"Hay hindi ka kasi sumama kagabi sa amin eh di sana nag-enjoy ka rin," ang sabi ni Nikolas kay Andres. Nasa loob sila ng isang Italian restaurant para sabay na mag-dinner. Niyaya siya ni Nikolas na magdinner at siyempre, sino ba naman siya para tumanggi?
Tiningnan ni Andres si Nikolas, ang bagsak nitong mga mata na nagbigay ng mala-Hugh Grant ang datingan at sa tingin niya ay ang asset ni Nikolas, na binagayan ng kulay brown nitong mga mata. Dinampot ni Andres ang kanyang beer at humigop muna siya ng beer mula sa lata bago siya sumagot.
"Uhm, next time sasama ako, saka, hindi ba sabi ko nga na may dinner kami ng dad ko," ang paliwanag niya, saka niya kinunutan ng noo si Nikolas, "saka hindi ba rule ni coach na walang happenings hanggat hindi championship ang naipanalo?" ang paalala niya kay Nikolas na ngumiti lamang sa kanya na hindi lumalabas ang mga ngipin at saka nito inayos ang hood ng suot nitong hoodie. Kumunot ang kanyang noo dahil sa nakasuot ang hood sa ulo nito.
"Bakit may paganyan ka?" ang kunot noo na tanong niya kay Nikolas, pero naututwa siyang pagmasdan ito dahil sa cute itong tingnan sa suot nitong hoodie na may tatlong bear na design sa gitna. "Stealth mode ka ba? Takot na pagkaguluhan?" ang tanong niya kay Nikolas habang nakangiti ang kanyang mga labi.
Isang malapad na ngiti ang isinagot sa kanya ni Nikolas saka nagtaas ang dalawa nitong kilay sa kanya, "hindi naman, alam mo naman na welcome na welcome sa akin ang mga magaganda at seksing newscasters, uh pwera si Kesslee at taken na," ang habol nito, "kaya ako nakahoodie kasi hindi ako nakapaglagay ng clay sa buhok ko, parang sinabunutan ng babae ang buhok ko at ayoko ng ganun na hitsura, uhm not inside the bedroom of course," ang sabi pa nito.
Isang buntong-hininga ang pinakawalan ni Andres, hindi niya maitatanggi na nakakaramdam siya ng selos sa mga babaeng nakakasama ni Nikolas, pero alam niya na hanggang sa selos na lang siya, dahil sa kahit kailan ay walang magiging sila ni Nikolas, obviously na babae ang gusto nito.
"Ewan ko sa iyo," ang kanyang sagot kasabay ng kanyang pag-iling at saka niya iniangat ang lata ng beer sa kanyang bibig para uminom ng beer.
"Nga pala, bukas ang laban ng Bearcubs at Highlanders, manood tayo," ang sabi ni Nikolas sa kanya. Nakagawian na rin naman nila na amnood ng games ng ibang koponan kaya naman hindi na bago kung manonood sila ni Nikolas ng laro nina Fabian.
"Oo naman, wala naman na tayong practice bukas sa susunod pa na araw, saka half-day lang kaya pwede tayong manood," ang sagot ni Andres kay Nikolas na tumangu-tango sa kanyang sagot. Sandali lang na nagtagal ang katahimikan sa pagitan nila nang tumunog ang kanyang phone, dinukot niya iyun mula sa bulsa ng suot niyang pantalon at nakita niya ang pangalan ni Kesslee.
"Excuse lang si Kesslee," ang sabi niya kay Nikolas na tumango lang bilang sagot at saka ito dumampot ng slice ng pizza para muling ipagpatuloy ang pagkain. Pinindot ni Andres ang answer button at saka niya inilapit ang telepono sa kanyang tenga.
"Hello?" ang kanyang tanong na bati kay Kesslee. Sabay inom niya ng beer at hinintay niya na sumagot ito sa kanya.
"I need you to give me a baby Andres!" ang bungad na sagot ni Kesslee sa kanya at sa pagkabigla niya ay naibuga niya ang beer na nasa kanyang bibig at umabot iyun sa plato ni Nikolas, na napaatras ang ulo at dibdib nito para maiwasan ang malafountain ng beer na mula sa kanyang bibig.
"Agh, argh," ang kanyang pag-ubo at mabilis na inabutan siya ng napkin ni Nikolas at saka ito tumayo para dumukwang at marahan nitong tinapik ang kanyang likod. He would have took that moment for granted, ang pagtapik ng kamay ni Nikolas sa kanyang likod pero wala ang kanyang isipan sa kanyang kasama ng sandaling iyun at na kay Kesslee at sa sinabi nito sa kanya. Nababaliw na ba ang kaibigan niya?
BINABASA MO ANG
"Just Give Me a Baby! Andres Ceresco" (complete)
RomanceAnother sexy Romantic - Comedy story. Kesslee Avalos was in dire need of getting pregnant to baby trap her long time boyfriend. So she will ask her bestfriend, the famous basketball player Andres Ceresco to do the deed and she needed his seed. Andre...