"What?"! Nababaliw ka na ba?"! ang gulat at di makapaniwala na tanong ni Kesslee kay Andres nang dumating ito sa kanyang condo unit. She received a call from him that morning at sakto naman na hindi maganda ang kanyang pakiramdam nang dahil sa pangangalay ng kanyang balakang. Dumating ito na may dalang coffee at fresh baked sourdough bread with ham and eggs Benedict. Ang kanyang paborito na almusal. Ngunit nawala ang excitement niya sa pagkain nang sabihin ni Andres sa kanya na handa siya nitong panagutan.
"Siguro? Saka kung nababaliw man ako, malamang sa iyo yun nangggaling, hinawaan mo ako ng crazy virus," ang sagot nito sa kanya sabay subo nito sa breakfast sandwich nito. At saka siya nito tinaasan ng dalawa nitong kilay habang ngumunguya.
"But you can't," ang giit niya rito sabay iling niya at hindi na niya madampot ang kanyang sandwich na nakakaisang kagat pa lang siya.
Nilunok ni Andres ang nginuyang sandwich bago ito humigop ng mainit na kape at saka siya nito tinanong, "Why not?"
"Ugh because, bestfriend kita?"
"So? Tatay ako ng anak mo," ang sagot nito sa kanya at hindi siya nakasagot at kumunot lang ang kanyang noo habang bahagyang nakabuka ang kanyang mga labi, looking aghast at her friend na mukhang nakuha nga rin ang kabaliwan sa kanya dahil sa mga ideya na pumasok sa isipan nito.
"No, no, no," ang paulit-ulit niyang sagot habang umiiling ang kanyang ulo. At doon ay nakita niya ang pagbaksak ng mga balikat ni Andres.
"Okey...tell me your reasons why not?" ang mariin natanong nito sa kanya. He put his arms across his chest and he made a gentle nod at her, tila ba na hinahamon siya nito na sabihin ang lahat ng kanyang rason kung bakit ayaw niya ang ideya nito. Akuin ang anak niya? But to what extent? Ang tanong niya sa sarili.
"I am going abroad, nakaplano na ang lahat Andres, at saka hindi tayo magkarelasyon...magbest-friend tayo, at gusto kong buhayin at palakihin ang anak ko na mag-isa na malayo sa mga...ugh...mata at bibig ng mga gagawa ng kwento at spekulasyon tungkol sa akin at sa anak ko, and ayokong masira ang...I mean paano kayo ni Nikolas?" ang kanyang tanong at inilahad niya ang kanyang palad para ituro ang kaibigan.
"What do you mean paano kami ni Nikolas? May I remind you Kesslee na kung tayo ay walang relasyon mas lalo na kami ni Nikolas at mukhang malabo iyun na mangyari," ang kunot noo na sagot nito sa kanya.
"Paano mo nasabi?" ang kanyang tanong at tinaasan niya ito ng isang kilay.
"Wala kami pag-asa ni Nikolasa okey? Straight siya hindi katulad ko na baluktot, nakacurve," ang sagot nito sa kanya. Hindi siya sumagot dahil sa hindi niya alam ang kanyang sasabihin, mukhang ang love life nila ni Andres ay naging parehong masalimuot.
"Now iyun lang ba ang rason mo?" ang tanong ni Andres sa kanya hindi siya ulit sumagot at kinuha na iyun ni Andres na pagkakataon para magsalita.
"So ang reason ko ay napakasimple lang Kesslee, ako ang ama ng dinadala mo, daddy ako ng baby na nasa tiyan mo," ang sagot nito sa kanya.
"But I can't let you shoulder this, ako ang nakaisip ng pagbubuntis ko Andres, kaya ayoko na madamay ka sa consequences ng ginawa ko," ang kanyang sagot sa kaibigan.
"But I am already involved sa consequences mula noong...noong...alam mo na? Ginawa natin ang baby," ang sagot ni Andres. "At ayoko, at hindi ko kayang isipin na mabuhay ka na mag-isa sa ibang bansa habang buntis ka at ikaw lang mag-isa sa pagpapalaki ng anak mo, oo bakla ako Kesslee, pero marunong akong umako ng obligasyon ko na hindi kaya ng nobyo mo, ako ang tatayong tatay niya, dahil anak ko talaga siya."
"But I made plans already," ang kanyang sagot kay Andres at ramdam niya ang pagiging sinsero ng kanyang kaibigan.
"Na pwede mong baguhin, Kesslee sinabi ko na kay daddy, alam na ni daddy na buntis ka," ang sabi ni Andres sa kanya at napapikit ang kanyang mga mata at ipinatong niya ang kanyang mga siko sa ibabaw ng mesa at sinapo niya ang kanyang mukha. Ilang segundo siyang nanatili sa ganung ayos bago niya muling tiningnan sa mga mata si Andres.
BINABASA MO ANG
"Just Give Me a Baby! Andres Ceresco" (complete)
RomanceAnother sexy Romantic - Comedy story. Kesslee Avalos was in dire need of getting pregnant to baby trap her long time boyfriend. So she will ask her bestfriend, the famous basketball player Andres Ceresco to do the deed and she needed his seed. Andre...