Chapter Twenty-Nine

3.2K 119 9
                                        


"Samahan na lang kaya kita?" ang tanong ni Andres kay Kesslee habang nagdidrive sila patungo sa isang university gym. Pareho silang may commitment sa araw na iyun kahit pa iilang oras lang ang kanilang tulog dahil sa pagpupuyat nila nang magluto at kumain sila ni Andres ng ginawa nitong pinaglilihian niya. At sa tuwing naaalala niya iyun ay tumataba ang kanyang puso.

But because of their work, hindi sila pwedeng magbabad pa sa kama para matulog. Lalo na siya na buntis at natural na antukin ng mga nakaraan na araw. At sa sandaling iyun sa gitna ng pag-aalala ni Andres ay hindi niya sinabi ang totoo na inaantok pa siya. Umaasa naman siya na mawawala ang antok niya maya-maya lang kapag nakapanood na siya ng game at makainom siyang muli ng kape. Ang importante ay hindi siya nakaramdam ng pagkahilo nang umaga na iyun.

Ihahatid siya ni Andres sa event ng isang exhibition game between the basketball team ng university na kanilang pupuntahan at Bear Cubs. Oo, magkikita silang muli ni Fabian na nanatiling pa ring player ng Bear Cubs.

"Why? And you will be miss by your fans," ang sagot niya kay Andres. Sinulyapan niya ito at sumulyap din si Andres sa kanya at napansin niya ang kunot ng noo nito.

"I am worried about your health," ang sagot nito sa kanya. At ibinalik na nito ang atensiyon sa harapan ng binabagtas nilang daan. "Naglilihi ka na hindi ba?" ang paalala pa nito sa kanya.

"I'm feeling okey Andres, hindi ako nahihilo ngayon, promise," ang sagot niya rito. "Kulang lang ako sa tulog but I am feeling good, hindi mo kailangan na mag-alala."

"Kahit pa," ang mariin na sabi nito sa kanya at sumandal ang likod ni Amdres sa upuan habang nakakunot ang noo nito. She reached out to him and at hinawakan niya ang tuhod ni Andres at marahan niyang tinapik iyun.

"Tatawagan kita agad kapag nakaramdam ako ng hindi maganda, I promise okey?" ang pangako niya rito. Napansin niyang sumulyap si Andres sa kanyang kamay na nakahawak sa kanan na tuhod nito. Nanatili ito na tahimik at hindi ito sumagot sa kanyang sinabi at nang tingnan niya ang mukha nito, nabasa niya na mayroon pang gumugulo sa isipan nito, and soon she realized the reason behind those deep, frown of his.

Nanatili na nakahawak ang kanyang kamay sa tuhod nito at bahagya niyang inilapit ang kanyang katawan kay Andres para makita ang mukha nito.

"I f you are worried about Fabian, hindi ba nakapangako na ako sa iyo?" ang tanong niya rito, "this is work Andres, I have to be professional lalo na sa field ng trabaho ko na makakasalamuha ko siya, at kailangan if I am going to interview him, at hanggang doon na lang iyun, I will never give him the chance na makausap pa ako tungkol sa dati namin na relasyon or tungkol sa baby, okey?"

Hindi sumagot si Andres at kumuyom ang kanyang labi at malambing niyang idinikit ang kanyang baba sa kanan na balikat nito.

"I promise," ang mahina niyang sambit at doon na niya narinig ang buntong-hininga ni Andres at sumulyap ito sa kanya.

"Okey, I trust you Kesslee," ang sagot nito sa kanya. Isang malapad na ngiti naman ang isinagot niya kay Andres at muli niyang isinandal ang kanyang sarili sa passenger seat nang makaramdam siya ng panandalian na pagkahilo. Mabilis niyang isinandal ang kanyang ulo at ipinikit niya ang kanyang mga mata at laking pasalamat na lamang niya na hindi iyun napansin ni Andres.

Ilang sandali pa ay narating na nila ang university gym at mukhang marami ng tao sa loob nito. But she doesn't have to worry dahil may nakareserve na seat para sa kanya. Hinawakan niya ang handle ng pinto pero bago pa siya bumaba ay hinarap niya si Andres.

"I'll text you or call you as soon as natapos ang game, tapos susunod,"-

"Susunduin kita rito," ang putol sa kanya ni Andres at tumaas ang dalawang kilay nito sa kanya. Tiningnan niya ang asul nitong mga mata at tumango siya na may ngiti sa kanyang labi. At bago pa siya lumabas ay mabilis niyang hinalikan ang pisngi ni Andres saka niya binuksan ang pinto ng sasakyan.

"Just Give Me a Baby! Andres Ceresco" (complete)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon