"How are you doing anak?" ang tanong daddy ni Kesslee. They were having Sunday lunch sa kanilang bahay, kahit pa na every Sunday ay ginagawa nila iyun sa pagkakataon na iyun ay alam ni Kesslee na naiiba ang Sunday na iyun. Alam niya na pinalipas lang ng kanyang daddy ang ilang araw pagkatapos ng napabalitang panloloko at break-up nila ni Fabian saka siya nito tatanungin. Kaiba sa kanyang mga kaibigan at relatives na pinutakti na siya agad ng mga tanong at support sa napabalitang panloloko at break-up nila ni fabian. Though she knew that some of them really mean well, ay iniwasan niya na sagutin ang mga messages nito. Wala pa siya sa kanyang huwisyo na sumagot sa anumang mga mensahe. Tanging message ng kanyang daddy at ni Andres lang ang kanyang sinasagot.
"I am doing fine daddy, I am trying to move on with my life," ang kanyang sagot dito.
"Mabuti naman, I am not going to sugar coat anything but cliché man kesslee pero hindi siya ang lalaking para sa iyo at kung lumuha ka man ay nararapat lang dahil sa nasaktan ka at niloko ka, pero hanggang doon na lamang ang dapat mo na iluha at wag ka ng mag-aksaya pa ng kahit butil ng luha s agagong lalaki na iyun, kung sinabi mo lang kahit ako na mismo ang bumugbog sa lalaki na iyun but I know it won't do you any good," ang sagot ng kanyang daddy sa kanya.
Hindi siya sumagot at tumango lang siya at saka siya tumungo at doon ay inabot ng kanyang daddy ang kanyang kaliwa na kamay para pisilin iyun ng mahigpit.
"Kesslee? Kung anong kailangan mo sabihin mo lang sa akin," ang sabi pa nito sa kanya.
Tumango siya at saka niya muling iniangat ang kanyang mga mata at nagtama ang kanilang mga paningin.
"Dad, I uhm, I am planning to leave," ang kanyang sagot dito. Tumango ang kanyang daddy at mukhang hindi pa nito nakuha ang kanyang pakahulugan maari na nasa isipan lang nito ay aalis siya para lang magpalipas ng ilang araw sa isang lugar at makapagpahinga ng kanyang puso at isipan.
"Okey so saan ang bakasyon mo?" ang tanong nito sa kanya.
Tumikom ang kanyang labi at saka siya umiling, "uhm dad, hindi ako aalis para magbakasyon," ang kanyang mariin na sabi rito at nagtaas ang mga kilay nito sa kanya. "Balak ko po sana na kay mommy na muna ako," ang kanyang sabi at napaatras ang ulo ng kanyang daddy at bahagyang bumuka ang mga labi nito saka nito binitiwan ang kanyang kamay para sumandal sa sandalan ng silya.
"Daddy balak ko po na kay mommy na muna tumira sa US, uhm nag-apply po kasi ako sa isang local news channel at habang hinihintay ko po ang sagot balak ko po na kay mommy na muna ako uhm pansamantala, habang hindi pa ako nakakahanap ng sarili kong apartment, wala rin naman ako na balak na tumira kay mommy ng matagal gusto ko pa rin naman na may privacy ako," sagot niya.
Hindi agad nakasagot ang kanyang daddy, lalo pa at aalis siya para tumira sa mommy nila na iniwan sila nito noong maliit pa lamang siya at kumontak lamang ito sa kanila nang higah-school na siya.
"Pero...bakit kailangan na sa ibang bansa ka pa?" ang tanong ng kanyang daddy sa kanya. Dahil ayoko na makita ninyo ang pagbubuntis ko, ang sabi ng kanyang isipan. Ayaw na niyang mapag-usapan pa at maging tampulan ng tsismis ang magiging anak niya.
"Gusto ko na sa ibang bansa na po muna manirahan at magtrabaho daddy malayo sa lahat," ang kanyang sagot sa kanyang daddy.
"Kahit sa akin?" ang mahina at tila may tampon a sagot na tanong sa kanya ng ama. Isang matipid na ngiti ang isinagot niya rito at saka siya umiling.
"Dad, lugar lang ako malayo, pero araw-araw pa rin naman tayo na mag-uusap, saka ikaw naman ang dumalaw sa akin doon kapag season break ninyo, para lang...maiba ang environment ko, please dad, sana maintindihan mo ako," ang kanyang pakiusap sa kanyang ama.
BINABASA MO ANG
"Just Give Me a Baby! Andres Ceresco" (complete)
RomanceAnother sexy Romantic - Comedy story. Kesslee Avalos was in dire need of getting pregnant to baby trap her long time boyfriend. So she will ask her bestfriend, the famous basketball player Andres Ceresco to do the deed and she needed his seed. Andre...