Nangingilo na ang ngipin ni Andres habang nakaupo lamang siya roon at nakikinig sa mga pathetic pleading statements of Fabian. Mabuti na lang at nakukuha pa rin ni Kesslee na sumagot sa dati nitong boyfriend kaya naman hinayaan niya lamang si Kesslee na ilabas ang galit nito sa dati nitong boyfriend na ang lakas naman ng loob pa na magpakita sa kaibigan.
He kept his cool, pero nang makita niya na hinawakan na nito ang pulsuhan ni Kesslee na binawi ng kaibigan at doon na nagpantig ang kanyang tenga at nag-init ang kanyang mga tenga. Mabilis siyang tumayo
"Pwede ba lubayan mo na si Kesslee," ang galit na sabi ni Andres kay Fabian. And they stood facing each other habang nagsusukatan silang dalawa ni Fabian. Wala siyang pakiaalam kung gumawa na naman sila ng eksena ng mga sandaling iyun, ang nasa isipan niya ay ang kapakanan ni Kesslee. They were trying to lessen the damage na ginawa ni Fabian at ganun na rin ni Kesslee kaya naman hindi na nila kailangan pa ng isa na namang drama mula sa nobyo nitong mukhang nahipan ng hangin at nagbago ang takbo ng isipan nito.
"Huwag ka ngang makialam dito," ang galit din na sagot ni Fabian sa kanya habang nakaduro ang hintuturo nito sa level ng kanyang dibdib. "Ang hilig mong pumapel, hah sino ka ba? Kaibigan ka lang naman akala mo kung sino ka."
Abdres smirked on him and he folded his arms across his chest, "huh, hindi niya lang ako kaibigan, boyfriend na niya ako." Ang mariin na sabi ni Andres kay Fabian at sinamahan pa niya ng pagtaas ng isa niyang kilay. Nabasa niya ang pagkabigla sa mga mata ni Fabian at mula sa kanya ay lumipat ang mga mata nito kay Kesslee na tila ba nagtatanong. Ngunit mabilis na lumipat ang kanyang atensiyon kay Nikolas nang sumabat ito sa kanilang usapan.
"Boyfriend? Boyfriend ka na ni Kesslee?" ang sabat naman ni Nikolas sa kanilang usapan. Great, mukhang ang dalawang lalaki na may pagtingin kay Kesslee ay mabibigo sa sandaling iyun, ang sabi ng kanyang isipan. Pero hindi lamang ang mga ito ang nakaramdam ng kabiguan, maging siya man ay bigo sa pag-ibig na kanya na lamang ililihim.
"Uhm oo, Nikolas, kami na ni Kesslee," ang kanyang sagot sa kaibigan at nabasa niya ang panghihinayang sa mukha nito.
"Uhm ganun ba?" ang sagot nito sa kanya.
"Hindi yan totoo," ang sabat ni Fabian sa kanya, "Kesslee, please kausapin mo na muna ako, I am so devastated nang mawala ka, please," ang pakiusap nito sa kaibigan.
Umiling si Kesslee, "hindi pa ako handang kausapin ka ulit Fabian lalo na kung tungkol sa natapos nating relasyon, hindi nay an saklaw ng pagiging sport newscaster ko," ang sagot ni Kesslee and he felt so relieved na kahit papaano ay talagang desidido na si Kesslee na hindi magpaloko sa ex nito.
"But you will give me that chance?" ang tanong ni Fabian kay Kesslee.
"Kapag pumuti na ang uwak," ang sabat niya.
"Huwag kang makialam dito Ceresco!" ang putol ni Fabian sa kanya, "may mga bagay na dapat kaming pag-usapan ni Kesslee at labas na ang pagiging nobyo mo roon," ang mariin na sagot ni Fabian sa kanya at nakuha na niya ang tinutukoy nito. Ang inaakala nitong anak na dinadala ni Kesslee. Nanatili lang na tikom ang kanyang labi at hindi niya sinagot ang sinabi ni Fabian. Ang tungkol sa pagbubuntis ni Kesslee ay gusto na muna nilang gawin pribado at tanging ang kanilang pamilya na muna ang makakaalam patungkol doon para hindi na kumalat pa muna ang mga spekulasyon tungkol sa pagbubuntis ni Kesslee.
"Fabian, kakausapin kita, pero hindi ngayon," ang giit ni Kesslee kay Fabian na mukhang nabuhayan ng loob sa sinabi ni Kesslee at siya naman ang kumunot ang noo. He didn't see the need na kausapin pa ni Kesslee si Fabian, but because he didn't want to question her decision on that moment, kaya naman pinalagpas na lamang niya iyun at kapag sila na lang ni Kesslee ay saka niya ito kakausapin.
BINABASA MO ANG
"Just Give Me a Baby! Andres Ceresco" (complete)
RomanceAnother sexy Romantic - Comedy story. Kesslee Avalos was in dire need of getting pregnant to baby trap her long time boyfriend. So she will ask her bestfriend, the famous basketball player Andres Ceresco to do the deed and she needed his seed. Andre...