon at mula sa pinto ay iniluwa nito si Kesslee at nagtama ang kanilang mga mata. At mula sa mga mata nito ay nabakas niya ang pangingilid ng luha ngunit mas namayani ang ngiti na kumurba sa mga labi nito. At hindi na niya maiwasan pa ang sarili na hindi ito gawaran ng ngiti at bumuka ang kanyang mga bisig para kay Kesslee at doon ay dali-dali itong pumasok sa kanyang mga bisig at niyakap niya ito ng mahigpit.
"I love you," ang narinig niyang sambit ni Kesslee habang nakasandal ang kanan nitong pisngi sa kanyang dibdib. Isang matamis na ngiti ang kumurba sa kanyang mga labi.
"I love you Kesslee," ang bulong niya sa ibabaw ng ulo nito at saka niya hinagkan ang ibabaw ng ulo ni Kesslee at muli ay may kumuha ng kanyang atensiyon mula sa pintuan at doon ay nakita niya si Nikolas na nakatayo at may bahid ng luha ang mga mata nito.
Sandaling nagtama at napako ang kanilang mga mata at siya na mismo ang bumawi sa kanyang paningin at iginiya na niya si Kesslee at pinagbuksan niya ito ng pinto para makasakay na ito sa passenger side at siya naman ay dali-daling sumakay sa driver side without even taking a second glance at Nikolas. Pero hindi niya maitatanggi na nakaramdam ng kirot ang kanyang dibdib nang makita niyang lumuha ang mga mata nito.
BINABASA MO ANG
"Just Give Me a Baby! Andres Ceresco" (complete)
RomantikAnother sexy Romantic - Comedy story. Kesslee Avalos was in dire need of getting pregnant to baby trap her long time boyfriend. So she will ask her bestfriend, the famous basketball player Andres Ceresco to do the deed and she needed his seed. Andre...
