Chapter Thirty-Seven

1.7K 110 25
                                    

Pinahid ni Kesslee ang luha mula sa kanyang mga mata. Tiningnan niya ang oras sa wall clock na nakasabit sa may dingding ng living area. Ilang oras nang wala si Andres at nakaramdam na siya ng pag-aalala rito. She was also trying to reach him at nakailang tawag na siya sa mobile phone nito but he was not answering.

She was hoping na kaya hindi nito sinasagot ang kanyang tawag ay dahil sa labis pa rin ang galit nito sa kanya at dahil sa hindi sa kung ano pa mang kadahilanan. Mas gugustuhin pa niya na magalit na lang ito sa kanya kaysa sa may nangyari rito na masama.

Masisisi ba niya ito? Kung labis ang galit nito sa kanya? Kahit man siya ay hindi nagustuhan ang mga salitang lumabas sa kanyang bibig kanina, ang sabi ng kanyang isipan.

Tumayo siya mula sa kinauupuan na sofa at naglakad siya palabas ng living area patungo sa veranda. Sumalubong sa kanya ang maalinsangan na hangin mula sa labas pero hindi niya iyun inalintana. Humakbang siya palapit sa railings at doon ay isinandal niya ang kanyang katawan. Inilagay niya ang kanyang kamay sa railings at tumanaw siya sa abala na kalsada sa ibaba ng condominium building at isang buntong-hininga ang kanyang pinakawalan.

What she said was uncalled for, alam niyang mali at hindi totoo ang kanyang nasabi but it was too late for her to retract what she said. She already hurt him. Alam naman niya na hindi darating si Andres sa punto na malilito ito sa pagkatao nito kung hindi nito inako ang dinadala niyang anak. Kung umpisa pa lang ay hindi siya nagpabuntis para lang ma-baby trapped si Fabian ay hindi darating si Andres sa puntong malilito ito sa kung ano ba ang preference nito at ang iibigin ng puso nito.

And she has to admit that every word about her that came from Andres' lips were true. She is a heartless. Power driven bitch, na kapag nakapagdesisyon na ay gagawin ang lahat para lang masunod ang naisipan o nagustuhan niya. And because it was true kaya siya nasaktan kanina. Kung nanggaling siguro ang mga salitang iyun sa ibang tao ay tatawanan lang niya ito, she wouldn't care less. But those words came from Andres, ang lalaking naghahari sa kanyang puso kasama ng kanilang anak na mga kambal.

Parang sinampal siya sa mukha ni Andres kanina ng katotohan. And it doesn't only hurt her heart but mostly her ego kaya naman hindi niya napigilan ang kanyang bibig na magpakawala ng masakit na salita na kanya namang pinagsisisihan hanggang sa sandaling iyun.

Muling nangilid ang luha sa kanyang mga mata at muli siyang humikbi. Hindi niya pinigilan ang luha na tumulo mula sa kanyang mga mata na dumaloy muli sa kanyang pisngi. At pinagmasdan niya ang malalaking kumpol ng mga ulap hindi kalayuan sa kanilang lugar. Pinagmasdan din niya ang matatalim na pagguhit ng mga kidlat na susundan ng dagundong ng kulog. At nawala na ang maalinsangan na

Isang malalim na hininga ang kanyang sinagap at saka niya pinunasan ng kanyang mga palad ang kanyang mga mata at pisngi at nagpasya na siyang bumalik na sa loob. Muling nagawi ang kanyang mga mata sa nakasabit na wall clock sa living area. It was really getting late, ang sabi ng kanyang isipan. At humkbang siya palapit sa side table para damputin ang kanyang phone at muli ay dinayal niya ang numero ni Andres. Idinikit niya ang kanyang tenga sa kanyang phone pero bumagsak ang kanyang mga balikat nang isang out of coverage area na salita ang kanyang narinig. It was either wala itong signal? O pinatay nito ang telepono.

She looked at the screen and she sighed out of grief. At biglang pumihit ang kanyang katawan nang umihip ang malakas na hangin na nagmumula sa nakabukas na pinto ng veranda. She again dialled his number habang humahakbang siya papalapit glass door. She slid the door shut at saka siya tumayo sa harapan nito para tanawin ang labas ng veranda kung saan nagsimula nang bumuhos ang malakas na ulan habang siya naman ay muling idinikit ang kanyang phone sa kanyang tenga ngunit katulad ng kanina lamang ang mga salitang umaalingawngaw sa kanyang tenga.

"Just Give Me a Baby! Andres Ceresco" (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon