Natigilan si Kesslee at ang kaninang nanlalambot niyang pakiramdam ay biglang nabuhayan. Inilapat niya ang kanyang mga kamay sa dibdib ni Andres at itinulak niya ang katawan nitong nakadikit sa kanya nang walang kabanayadan. Nanlalaki ang kanyang mga mata na tiningnan si Andres at sinalubong naman ng kulay asul nitong mga mata ang kanyang mata.
"A-anong sabi mo?" ang kanyang tanong at nautal pa ang kanyang salita.
"Nautal ka pa?" ang biro pa ni Andres sa kanya. Marahan niyang tinampal ang pisngi kanan nitong pisngi at natawa lang si Andres sa kanyang iginawi at mas lalo pang lumapad ang ngiti nito sa pisngi.
"Anong sabi mo Andres?" ang mariin niyang tanong, "Hindi mo ba uulitin? O wala ka nang blowing the whistle?" ang pagbabanta pa niya rito.
Nakita niyang nanlaki ang mga mata ni Andres at mabilis nitong kinabig ang kanyang mukha para mabilis na hagkan ang kanyang mga labi. Saka nito idinikit ang noo nito sa kanyang noo at bumulong ito sa kanyang mga labi.
"I love you, mahal kita Kesslee Avalos," ang sambit nito at kasunod niyun ang pagkurba ng mga labi nito para sa isang matamis na ngiti.
Hindi niya napigilan ang mga luha na namuo at nangilid sa kanyang mga mata at nanginig ang kanyang mga labi bago siya nakapagsalita.
"Huwag mo nga akong biruin," ang naluluha niyang sagot. At narinig niya ang mahinang tawa na nagmula sa labi ni Andres at saka ito umiling. Kinabig siya nitong muli palapit at nagdikit ang kanilang mga dibdib nang yakapin siya ng mahigpit ni Andres.
"No," sagot nito habang hinahaplos nito ang kanyang buhok, "hindi ako nagbibiro Kesslee, mahal kita, mahal kita," ang mariin na sagot ni Andres sa kanya. At doon ay tumakip ang talukap ng kanyang mga mata kasabay ng pagtulo ng kanyang mga luha. Hindi siya makapaniwala, Andres loves her, at siya man ay minamahal na ito.
"Mahal...din kita," ang kanyang naluluha na sagot. She felt Andres stiffened and he gently pushed her away from him, for him to look straight into her teary eyes.
"Tama ba ang narinig ko?" ang paninigurado na tanong ni Andres na sa pagkakataon na iyun ay ito naman ang nagulat. "Mahal mo ako?"
Tumangu-tango ang kanyang ulo at suminghot siya para pigilan ang kanyang mga luha na malaya nang tumutulo mula sa kanyang mga mata. Pinahid ng mga palad ni Andres ang kanyang pisngi at inilapat nito ang mga palad nito sa kanyang mga pisngi.
"Ulitin mo nga mahal ko?" ang sambit ni Andres na may paglalambing sa boses nito and he gently squeezed her chin while he gave her a sweet smile.
"Mahal kita, noon pa man, I realized that...I love you," ang kanyang pagtatapat dito. Isang mahinang tawa ang pinakawalan ni Andres at muli ay niyakap siya nito ng mahigpit at paulit-ulit nitong hinagkan ang ibabaw ng kanyang ulo at muli ay nagpakawala ang kanyang mga mata ng sariwang mga luha. At nang marinig ni Andres ang kanyang paghikbi ay muli siya nitong itinulak ng marahan palayo sa dibdib nito at hinanap nito ang kanyang mga mata para tingnan siya sa kanyang mga mata.
"Talaga?" tanong nito at tumango siya bilang sagot na may kasamang paghikbi. "Eh bakit ipinagtutulakan mo ako kay Nikolas, kung mahal mo pala ako?"
Humaba ang kanyang nguso kasabay ng ilang paghikbi, oblivious that they were having conversation sa kabila nang reyalidad na nananatili silang nakahubad na dalawa.
"I know, but I also know that...you love Nikolas, ni hindi ako makikipagkumpetensiya sa kanya sa puso mo dahil alam ko na noon pa man ay mahal mo na siya kaya, mas gugustuhin ko na masaktan basta masaya ka sa piling ng mahal mo," ang pagtatapat ni Kesslee kay Andres. Nakita niya ang malungkot na ngiti sa mga labi ni Andres at kinabig siya nitong muli palapit sa dibdib nito. She rested her cheek on his bare chest and inhaled his scent.
BINABASA MO ANG
"Just Give Me a Baby! Andres Ceresco" (complete)
RomanceAnother sexy Romantic - Comedy story. Kesslee Avalos was in dire need of getting pregnant to baby trap her long time boyfriend. So she will ask her bestfriend, the famous basketball player Andres Ceresco to do the deed and she needed his seed. Andre...
