Hindi makapaniwala si Andres sa kanyang nakita, habang nag-aalala siya para kay Kesslee na hindi nagpakita at hindi sumasagot sa kanyang tawag, ay makikita niya ang jowa nito na sa sandaling iyun ay parang neon lights na naghuhumiyaw na ang dahilan ng pakikipagcool-off nito kay Kesslee ay hindi space kundi ang babaeng karibal din ng kaibigan sa pagiging sports newscaster.
Habang ang kaibigan niya ay parang baliw na nagconcoct ng kabaliwang ideya ng pagbubuntis ay may ibang babaeng gustong buntisin ng jowa nito. He was devirginized and now he was being taunted by that night at ang lalaking dahilan kung bakit nagawa iyun ng kai ay nagpapakasarap sa kandungan ng ibang babae! Ang galit niyang sabi sa kanyang sarili habang nagmamartsa siyang naglakad palapit sa dalawang wala yatang pakialam kung may makakita sa mga ito. At pagkalapit niya ay para siyang bulkan na sumabog ng sandali na iyun at ang laman ng kanyang isipan ay ang kanyang kaibigan.
"Walang'ya ka!" ang kanyang sigaw and not even minding kung babae si Ava he grabbed her upper arm and he pulled her away from Fabian at hinayaan niyang lumanding ang pwet nito sa madamong lupa.
"Aw!" ang tanging hiyaw ni Ava nang bumagsak ito sa lupa and he didn't even give her a glimpse dahil ang mga mata niya ay nakapako kay Fabian na halatang-halatang nagulat nang makita siyang naroon sa party na iyun.
"Andres," ang tanging sambit nito.
"Tang *na mo ka!" ang mura niya rito na hindi kailanman lumabas sa kanyang bibig maliban sa sandaling iyun sa labis na galit na kanyang nadarama. "Gago ka!" Sabay hawak niya sa kwelyo ng suot nitong shirt at saka niya tinukuran ng kanyang tuhod ang dibdib nito at hindi na niya inakala pa na magagawang lumipad ng kanyang kamao na naglanding sa pisngi ni Fabian. Nakadalawang konekta ang kanyang kamao sa mukha ni Fabian na pilit na sinasalag ang kanyang kamao. Habang maririnig ang tili ni Ava na humihingi ng tulong at nakikiusap na tumigil siya sa kanyang pagsuntok kay Fabian.
"Nagawa mong mambabae, demonyo ka, buntis si Kesslee, buntis siya," ang gigil niyang sabi kay Fabian at hindi na nagtagal pa ay naramdaman niya ang mga kamay na humawak sa kanyang magkabilang braso para hilahin siya papalayo at iyun ay ang ibang lalaking bisita sa party at ilang sandali pa ay narinig na niya ang boses ni Nikolas.
"Andres tama na!" ang pigil nito sa kanya. But he is not finished yet.
"Kapal ng mukha mo! Huh, akala ko may taste ka kasi si Kesslee ang girlfriend mo, hindi ko akalain na mahilig ka pala sa ukay-ukay! Yung babaeng kaya nakakuha ng balita kasi ibang microphone ang ginagamit sa pag-interview! Pwe! Bagay nga kayo! Mga basura!"
"Andres tama na halika na," ang narinig niyang saway ni Nikolas sa kanya habang hirap na hinihila siya papalayo.
Pero nagpupuyos pa rin siya sa galit, "Ava, gusto mo ng interview?" ang tanong niya rito at ito naman ang napagbuntunan niya ng galit. He saw Ava's stricken face habang hawak nito ang braso na mahigpit niyang hinawakan kanina nang hilahin niya ito.
"I'll give you an exclusive, sasabihin ko na ikaw, ay isang babaeng hindi mabenta na kahit ukay-ukay na at discounted ka pa, walang bibili sa iyo!" ang pang-iinsulto niya rito, "ilagay mo rin sa article mo na isa kang buwitre na kumakain ng tira ng iba!"
"Hey stop it!" ang sigaw sa kanya ni Fabian na nakaturo pa ang index finger nito sa kanya.
"Make me," ang hamon niya kay Fabian, "Let go of me Nikolas, pagbibigyan ko ito, halika! Make me, patahimikin mo ako!" ang hamon niya kay Fabian na nanatili na lang na nakatayo habang nasa tabi nito si Ava.
"Ano? Hindi mo kaya?" ang tanong niya kay Fabian sabay singasing niya, "sabagay ni hindi mo nga ako matalo sa basketball," ang sabi niya pa rito.
BINABASA MO ANG
"Just Give Me a Baby! Andres Ceresco" (complete)
RomanceAnother sexy Romantic - Comedy story. Kesslee Avalos was in dire need of getting pregnant to baby trap her long time boyfriend. So she will ask her bestfriend, the famous basketball player Andres Ceresco to do the deed and she needed his seed. Andre...