Antivirus 29

2.7K 104 3
                                    

Naglakad- lakad lang naman kami ni Paul sa buong park. Hindi ko nga matatawag na pasyal yun e kasi wala naman kaming ibang pinuntahang lugar. Panay lang ang ikot namin dun. Tapos kapag napagod naman, uupo then lalakad ulit. Pag nagutom, kakain tapos lalakad ulit. -__-  Puro lakad lang ang ginawa namin magdamag >.< AS IN LAKAD ALL THE WAY :3

Maya- maya pa’y nakita kong huminto sa paglalakad si Paul saka umupo dun sa isang duyan na bakal na malapit sa isang malaking puno. Sumunod naman ako sa kanya saka umupo din sa katabing duyan na bakante.

Ilang minuto muna ang lumipas bago siya nagsalita. Nakita ko lang siya na nakatingala sa langit at panay ang buntong- hininga na halatang may iniisip na problema. Actually, kanina ko pa napapansin na parang may mabigat siyang iniisip.

Siguro iniisip niya kung pano maayos yung spaceship na sinakyan nila para makabalik na ng planet eklabuuuu.

 

“Cara… did you know that I’m a drag racer?” biglang tanong niya sa’kin.

 

“Hmmmm… Nung una, mukha ka talagang naka- drugs pero wala akong idea na drag racer ka.” Maloko kong sabi sa kanya.

 

“Nakikipag- drag racing ako ng motor.”

 

“Hindi naman nakakagulat Paul! E nung una nga kitang nakita e akala mo ikaw na yung kapalit nung namatay na Fast and Furious star na si PAUL- WALKER hehehehe^^ Kapangalan mo pa!”

 

“Hahahahaha XD Talaga?” biglang tawa niya dahil sa sinabi ko.

 

“Oo kaya! Ginagawa mong Race track yung mga high way na dinadaanan mo -_-“ sabi ko pa.

 

“Oo nga eh! Kaya nga… pinagtutulakan na naman ako nila Mommy na bumalik ng Seoul”

 

“O.o Ha? Pinababalik ka ng seoul?” taka kong tanong.

 

“Yep! They found out that I’m still involved with the drag racing and they wanted me to back there by next week”

 

“O_O Next week? Bat ang bilis naman? Tsaka isa pa, pano yung pag- aaral mo dito?”

 

“They’ve decided na I’ll continue my study there.” Sagot niya sabay yuko na halatang hindi siya agree sa gusto ng parents niya.

 

“Ikaw naman kasi e. Bat ka nakikipag- drag racing! Kahit naman sinong magulang hindi matutuwa sa ginagawa mo!”

 

“Because that is my family!”

O.o

 

“Family?”

She's Dumb! (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon