Chapter Thirty-Two

2.1K 116 37
                                    

"I love it too," ang sagot ni Kesslee kay Andres. Their heads turned to look at each other at napako ang kanilang mga mata at isang matamis na ngiti ang isinagot niya kay Andres. Kung alam mo lang na hindi lang ang ginawa natin ang gusto ko, kundi ikaw rin Andres. Mahal na kita, ang sabi ng kanyang isipan habang nakatingin siya sa mga kulay asul nitong mga mata.

Nabasa niya ang gulat sa mga mata nito at hindi rin nito naiwasan ang ngumiti, "really?" ang paninigurado na tanong ni Andres sa kanya at tumango siya bilang sagot. "Akala ko, napilitan ka lang," ang sagot ni Andres sa kanya.

Umiling ang kanyang ulo habang nanatili silang magkatabi na nakahiga sa ibabaw ng kama at nakapaling ang kanilang mga mukha sa isa't isa.

"No, hindi ako napilitan, sa totoo lang...I...I really wanted it to happen between us," ang kanyang pag-amin at nakita niya na ngumiti ang mga mata ni Andres sa kanya at tikom ang mga labi nito na ngumiti sa kanya. "Remember that night? Yung ginawa natin si baby?" ang kanyang tanong kay Andres. She heard him scoffed but not in an irritating way, it was because of amusement while he continued to look at her eyes.

"Hindi ko kailanman iyun makakalimutan," ang mariin sagot ni Andres at alam ni Kesslee na pareho sila na hindi iyun kailanman makakalumutan.

"I know," ang kanyang sagot, "well that night nang pumaloob ka na sa akin, I was surprised when you started thrusting inside me, kaya nga pinahihinto kita dahil...it felt so good, and when you cum inside? I felt something, oo nga nagtagumpay man ako sa plano ko but, I felt incomplete, parang may kulang na hindi nangyari nung gabi na iyun and, it made me want more of you, gusto ko na...maramdaman ka muli sa kalooban ko, and kanina? it was so beautiful."

Pumihit ang kanyang katawan para humarap siya kay Andres, oblivious kung wala pa rin siyang suot na pang-ibaba at ganun din naman si Andres na nanatiling nakabukas ang zipper ng pantalon nito. Tiningnan niya si Andres na nanatiling nakalapat ang likod nito sa kama at tanging ang mukha nito ang nakabaling sa kanya.

"Andres? About Nikolas, kaya...kaya ba nangyari ito sa atin dahil sa...gusto mong ilabas ang galit mo? Ang hinanakit mo?" ang kanyang tanong. Nabura ang ngiti sa labi ni Andres at tumikom sandali ang mga ito. At kagaya niya ay pumihit ang katawan nito paharap sa kanya at sinalubong ng mga kulay asul nitong mga mata ang kanyang mga mata.

"Kesslee, I know I was frustrated about Nikolas, but," tumigil ito at umiling ang ulo, "no...it's not about frustration because, just like you, gusto kita na muling madama, tulad mo ay may kulang din sa akin noong gabing iyun at, maybe that longing was triggered a while ago."

"Honestly...I wouldn't mind if you needed me just to release your frustrations," ang kanyang pag-amin. Handa siyang ipagamit ang kanyang katawan para kay Andres.

Napabuntong-hininga si Andres at umangat ang kaliwang kamay nito para hawiin ang mga hibla ng buhok na nasa kanyang mukha. Umiling ito.

"I am not going to use you," ang mariin nitong pagtanggi, "at may aaminin ako sa iyo," ang sabi nito at pinagmasdan niyang kinagat ni Andres ang pang-ibaba nitong labi at ang tumaas ang mga kilay nito.

Siya naman ay napakunot ang mga kilay habang hinihintay niya ang sasabihin ni Andres, "ano ba iyun?" ang tanong niya at hindi niya naiwasan ang ngumiti.

"Yung ginawa ko noong isang gabi? Yung...sa dibdib mo?" ang patanong na sabi nito sa kanya. Tumango siya at hindi na siya nagsalita pa at hinayaan niya na magpatuloy si Andres sa sasabihin nito. "Uhm ang totoo niyan...nanaginip ako na...I was...massaging your breasts."



Isang malakas na tawa ang kanyang pinakawalan nang dahil sa sinabi ni Andres at saka siya napailing, "don't worry I enjoyed it," ang kanyang sagot at magkaharap silang tumawa nang sandali na iyun. Pero panandalian lamang ang mga halakhak na narinig niya sa mga labi ni Andres dahil sa sumeryoso na muli ang mukha nito.

"Just Give Me a Baby! Andres Ceresco" (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon