Chapter Twenty-Three

1.8K 101 27
                                    

"Makakaramdam ka na ng mas madalas na morning sickness but mild pa naman, you're one of those few cases na maaga na nakaramdam ng symptoms ng pregnancy, but don't be alarmed, natural lang yan, so I guess reresetahan na kita ng vitamins mo," ang sabi ng kanyang doktora sa kanya at tumango siya na may ngiti sa kanyang mga labi bilang sagot. She was feeling a lot way better that moment kaysa kaninang paggising niya.

Pinagmasdan niya ang kanyang OB na tahimik na nagsusulat sa pad nito, at inalala niya ang nangyari kanina sa kanyang silid. Naalala niya na naririnig niya si Andres na tumatawag but she was so sleepy and she was feeling dizzy kaya naman hindi niya nagawa na bumangon para pagbuksan ito. She doesn't even found the strength to open her mouth para magsalita at sagutin ang pagtawag at pagkatok nito mula sa labas ng pintuan at ang tangin nagawa na lang niya ay ang magpagulong-gulong sa ibabaw ng kama hanggang sa tuluyan na nga siyang nahulog.Nasabi na niya sa kanyang doctor ang nangyaring iyun and she made sure that her baby is still safe inside her womb.

Matagal pa man siyang nahiga pa muna sa kama at pinagsinungalingan na lamang niya ang kanyang sinabi kay Andres na mabuti na agad ang kanyang pakiramdam. She has to, kitang-kita niya at damang-dama niya ang pag-aalala ni Andres sa kanya kanina that he was more willing to skip his meeting para lang masamahan siya sa kanyang check-up. At hindi niya iyun hahayaan na mangyari, she will not jeopardize his career. Nasira na nga niya ang personal life nito kaya naman hindi niya hahayaan na maabala pa niya ang career ni Andres.

Iniabot ng kanyang doctor ang prescription paper sa kanya at ipinaliwanag nito ang mga vitamins na nakalista. Her doctor even advised her about her diet on what and what are not safe for her at dapat niyang iwasan as much as possible. She even scheduled her next appointment para sa series of laboratories and shots na ibibigay sa kanya. After that, she was good to go.

Lumabas siya ng clinic habang inaayos niya ang kanyang bag she fished out her phone na nakasilent mode, para tingnan kung may tawag siyang natanggap mula kay Andres pero wala man siyang natanggap na tawag ay mga limang text messages naman ang kanyang natanggap na sinasabi na nasa kalagitnaan pa ito ng meeting at tatawagan siya nito the minute that their meeting ended. Tiningnan niya ang oras kung kailan niya natanggap ang message and it was fifteen minutes ago. Ibig sabihin ay hanggang sa sandaling iyun ay nasa meeting pa si Andres, ang sabi niya sa kanyang sarili. She decided not to call nor text him at hihintayin na lamang niya ang sinabi nitong tawag. Tiningnan niya ang kanyang relo at nakita niya na ilang oras pa para sa barbecue dinner nila sa bahay ng daddy ni Andres. Ayaw na rin naman niyang bumalik sa condo para doon maghintay, kaya naman nagdesisyun siya na maghanap na lang ng malapit na coffee shop para kumain at magkape at doon na maghintay kay Andres.

She was about to replaced her phone sa loob ng kanyang bag nang magring ito sa kanyang kamay. Wala mang tunog dahil nakasilent ang kanyang phone ay nagitla pa rin siya dahil sa pagvibrate nito sa kanyang kamay.

"Shit," ang bulong niya. At isa pang mura ang lumabas sa kanyang labi nang makita niya ang pangalan ng kanyang caller, it was Fabian. Naalala niya ang ipinangako niya rito na pag-uusap at mukhang naalala na rin iyun ni Fabian nang sandali na iyun. She wanted to ignore his call pero alam niya na kailangan na rin niya itong kausapin para matapos na ang lahat sa kanila. This is not a closure na kinakailangan sa relasyon nila, iyun ay katuparan lang sa binitawan niyang pangako sa pag-uusap na hiniling nito.

Naubos na ang ring, at umasa siya na titigil na ito ngunit muli na naman niyang naramdaman ang panginginig ng kanyang phone sa kanyang kamay habang siya ay naglalakad at naghahanap ng pwede niyang mapaghintayan na coffee shop.

This is useless, ang sabi niya sa sarili. Alam niya na hindi titigil si Fabian kung tumigil man ito sa oras na iyun malamang ay tatawag itong muli. Kaya wala na siyang iba pang naisip kundi ang sagutin ang tawag nito. She slid her finger on her phone screen at saka niya sinagot ang tawag.

"Just Give Me a Baby! Andres Ceresco" (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon