Chapter Twenty-Seven

2K 97 31
                                    

"Talaga?"! ang excited na tanong ni Kesslee kay Andres nang umaga na iyun habang nakaupo siya sa harapan ng square nitong four-seater dining table sa dining area ng apartment ni Andres. Mas kalakihan ang unit nito kumpara sa noon niyang apartment na kanya nang pinauupahan.

Pinagmasdan niya ang back profile ni Andres na nakaharap sa L-shaped na kitchen counter. Abala ito sa paghahanda ng kanilang kape at toast para sa umaga na iyun. She offered to help but Andres declined kailangan daw nito na gumalaw-galaw lalo pa at tatlong araw na itong walang exercise. Dahil sa sunud-sunod na engagements nito kasama si Nikolas na hinihintay na rin nila na dumating nang umaga na iyun.

Pumihit ang katawan ni Andres para humarap sa kanya at sa mga kamay nito ay ang dalawa nilang mug ng inihanda nitong kape saka ito humakbang papalapit sa kanya at inilapag nito sa mesa sa kanyang harapan ang kanyang kape at ipinatong din nito ang sarili nitong mug sa lamesa saka ito bumalik sa kitchen counter para kunin ang niluto nitong sunny side-up eggs, ham, at english muffin.

"Uh-huh," ang sagot ni Andres sa kanya pagkaupo nito sa silya sa kanyang kanan na bahagi ng lamesa.

"Hindi kaya ikaw yun?" ang excited na tanong ni Kesslee kay Andres na napaatras sandali ang ulo habang nakakunot ang mukha nito. para bang hindi ito maniwala sa kanyang sinabi.

"Oh? Eh bakit ganyan ang reaksiyon mo?" ang kanyang tanong at kinunutan din niya ng noo si Andres. Kumuha siya ng English muffin at saka niya nilagyan iyun ng itlog at ham.

"Ewan, parang hindi naman, baka naman ikaw yun?" ang sagot na tanong sa kanya ni Andres na humigop ng kape nito.

Siya naman ang napaatras ang ulo sa sinabi ni Andres, "bakit ako?" ang kanyang balik na tanong kay Andres na nagkibit ng mga balikat at sandaling kumuyom ang mga labi nito.

"Pansin ko naman eh, mula pa noon sa villa," ang sagot nito sa kanya habang nakaiwasa ang mga mata nito sa kanya at nakatuon sa tinapay na nasa plato nito.

"Ugh, walang gusto sa akin si Nikolas," ang kanyang sagot na pagtanggi.

"Sigurado ka?" ang hamon na tanong sa kanya ni Andres at sa pagkakataon na iyun ay diretso na siyang tiningnan sa mga mata nito.

"Uhm...hindi," ang kanyang matapat na sagot dahil sa hindi naman talaga siya sigurado kung tama ang kanyang palagay, pero hindi iyun magiging sagabal para kumbinsihin ang kaibigan na ito ang tinutukoy ni Nikolas.

"Pero, Andres, kung may posibilidad na ako ang tinutukoy ni Nikolas, hindi rin naman mawawala ang posibilidad na ikaw ang tinutukoy niya," ang giit niya rito. "Baka naman sa iyo siya natotorpe dahil akala niya straight ka, wala ka bang napapansin sa mga kilos niya? Hindi ba...sabi mo na nagtama yung mga mata ninyo tapos kinabahan ka?" tanong pa niya rito.

"Oo, pero, baka nagkataon lang iyun? Uh, Kesslee ayoko naman na umasa agad di'ba?" ang tanong nito sa kanya. Tumango siya bilang pagsang-ayon, maaga pa nga for them to speculate kung ano ba ang pakahulugan ni Nikolas but still that was a start and she saw some hope na maaari na magkaroon ng pagkakasatuparan ng happily ever after ng love life ng kaibigan.

"Yup, but still hoping," ang nakangiting sagot niya rito sabay ng mabilis na pagtaas-baba ng kanyang mga kilay na dahilan para ngumiti ng malapad sa kanya si Andres. "Lalo pa at mukhang napanaginipan mo si Nikolas kagabi kaya,"-

"Ugh Kesslee please, don't remind me again nakakahiya," ang putol sa kanya ni Andres. Mahina siyang natawa sabay iling niya.

"Okey lang iyun, itinuloy mo na lang sana eh di sana magpapakasal na tayo," ang kanyang sagot at napailing na lang si Andres sa kanyang sinabi.

Naalala niya ang nangyari kaninang dis-oras ng umaga, kung paanong naapektuhan din siya nang paglamas ni Andres sa kanyang dibdib. Naramdaman niyang nanigas ang kanyang nipple at ang pamimigat ng kanyang puson nang maramdaman niya ang matigas na pagkalalaki nito sa kanyang pwetan. Kaya naman mabilis na pumihit ang kanyang katawan para tingnan si Andres at doon nga niya nakitang nakapikit ang mga mata nito at doon na niya ito ginising. Bigla tuloy siyang napatanong, kung hindi ba niya ginising si Andres at hinayaan niya ito ay may mangyayari kaya sa kanila?

"Just Give Me a Baby! Andres Ceresco" (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon