["Anong mas masakit? Ang sampalin ng milyong tao sa mukha o sabihang PANGET KA para ang saliwat na nararamdaman ay sa iyo ipamukha?"]
*TRIIIIIIIIIIINNNGGG!!!
“Class dismissed!”
Tumayo na ‘ko saka inayos ang mga gamit ko. Na- late ako kanina kaya naman napagsabihan ako ng subject teacher namin. Okay na yun kesa naman sa mahuli ako ng mga guards at paglinisin ako sa quadrangle.
“Hoy! Denise! Umamin ka nga! Galing ka na naman sa royal class noh?” sigaw ni Menma sa’kin.
“Baliw ka talaga! Alam mo bang alalang- alala kami sa’yo! Pano kung nahuli ka ng mga guards dun?” sabi naman ni Hera.
“Wag na kayong mag- alala! Hindi naman ako nahuli eh! Look! Andito ako at hindi naglilinis ng quadrangle!”
“You such a limerence to that guy!” si Hera ulit.
“Oo na! kasalanan ko bang hinahanap- hanap siya ng mga mata ko?”
“Malandi ka talaga! Hanggang kelan mo ba tatantanan si Gian after the fact that he has a girlfriend?”
Silence…
You read it right! Gian has a girlfriend. Maganda, mayaman, matalino, sexy at ARTISTA. Kaklase niya yun at hindi ko lang sinabi na yung babae na sinabayan ko kanina sa pagpasok sa royal class e yung babae na girlfriend ni Gian. She is Kelly Shei Fuentes. Hindi ko na sinabi kasi ayokong ma- BV. She is a well-known tv and movie actress. Kinababaliwan ng maraming lalake. Ultimo nga kapatid kong lalake e idol siya -_- (Well, judge her. Picture at the right corner)
“Hanggat hindi pa sila mag- asawa” sagot ko.
“Talagang hihintayin mong ikasal sila bago ka titigil?” si Menma.
“Oo. Habang hindi pa siya nakatali, may pag- asa pa rin ako!”
“Ikaw talaga! Hanggat may way papasukin mo e noh!” si Hera.
“Sa lagay mong ‘yan para kang naghihintay na pumuti ang uwak!” si Menma.
“May pag- asa naman talagang pumuti ang uwak eh. Edi buhusan mo ng pintura!”
“O edi… para kang… para kang naghihintay na may tumubong pinya sa palayan” si Menma.
“Pwede naman talagang tumubo ang pinya sa palayan ah! Taniman mo!”
“Hay ewan ko sa’yo!! Puro ka palusot! Halika na nga! Kain na tayo!” si Hera.
***
Bumaba na kami ng canteen. Sa buong campus, ito lang ang lugar kung saan malaya kaming mga mahihirap. Dito lang kasi ang lugar kung saan nagkakasama- sama ang mga taga- royal class, normal class at lower class. Malaki ang canteen kaya afford niya kung magsabay- sabay ang break time naming mga seniors. Sabay kasi ang break time ng mga nasa senior high mula royal class hanggang lower class.
“Dun na lang tayo umupo oh!” sabi ko sabay turo sa isang bakanteng lamesa na pang- apatan.
“Tara!” pumwesto na agad kami doon saka nag- usap kung ano ang mga kakainin namin.
“May baon kami ni Menma, Denise! Ikaw na lang bumili! Wait ka na lang namin!” sabi ni Hera.
“Wag muna kayong kumain hanggat wala pa ko ah? Gusto ko sabay- sabay tayo!”
BINABASA MO ANG
She's Dumb! (Completed)
Teen FictionAno ang kapangyarihan ng Coke-in-can? Saan the best gamitin ang Ninja moves? Ano pa ang hindi ninyo alam na stunts ni Jackie Chan? Ano ang the best pamalit sa camera? Basahin niyo na lang. Tinatamad ako mag- explain. Kbye. :* P.S: Ito ay kwento ng...