Chapter Twenty-Four

1.9K 106 29
                                    

Andres kept receiving calls and text messages from his friend's para yayain siya sa lakad ng mga ito. He started to feel irritated already lalo pa at may ginagawa siyang tawag kay Kesslee na hanggang sa sandali na iyun ay hindi pa nito sinasagot. He even asked the frontdesk of his condominium to check his unit kung mayroon na tao sa loob but they were sure na nakita nilang lumabas si Kesslee ng building and they even checked the CCTV.

He was really getting worried, he kept on driving hanggang sa narating na niya ang Guerrero St. na hindi kalayuan sa hotel na kanyang pinanggalingan and he was about to make another call nang tumunog ang kanyang telepono. Agad niyang tiningnan ang pangalan ng kanyang caller and he expelled an irritated sigh nang makita ang pangalan ni Canlas na isa sa kateam mate niya.

"Yes?" ang kanyang tanong at iniwasan niya na ipakita ang inis sa kanyang boses.

"Hey baka gusto mo na magkape," ang agad na sabi nito sa kanya. Kumunot ang kanyang noo dahil sa pang-ilan na si Canlas na nag-imbita sa kanya kung hindi kumain, manood, mag-clubbing, si Canlas naman ay magkape.

"Sorry pare, may lakad kami ni Kesslee, and I have to hang-up because I was trying to call her and I am really worried because this morning she's not feeling well," ang kanyang sagot dito. Canlas apologized and hung-up at pagkaputol ng tawag ay agad siyang gumawa muli ng tawag para kay Kesslee and again, her phone keeps on ringing hanggang sa maubos na ang ring.

"Nasaan ka?" ang malakas na tanong niya sa kanyang sarili. He was looking outside the windshield nang tumunog ang kanyang phone for message notification. He checked the message at kumunot ang kanyang noon ang makita na naman niya ang pangalan ni Canlas. Hindi na sana niya papansinin pa ang message but something ticked inside him that made him open his friend's message. At nagulat siya nang mabasa niya ang message ni Canlas na nasa area lang ng Guerrero Street na nasa Bread and Brew coffee shop and his nose flared when he read his message. Inihagis niya ang kanyang phone sa dashboard at dali-dali siyang lumiko pabalik sa coffee shop na kanya nang nadaanan kanina lamang.

He made a U-turn and he was trying to calm himself. He was sure na may reason naman si Kesslee kung bakit kasama nito si Fabian sa mga sandaling iyun, ang kanyang sabi sa sarili. Ilang metro mula sa shop ay natanaw na niya mula sa windshield si Kesslee na lumabas ng coffee shop pero hindi pa ito nakakalayo nang makita nya si Fabian na lumabas din ng shop at hinawakan nito ang bisig ni Kesslee para pigilan ito. At doon na siya nakaramdam ng karagdagan na galit sa ex-boyfriend ni Kesslee dahil sa nakita niya na nagpupumilit ito kay Kesslee.

He called all his strength to calm himself, ayaw na niya na gumawa pa ng kung anumang senaryo na sisira sa tahimik na relasyon nila ni Kesslee. Itinabi niya ang kanyang sasakyan sa sidewalk at saka siya lumabas ng kanyang sasakyan. Ngunit pilitin man niyang maging kalmado ay hindi pa rin niya maitago ang galit, lalo na sa bawat hakbang na kanyang ginagawa papalapit sa dalawa dahil sa natuon ang kanyang mga mata sa kamay ni Fabian na nakahawak sa pulsuhan ni Kesslee.

Tumingin sa kanya si Kesslee na mukhang natigilan sa sinasabi nito nang makita siyang naglalakad palapit at nagtama ang kanilang mga mata and he saw the fear in her eyes.

Keep calm, keep calm, ang mga sinabi niya sa kanyang sarili habang naglalakad siya palapit hanggang sa tuluyan na siyang nakalapit sa dalawa at ang una niyang nilapitan ay si Kesslee.

"A-Andres," ang nautal na pagbanggit nito sa kanyang pangalan.

"I kept on calling you," ang malumanay niyang sabi at saka niya hinawakan ang bisig ni Kesslee na hawak din ni Fabian. Tiningnan niya sa mga mata si Fabian, "let her go," ang mahina ngunit mariin na sabi niya rito saka niya marahan na hinila ang bisig ni Kesslee.

Pero hindi agad binitiwan ni Fabian ang bisig ni Kesslee that spark another anger inside him. He gritted his teeth while he was forcing himself to stay calm lalo pa at nakakakuha na sila ng atensiyon ng mga tao dahil na rin sa kilala silang tatlo.

"Just Give Me a Baby! Andres Ceresco" (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon