Ilang oras na siyang nasa labas at halos lahat ng malapit na twenty-four hours na fast food restaurant, café's, diners, and even convenient stores na malapait sa kanilang area ay pinuntahan na niya pero wala siyang makitang chips na may pepper. Napabuntong-hininga siya pagkalabas niya ng isang fast-food resto at naglakad siya palapit sa kanyang kotse at muli ay pumasok siya sa loob na bigo at wala siyang nabiling pagkain na pinaglilihian ni Kesslee. Unang paglilihi nito kaya naman pursigido siya na maibigay ang pinaglilihian ni Kesslee. Pero sa tinatakbo ng kanyang paghahanap ay mukhang uuwi siya kay Kesslee na bigo.
Tiningnan niya ang oras sa kanyang phone at lagpas na ng alas dose. May engagement sila sa umaga ng kanyang team para sa isang gaganapin na meet and greet ng kanilang fans. Pero willing siya na hindi matulog mahanap ang ang pinaglilihian ni Kesslee. Kailangan niya muna ito na tawagan at alam niya na naghihintay ito sa kanya. He will tell her na maghahanap pa siya sa kabilang city ng hinahanap nitong chips na may pepper flavor.
Sumandal siya sa sandalan ng driver seat at gumawa siya ng tumawag kay Kesselee at nang sa pangalawang ring ay sinagot nito ang kanyang tawag naisip ni Andres na gising pa si Kesslee at naghinihintay ito sa kanya. And he felt bad that moment dahil umaasa si Kesslee.
"It is past twelve already Andres, nasaan ka na? I'm so worried about you," ang bungad sa kanya ni Kesslee at hindi niya napigilan ang ngumiti. He felt happy na malaman na inisip din siya ni Kesslee.
"Nandito pa ako sa kahabaan ng Ferry Lane, uhm Kesslee pupunta muna ako sa bandang Guerrero," ang sabi niya rito.
"Why?" ang tanong nito sa kanya. At hindi niya naiwasan na mapangiwi ang kanyang labi dahil sa kanyang isasagot.
"Hindi ko pa nahanap ang gusto mo," ang sagot niya rito at hinanda na niya ang kanyang sarili na marinig ang panlulumo ni Kesslee sa kanya. Ngunit hindi niya inakala ang isasagot nito sa kanya.
"Hayaan mo na Andres, mas importante na nandito ka na sa bahay, maiintidihan namin ni baby, please bumalik ka na, I am getting worried," ang sagot ni Kesslee sa kanya at kung bakit bigla siyang nakaramdam ng kaba, nang marinig niya ang mga salitang mariin nitong binigkas. His heart started to beat fast sa tempo na iba sa nadama niya noon para kay Nikolas. It was different and it felt good and warm inside him.
"Pero Kesslee,"-
"Andres, bumawi ka na lang pagmaliwanag na? Mas makakasama sa amin ni baby kung mag-aalala ako sa iyo," ang narinig niyang sagot nito.
"Pero gusto kong maibigay ang kailangan mo,"-
"Ikaw ang kailangan ko," ang mariin na sagot nito sa kanya. At hindi siya agad nakasagot at ang puso niya sa loob ng kanyang dibdib ay tila nagkaroon ng mga binti at lumiksi ito sa loob ng kanyang dibdib. Bakit siya nakakaramdam ng ganun? Ang tanong ng kanyang isipan.
"Umuwi ka na, you will never be empty handed," ang dugtong pa nito. At hindi niya naiwasan na kagatin ang kanyang pang-ibabang labi bago unti-unting kumurba ang kanyang mga labi sa isang matamis na ngiti.
"Wala ka bang...ibang gusto na kainin," ang tanong niya rito.
"Ikaw," ang pabirong sagot ni Kesslee sa kanya at hindi niya naiwasan ang mahinang tumawa. "Uwi ka na Andres, I'll wait for you." Ang huling sabi nito sa kanya bago ito nagpaalam at isang katahimikan na lang ang nasa kabilang linya. Ibinalik niya ang kanyang phone sa dash board. Wala na siyang magagawa pa kundi ang umuwi kahit pa nanlulumo pa rin siya at gusto niyang maibigay ang pinaglilihian ni Kesslee.
"You will never be empty handed," ang bulong niya sa kanyang sarili nang ulitin niya ang sinabi nito kanina. At doon ay isang ideya ang pumasok sa kanyang isipan. At tama nga si Kesslee, hindi siya uuwi na walang laman ang kanyang mga kamay, ang kaniyang sabi saka niya pinaandar ang kanyang sasakyan.
BINABASA MO ANG
"Just Give Me a Baby! Andres Ceresco" (complete)
RomanceAnother sexy Romantic - Comedy story. Kesslee Avalos was in dire need of getting pregnant to baby trap her long time boyfriend. So she will ask her bestfriend, the famous basketball player Andres Ceresco to do the deed and she needed his seed. Andre...