Chapter Eight

2.2K 92 55
                                    

Kesslee again was in high spirits, lalo na nang muling nagliwanag ang lahat para sa kanya at nagliwanag na muli ang kalangitan at ang mabigat na dinadala niya sa kanyang balikat ay inalis nang lahat ni Andres. Si Andres ang kanyang Knight in shining basketball shoes ang magsasalba sa kanya sa kanyang kinalulugmukan at magkakabalikan na sila ni Fabian. Hindi na siya makapaghintay na mangyari iyun, kailangan na niyang kumilos. She and Andres has to act on it soon, para pasok sa timeline kung kailan sila huling nagsex ni Fabian. Naalala niya ang sinabi ni Andres sa kanya, na kung paano kung maging kamukha nito ang bata? Hindi na niya muna iisipin iyun at ang importante muna ay ang mabuntis siya at maikasal sila ni Fabian. Hindi naman nagkakalayo ang pagiging mestizo ni Fabian at Andres, although ang hindi kailangan na mangyari ang ang maging kulay blue eyes ang mga mata ng anak niya, dahil sa doon na malalagot ang lahat. But, the chances of having a baby with blue eyes were low. Sa lahi nina Andres ay siya lang ang nagkaroon ng blue eyes na minana nito sa great-great grandfather nito. So, the chances of her baby having a blue colored eyes as his or her true father will be slim. Baka sa pang ilang generation pa ulit bago lumabas ang kulay blue na mata nito.

Nakangiti siya na nagvisualise ng mga susunod na mangyayari pagnalaman niya na buntis na siya, she will ask Fabian for a dinner at doon niya ibabalita ang kanyang pagdadalantao. But first, kailangan muna nilang pagtrabahuan ni Andres ang pagbubuntis niya. Hindi Naaman iyun mahirap na gawin, they don't have to literally have sex, ang kailangan lang naman ay maipasok ni Andres ang pagkalalaki nito at makapagpaputok sa loob para mabuntis siya, ang nangingiti niyang sabi sa kanyang sarili habang nakaupo siya sa waiting area ng isang OB clinic. She wanted to know kung mataas ang chances niya na mabuntis sa linggo na iyun para first attempt lang ay buntis na siya. Sana nga lang na three-point shooter din itong si Andres pagdating sa impregnating.

Bumukas ang pinto at lumabas ang pasyente na nasa loob. "Kesslee Avalos?" ang pagtawag sa kanyang pangalan at tumayo na siya mula sa kanyang kinauupuan at malapad ang kanyang ngiti na pumasok sa loob ng silid kung saan naghihintay ang OB sa kanya.

***

Nanlambot ang mga binti ni Andres nang marinig niya ang sinabi ng kaibigan. Umasa pa naman siya na nakalimutan o kung hindi man ay ipinagpaloban nito ang napipintong pagbuo nila ng bata ni Kesslee.

"Kesslee," ang tanging sambit niya at gusto niyang mag-collapse sa sahig ng basketball court ng sandaling iyun.

"Oh Okey, I just wanted to remind you na mamaya diretso na tayo sa I don't know my apartment or yours?" ang tanong pa nito sa kanya.

Hindi pa siya nakasagot dahil sa totoo lang, kahit na hinihintay niya o inaasahan niya ay hindi pa rin niya inakala na agad-agad na mangyayari iyun at ang birhen niyang pagkalalaki ay tuluyan nang mapapariwara. Mawawasak na siya mamaya!

"Uhm Kesslee, mamaya na natin iyan pag-usapan," ang mariin na bulong niya kay Kesslee at isang ngiti naman ang isinagot sa kanya ni Kesslee not realizing the nervousness that her news has brought to him.

"Sige magpractice ka na muna," ang sabi ni Kesslee sa kanya na may kasabay pa na pagtaas ng dalawang kilay nito at hindi niya alam kung bakit ang pumasok sa kanyang isipan ay hindi practice ng basket ball kundi ang isang basketball na kanyang gagawin mamaya at iyun ang kailangan niyang pagpraktisan ng husto.

Napunta ang kanyang mga kamay sa kanyang mga bewang at bagsak ang kanyang mga balikat na sinundan niya ng tingin si Kesslee na naglakad patungo sa mga upuan. Isang buntong-hininga ang kanyang pinakawalan at natuon ang kanyang atensiyon sa kanyang mga kasamahan na tinawag na ang kanyang pangalan para simulan ang kanilang practice.

At nanlalambot man ang kanyang mga binti ay pinilit niyang lagyan ng kanyang liksi ang mga iyun lalo pa at kailangan nilang ikondisyon ang kanilang mga katawan para sa nalalapit na championship game.

"Just Give Me a Baby! Andres Ceresco" (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon