Sinundan ni Kesslee ng tingin ang papalayong likod ni Andres. She watched him slid open the glass veranda door saka ito humakbang palabas. Bahagyang nanlabo ang kanyang paningin dahil sa pangingilid ng luha sa kanyang mga mata. Iyun kasi ang unang beses na nagtalo at pinagtaasan siya ng boses ni Andres at naintindihan niya ang pinaghuhugutan nito. Andres was so selfless and responsible and he was a giver. Kaya naman alam niya na nasaktan niya ang kaibigan sa kanyang ginawa. Pero, nagkakamali ng akala si Andres, nagkakamali ito na ipaaako pa niyang muling ang anak nila kay Fabian.
Mabilis niyang pinunasan ng kanyang mga palad ang kanyang mata at kumurap-kurap pa siya upang wala nang mamuong luha pa roon. Saka siya naglakad palabas ng veranda para sumunod kay Andres na naabutan niyang nakahawak ang mga kamay nito sa metal railings at nakatayong nakatanaw ito sa abala at maingay na kalsada sa ibaba.
Bahagyang lumingon ito sa kanya nang maramdaman nito ang kanyang presensiya ngunit hindi ito tuluyan na lumingon para tingnan siya.
"Andres," ang malumanay na pagbanggit niya sa pangalan nito. Narinig niya ang pagbuntong-hininga nito at iniangat nito ang kanan nito na kamay para suklayin ang mga hibla ng mahaba nitong buhok na nakawala sa pagkakatali sa ulo nito.
"I'm sorry Kesslee, mukhang tama nga si Fabian, hindi dapat kita pangunahan, hindi ko dapat panghimasukan ang mga plano o desisyon mo sa buhay,"-
"No, hindi, mali si Fabian," ang sabat niya para putulin ang sinasabi nito at humakbang siya papalapit kay Andres. Tumayo siya sa tabi nito and she reached out to held his hand na nakahawak sa metal railings and she gently squeezed that big hand of his. Saka siya tumingala para tingnan ito, but he was was still looking straight far away.
"Mali si Fabian, hindi mo pinanghihimasukan ang mga desisyun ko sa buhay Andres, I am thankful na nandito ka sa tabi ko, na, sinalo mo ako sa kagagahan kong desisyun, but I am not having any resentments about my pregnancy, masaya ako na may baby tayong dalawa," ang giit niya kay Andres na hindi agad sumagot sa kanyang sinabi at nanatili lang na tikom ang mga labi nito.
"I am sorry kung, hindi ko sinabi na makikipagkita ako kay Fabian, biglaan ang nangyari Andres, naalala mo naman na nakapagbitiw ako ng salita sa kanya noon na kakausapin ko siya at kinuha ko na lang ang pagkakataon na iyun na kausapin si Fabian para matapos na ang lahat sa amin, para mabigyan ko na ng tuldok ang lahat," ang paliwanag niya.
"But you said gusto niyang makipagbalikan sa iyo at maging ama sa anak natin," ang mahina na sagot ni Andres sa kanya at nabakas niya na may bahid pa rin ng hinanakit sa boses nito.
"Yes, that's what he said, but, hindi ko tinanggap Andres," ang giit niya rito, "I am not blinded by my crazy dream of wanting to get married, uhm maybe to someone else? But definitely hindi kay Fabian."
Dahan-dahan na pumihit ang ulo ni Andres patungo sa kanya para tingnan siya nito at nagtama ang kanilang mga mata at isang matipid na ngiti ang unti-unting gumuhit sa mga labi nito.
"Let's sit, baka masama sa iyo ang tumayo ng matagal," ang sabi ni Andres sa kanya at nawala na ang kirot sa boses nito at napalitan na ng pag-aalala. Hindi naman niya napigilan na ngumiti ng matamis kay Andres dahil sa pag-aalala nito. Kaya naman bago pa sila maupo ay niyakap niya si Andres ng mahigpit, she pleaced her left cheek on his chest kaya naman dinig niya ang tibok ng puso nito na parang tunog ng kamay na minuto ng orasan. She wrapped her arms on his waist at lumapad ang ngiti niya nang gumanti ng yakap sa kanya si Andres at naramdaman niya na binalot siya ng mga bisig nito.
"I'm sorry, ngayon lang tayo nag-away ng ganito at masakit para sa akin," ang kanyang paghingi ng tawad kay Andres, "I'm sorry Andres, hindi na ito mauulit I promise."
Narinig niya ang buntong-hininga ni Andres, "alam mo naman na hindi ko kaya na magalit sa iyo ng matagal Kesslee," ang narinig niyang sagot nito. Ngumiti siyang muli at nanatili sila na magkayap sa tabi ng metal railings hanggang sa igiya na siya ni Andres sa may outdoor sofa para doon ay maupo silang dalawa.
BINABASA MO ANG
"Just Give Me a Baby! Andres Ceresco" (complete)
RomanceAnother sexy Romantic - Comedy story. Kesslee Avalos was in dire need of getting pregnant to baby trap her long time boyfriend. So she will ask her bestfriend, the famous basketball player Andres Ceresco to do the deed and she needed his seed. Andre...