Katulad ng eksena kagabi nung pauwi na kami ng mansion galing sa reception ng Kasal- kasalan namin ni Gian, siya lang ang hindi nabo- boring. Samantalang ako e kulang na lang kainin yung leather na nasa upuan para lang may magawa sa buhay.
Pano mo ba naman kasi makakausap ang manong na katabi mo kung may nakapaslak na kasing laki ng monay na headset sa tenga niya at kulang na lang e halikan na niya ang screen ng iPad niya dahil sa magdamagang pakikipagtitigan dito. Sigurado akong PICTURE na naman nila ni Kelly ang tinititigan niya. -__- ayoko lang silipin kasi ayokong ma- eching ang golden heart ko! Tsaka isa pa, baka mamaya e hindi ako makapagpilig, baka masigawan ko siya dahil sa sobrang selos :3 Ayoko namang maging nagger noh! Wala pa ngang 24 hours yung kasal namin e baka maki- usap na siya kila Lola na mag- file ng annulment >.<
Kasalukuyan kong iniikot ang buhok ko na parang baliw nang marinig kong magsalita ang driver na sinasakyan namin.
'
“Nandito na po tayo young master at young lady!”
Napaayos naman agad ako ng upo saka inayos ang uniform ko. Naunang lumabas si Gian ng sasakyan habang nakapaslak pa rin sa tenga niya yung mga monay -__-
Tiningnan ko ang labas ng sasakyan at nakita kong marami na ring mga royal students ang nagsisidatingan.
Grabe! Hindi ko akalaing papasok na rin ako ng school bilang isang Royal student. Hindi ko akalaing makakapasok na ako ng Royal building nang hindi nangangailangan ng ninja moves. Hindi ako makapaniwalang maipagyayabang ko na rin sa mga guards na nanghahabol sa’kin palagi ang RED LOGO ng uniform ko XD
THIS IS HEAVEN >.<
Sinuot ko na ang backpack ko sa likod saka lumabas ng sasakyan na taas noo. Kung dati ang backpack ko ang nagsisilbing hide- out ng Color yellow logo ng normal class, ngayon isa na lang siyang pangkaraniwang backpack na magdadala ng mga libro at notebook ko. Bwahahahahahahah :D
“Denise!” napalingon ako sa likod ko.
“Rain ^^ Dun ka sa kabilang kotse sumakay?” tanong ko sa kanya.
“Yep! Hmmm…ikaw Denise? Handa ka na bang dito na pumasok sa royal class?” tanong niya sa’kin habang nakapamulsa pa.
“Hahahahah :D Ako pa ba? E palagi naman akong handa e! Tsaka, haleeeerrr! Dati pa ko pumapasok dito sa royal class noh! Diba dito pa nga tayo unang nag- meet!”
“Hahahahah :D Oo nga! Ang ibig ko lang sabihin e handa ka na ba sa pagsasabi ng Don’t English me! I’m panic! Hahahahaha XD”
“Baliw! Hindi mo pa rin pala nakakalimutan yun!”
“Wala pa ba kayong balak pumasok?” biglang singit ni Gian sa usapan namin.
Napalingon naman kaming dalawa sa kanya. Nasa tapat na siya ng glass na entrance ng building samantalang kami nandun pa rin sa hintuan ng mga sasakyan.
Nagkatingin lang ulit kami ni Rain saka sabay nang naglakad papasok ng building.
Nauuna sa’min si Gian, sunod ako at nasa likuran ko naman si Rain. Tuloy- tuloy lang kami sa paglalakad paakyat ng floor kung saan nandon ang room ng mga seniors. Nakayuko lang ang ulo ko sa paglalakad dahil alam ko na ang magiging tingin sa’kin ng lahat ng mga estudyante na makakasalubong namin. Malamang, dine-degrade nila ako kasi sa isang pitik lang e asawa na ‘ko ng isang sikat na estudyente na Fortaleza; ang pinakamayamang estudyante ng royal class. At big news ‘yun dahil ako ang kauna- unahang normal student na nalipat sa royal class. Sabi ko naman sa inyo dati, milyonaryo lang ang makaka- afford ng tuition sa class na ‘to. At genius lang ang may kakayahang makapasok dito nang hindi nagbabayad ng milyon kada taon -__-
BINABASA MO ANG
She's Dumb! (Completed)
Teen FictionAno ang kapangyarihan ng Coke-in-can? Saan the best gamitin ang Ninja moves? Ano pa ang hindi ninyo alam na stunts ni Jackie Chan? Ano ang the best pamalit sa camera? Basahin niyo na lang. Tinatamad ako mag- explain. Kbye. :* P.S: Ito ay kwento ng...