"Ang sweet pala ni Nikolas ano?" ang tanong ni Kesslee kay Andres habang nagtutuyo siya ng kanyang buhok. Kalalabas lang niya ng shower and she was rubbing her wet hair with the villa's supplied towels para sa mga guests. Katatapos lang ng kanilang hullabaloo sa harapan ng bonfire. And every time she remembers it, a tingling sensation crept up all over her body. Hindi niya maitatanggi that she felt a spark inside of her once his lips touched hers. Alam niyang nagsimula lamang iyun sa simpleng palabas, it was really intended for Nikolas and that girl dahil sa alam niya na nakaramdam ng selos at sakit si Andres, she knew how it felt dahil sa naramdaman niya iyun nang malaman niya ang tungkol kay Fabian at Ava. Kaya naman feeling niya na kailangan niyang maghiganti kanina at talagang nasobrahan pa siya ng kanyang ginawa dahil ni minsan ay di niya ginawa ang ganun kay Fabian. And when she straddled him and touched her lips to his that's when she felt the first spark, pero nang habulin ni Andres ang kanyang mga labi na sa tingin niya ay ambag ni Andres para sa kanilang landian sa harapan ni Nikolas, ang spark ay tuluyan nang nag-apoy lalo na ng maramdaman niya ang dila ni Andres na pinasadahan ang kanyang ibabang labi at ang natural lamang na kanyang gawin ay sagutin iyun ng kanyang sariling dila at sa sandaling iyun ay hindi na niya kailangan ng jacket dahil sa nag-init na ang kanyang pakiramdam. It was meant to be a joke but she was not laughing but she was left with a memory of a hot kiss. Mabuti na lamang at hindi masyado sineryoso ni Andres ang nangyari kanina at nagbalik sa normal ang lahat. It only shows na hindi tinablan si Andres sa nangyari at siya lang ang may naramdaman and maybe, just maybe it was because of that night nang maipasok ni Andres ang pagkalalaki nito sa kanya to do the deed that she was asking for but she was left pregnant yes, but she was asking for more.
Humarap siya kay Andres na nakaupo sa paanan ng kama at nagtaas lamang ng mga kilay ito sa kanya, at naalala niya ang exchange of kiss between Nikolas and Lindsay.
"I didn't mean about their kiss Andres," ang kanyang sabi rito nang ibaba niya ang kanyang mga kamay mula sa pagpupunas niya ng kanyang basang buhok. She was wearing a big t-shirt and shorts underneath kanyang damit na pantulog. Habang si Andres ay hinila ang suot nitong t-shirt para hubarin iyun at tumambad sa kanya ang well-toned na upper body nito. He saw him in his nude but still, it never falters to amaze her kung gaano kaganda ang katawan ng kaibigan or boyfriend.
Bumagsak ang mga balikat ni Andres habang nakalusot pa rin ang suot hinubad nitong t-shirt sa mga braso nito at kumunot ang noo ni Andres sa kanya habang bagsak ang mga mata nitong kulay asul na tiningnan siya. At isang mahinang tawa ang isinagot niya rito. Humakbang siya palapit at naupo siya sa tabi nito habang hawak pa rin niya sa kanyang mga kamay ang kanyang ginamit na tuwalya. At saka niya idinikit ang kanyang kanan na balikat sa kaliwang balikat nito.
"Nagselos ka ba sa akin kanina? Sa pag-asikaso ni Nikolas sa akin?" ang tanong niya and she was expecting an honest answer from Andres dahil sa wala naman silang inililihim about their true feelings maliban na lamang sa naramdaman niya kanina lamang. Hindi na kailangan pa na malaman iyun ni Andres, hindi na iyun dapat pa na palakihin.
Pinagmasdan niya ang mukha ni Andres, kung paanong bumaba ang mga tingin nito sa sahig at kumuyom ang mga labi nito sandali bago ito nagpakawala ng malalim na hininga at mahina nitong binangga ang kanyang nakadikit na balikat dito.
"Hmmm, medyo, pero, sa totoo lang," ang panimula nito saka siya nito sinulyapan, "hindi naman ako nainis sa iyo mas, hay, mas nainis pa nga ako kay Nikolas kasi, parang masyado na siyang mapapel sa iyo?" ang sagot nito sa kanya. Marahan siyang natawa sa sinabi ni Andres at isinampay niya ang kanyang kanan na kamay sa kaliwang balikat nito while she was studying his animated face.
"Saka, hindi ko na nga talaga maintindihan kanina kung kanino ako magseselos eh, kung sa iyo o kay Nikolas, at saka kung anong dahilan kasi, alam mo iyun? kung naiinis ako dahil sa nilalandi ka niya o naiinis ako kasi dapat ako ang gagawa ng pag-asikaso sa iyo kasi ako ng boyfriend mo," ang pagpapatuloy nito sa kanya. Hindi niya napigilan ang ngumiti lalo pa nang marinig niya ang huling sinabi nito. Ipinatong niya ang kanyang baba sa kaliwang balikat nito katabi ng kanyang kamay at nakangiti niyang tiningnan si Andres.
BINABASA MO ANG
"Just Give Me a Baby! Andres Ceresco" (complete)
RomanceAnother sexy Romantic - Comedy story. Kesslee Avalos was in dire need of getting pregnant to baby trap her long time boyfriend. So she will ask her bestfriend, the famous basketball player Andres Ceresco to do the deed and she needed his seed. Andre...