Chapter Forty-Two

1.7K 107 51
                                    


"Call me okey?" ang sabi ni Andres sa kanya pagkapasok niya at pagkaupo sa backseat ng sasakyang kanyang nai-book papunta sa kanyang pupuntahan.

"I will," ang kanyang sagot na may pilit na ngiti. Pagkasakay pa lang niya sa sasakyan ay agad na nanikip ang kanyang lalamunan.

"Paalis na rin ako at sandali lang ako, kung kailangan mo ng sundo ay tawagan mo ako agad okey?" ang bilin ni Andres sa kanya at tumango na lang siya sa pagsagot. Parang nagbara na kasi ang kanyang lalamunan at hindi na siya makapagsalita.

Pumasok pa ng kaunti ang katawan ni Andres para halikan siya sa kanyang mga labi. Iyun ang halik na pinakamahalaga sa kanya at tatatak sa kanyang puso at mga labi.

"Bye, be careful," ang bulong pa ni Andres bago pa nito binawi ang katawan palabas ng backseat at marahan nitong itinulak ang pinto ng sasakyan. Tiningnan pa niya si Andres na nakatayo sa pavement kumaway pa ito sa kanya at ngumiti habang hinahatid siya ng tanaw ng mga mata nito. Isang tikom na ngiti at pagkaway na lamang ang kanyang naisagot kay Andres na matamis na nakangiti sa kanya. Ang ngiti na babaunin ng kanyang puso.

Isang malalim at nanginginig na paghinga ang kanyang ginawa nang tuluyan nang umandar ang sasakyan. Tila ba iyun na ang simula ng pagsasakatuparan ng kanyang pagpapasya. Lumingon pa siya sa bintana sa likuran ng backseat at nakita niyang nakatayo pa rin si Andres habang nakatanaw sa sinasakyan niya. At doon pa lang ay hindi na niya napigilan na mangilid ang luha sa kanyang mga mata. mahigpit niyang ipinikit ang talukap ng kanyang mga mata. She tried to be strong hindi lang para sa kanya kundi para na rin kay Andres. Kailangan niya itong gawin, dahil mahal niya si Andres ay kailangan niya itong gawin.

Marahan niyang kinikiskis ng kanyang kanan na kamay ang kanyang dibdib para tulungan na paluwagin ang paninikip nito. Hindi niya alam kung hanggang kailan niya kayang pigilan ang emosyon na kumawala sa kanyang dibdib kasabay ng pagpapakawala ng luha ng kanyang mga mata.

Hindi niya itatanggi na pilit niyang pinapatatag ang kanyang sarili. Hindi niya itatanggi na natatakot siya at hindi niya itatanggi na mayron pa rin siyang pagdadalawang-isip sa kanyang gagawin. Ngunit, sa tuwing maririnig niyang muli sa kanyang isipan ang sinabi ni Nikolas sa kanya.

Marahil ay tulad niya ay nagpapakita lang ng katatagan at katinuan si Andres, para sa kanya, ngunit sa kalooban nito ay parang binabagyo ang damdamin nito dahil sa litong-lito pa rin ito sa mga nangyayari. At kailangan niyang gawin ito hindi lang para sa kapayapaan ng puso at isipan ni Andres, kundi na rin para sa kanya. Alam niyang maaari siyang masaktan ngunit hindi naman siya mamumuhay ng maligaya kung bumabagabag naman sa kanya ang kanyang konsensiya na naguguluhan si Andres o marahil ay nagdurusa na kasama siya dahil sa mayron itong ibang mahal. Ang taong mas nauna sa puso nito.

Kumurap-kurap ang talukap ng kanyang mga mata para pahupain ang mga luha at hindi tuluyan na pumatak. Ngunit sa kanyang pagpigil ng kanyang mga luha ay mas lalo lang nanikip ang kanyang dibdib at lalamunan. She placed her hands on her throat and chest while she gently rubbed them. She was trying to relieve the tension that has built-up inside her.

Narating niya ang lugar na malayo sa kanilang area. Bumaba siya ng sasakyan pagkaabot niya ng bayad at nakiusap siya sa driver na hintayin siya nito. Pumayag naman ang driver at dali-dali siyang bumaba ng backseat para maglakad papalapit sa isang building. Pagpasok niya ng main entrance ay binagtas niya ang lobby at nilapitan niya ang frontdesk at isang malapad na ngiti ang binati sa kanya ng magandang babaeng receptionist.

"Good afternoon ma'am," ang bati nito sa kanya.

***

Lumabas ng building si Kesslee at muli ay sumakay siya sa backseat. She was fast approaching the moment that she was not hoping to face but...she has to.

"Just Give Me a Baby! Andres Ceresco" (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon