Antivirus 6

4K 105 6
                                    

 ["Hindi nadadaan sa sigaw ang lahat, kung minsa'y mas masarap na lang manapak ng mukhang sadyang wasak"]

Apat na oras na ang dumaan pero parang isang minuto pa lang ang nakakalipas simula nung sigawan niya ko sa harap ng maraming tao. Hindi naman ako dun nasasaktan eh. Nasasaktan ako dahil sinabihan niya kong Social Climber, Dumb, Mahirap, Papansin at higit sa lahat PANGET. Ang sakit kaya nun! Ikaw kaya sabihan ng LONG TIME- DEEPEST CRUSH mo ng Panget, anong mararamdaman mo? Magpapa- party? Diba hindi naman! Tae talaga! Tamaan sana ng kidlat ang nagpa- uso ng salitang yan! Masyadong MASAMA >.<

“Ms. Lareda!”

Simula sa araw na ‘to kamumuhian ko na siya! Bakit ba naman kasi hindi ko pa nalaman noon na ganyan pala kagaspang na mas magaspang pa sa balat ng langka at durian yang ugali ng mokong na ‘yun! Edi sana bata pa lang kami inayawan ko na siya -_-

“Ms. Lareda!”

Ipinapangako ko sa sarili ko at sa lahat sa inyong nakakabasa ng mga kalokohan kong ‘to na SIMULA SA ARAW NA ITO, AYOKO NA KAY GIAN!!”

“MS. LAREDA!!! DO YOU HEAR ME?”

“GIAN!!!”

AY!  ?.?  Hala O_o

“Ms. Lareda? Are you ok? Who’s Gian?”

Narinig kong nagtawanan lahat ng mga kaklase ko. Kakaisip ko kasi sa kanya hindi ko sinasadyang nasigaw ko yung pangalan niya sa gulat ko. Engoters talaga T_T

“I’m asking you! Who is Gian? Is he your boyfriend?”

O.O

“M-m-maam! Hindi po!” sagot ko kaagad.

“Hindi niya boyfriend yun maam! Stalker siya ni Gian Deimien!” sigaw ng isa kong kaklase. Mas lalo pa tuloy lumakas ang tawanan ng mga kaklase ko >.<

Ang epal nun! Siya ba kausap? Masyadong papansin! Tamaan sana ng bola sa ulo nang matauhan!

*Blag!!!                                                                                                                    

 

“ARAY!”

Napalingon kaming lahat sa kanya dahil sa ingay na yun at sa pagsigaw niya. Nakita namin ang isang bola ng football na gumugulong sa sahig ng classroom namin. Lumusot yung bola mula sa bintana. Gilid kasi ng building namin e yung football field. Malas niya na lang e siya nasapul ng bola. Mga ganitong oras kasi nagpa- practice yung football team ng school namin. NAGDILANG- ANGHEL ako FOR A WHILE :P

She's Dumb! (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon