Antivirus 32

2.8K 87 1
                                    



Para akong sabog na naglalakad paakyat ng hagdanan. Hindi pa rin ako makapaniwala sa lahat ng nangyare. Pakiramdam ko, sa lahat ng katangahan na ginawa ko simula nang pinanganak ako e ito na talaga ang TOP OF THE LIST. Sobrang, Tanga ko talaga :'(

*Flash Back

 

"BAKIT HINDI MO SINABI AGAD SA'KIN KANINA?" bulyaw ko sa driver na kulang na lang e umiyak ako sa mga narinig kong sinabi niya.

 

"E tuloy- tuloy lang po kayo sa pagsasalita eh! Isa pa po, ayoko namang istorbohin kayo!" sagot niya.

 

"Manong naman eh! T_T" naiiyak ko ng sabi dahil sa sobrang kahihiyan.

 

"Kaya nga po young mistress, habang nagsasalita kayo e sinisilip ko yung reflection ni sir sa side mirror ng sasakyan. Nasiguro ko po na naririnig niya kayo dahil nakikita ko pong napapangiti siya sa bawat sinasabi niyo. Hindi niyo lang po napapansin dahil sa bintana po ang tingin ni Young Master" pagkukwento pa sa'kin ni Manong.

 

"I'M DEAD MANONG! I'M DEAD!" naiiyak kong sabi habang si Manong naman e napapakamot na lang sa ulo dahil sa katangahan ko.

*end of flashback

 

Sobrang natatangahan talaga ako sa sarili ko. Kulang na lang e konyatan ko ang ulo ko dahil sa sobrang ka- engotan ko T_T

Dahil sa sobrang kahihiyan ko kay Gian, hindi ko na siya sinabayan kaninang break. Iniiwasan ko rin na mapalapit sa kanya dahil iniisip ko 'yung nangyare. Sobrang nakakahiya talaga! Hindi ko na tuloy alam kung pano haharap sa kanya.

Nagpatuloy na 'ko sa pag- akyat ng hagdanan. Kaka- bell lang sign na tapos na ang lunch break. Marami pang mga estudyante sa corridor dahil nagsisipag- akyatan at nagsisipasukan pa lang ang lahat.

Pagdating ko ng floor namin, nagulat ako nang may biglang humila sa'kin papasok ng isang hallway na daan patungong Lab. Wala masyadong tao doon at bihira lang ang mga dumadaang estudyante. Na- shock ako sa kung sino ang nakita kong humaltak sa'kin.

 

"P- Paul? Di'ba absent ka kanina? Bakit ngayon ka lang pumasok." gulat kong tanong sa kanya.

 

"I'm leaving Cara!" sagot niya sa'kin.

 

"H- Hah?"

 

"That's why I'm here. I'm really desperate to take you with me in Seoul! I want you to go with me Cara. I'm serious! And I'll do everything! I can't leave Philippines without you!"

Eh? O.o

 

"You can't leave Philippines without me? Bakit? Na sa'kin ba Passport mo?"

 

"No! Not that! I mean, I can't leave 'coz I don't wanna be parted from you!"

 

She's Dumb! (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon