Antivirus 46

2.8K 91 1
                                    

"Okay students! We're hoping that everybody will enjoy this day of our trip. Sana lahat maging ligtas at maayos, wala sanang mapahamak at sulitin natin ang araw na ito para sa pagsasaya at pagsa- sightseeing ng mga view na makikita natin dito sa paligid. Wala rin sanang gagawa ng anumang kalokohan, lalo na ang mga boys ha?" sabi sa'min ng teacher na kasalukuyang nagha- handle sa bus namin.

"YES MA'AM!!!!" sigaw naman ng mga lalaki na halos lahat sa likuran ng bus naka- upo..

Nandito kami ngayon sa Subic, Olongapo City. Dito ang destinasyon ng field trip namin. Magkakasama sa isang bus ang isang buong section at may layang mamili ang lahat sa kung sino ang gusto mong makatabi sa byahe. Siyempre, wala naman akong masyadong ka- close sa room namin kaya mas pinili kong kay Rain na lang tumabi. Kahit sandamukal na babae ang na- praning at nag- hyperventilate nung pinili rin ako ni Rain na makatabi sa seat number, wala pa rin silang nagawa. Wala eh! MAGANDA AKO! Chariiiinnggg! ^_^v Hahahahahah :D Keme ko lang 'yun :P

"Lika! Baba na tayo!" sabi sa'kin ni Rain nung nagsimula nang magtayuan ang mga kaklase namin na excited ng lumabas ng bus.

"Sige ^_^" kinuha ko na yung backpack ko saka sinuot sa likod at sumunod na kay Rain sa pagbaba ng bus.

"WOW! Sobrang ganda dito! Ang aliwalas!" nakatawang sabi ni Rain sa'kin habang nililibot ng tingin ang paligid ng lugar na kinatatayuan namin.

"Oo nga! Kasing ganda ko noh? Hahahahaha :D De joke lang! Mas maganda pala 'ko. Hahahahaha!" pagbibiro ko kay Rain.

Napailing na lang siya habang tumatawa dahil sa kapraningan ko.

"Punta tayo dun Rain! Pa- picture tayo!" sabi ko sa kanya saka hinawakan ang kamay niya para hilain siya papunta dun sa malaking bato na parang naghugis cave dahil paloob ang design nito.

Sobrang ganda ng lugar at para talagang paraiso. Yung tipong hindi mo aakalaing may ganung lugar pa pala na magaganda ang natitira dito sa mundo. Parang mga secret paradise na iniingatan para manatili ang natural beauty na nilikha ng Diyos. Sobrang daming estudyante din ang inunang puntahan ang cave na yun bago sila tumuloy sa ibang lugar. Yun kasi ang pinaka- unang attraction na makikita mo pagkalapag na pagkalapag mo pa lang sa lugar na 'yun.

"Picturan mo 'yung cave Rain!" pilit ko kay Rain habang hinihila ang laylayan ng sleeves niya para kunan ang cave gamit ang dala niyang DSLR.

"Oo! Wait! Eto na" tumatawa niyang sagot saka kinunan ang cave.

"Grabe! Ang ganda talaga! Wait! Picturan ko rin ^_^" nakangiti kong sabi saka kinuha ang phone ko sa bulsa saka kinunan ang cave.

*Click!!!

Imbes na sa picture na kinunan ng cellphone ko ako tumingin, sa camera ni Rain ako napalingon. Narinig ko kasi ang pagtunog ng camera niya na wala akong kamalay- malay na ako pala ang pinipicturan.

"HALA! O_O Ano ba 'yan? -_-" nayayamot kong sabi sa kanya saka pilit na inaagaw ang camera na hawak niya.

"Ano? Bakit?" tumatawa niyang sabi saka itinaas ang kamay niya para ilayo sa'kin ang camera.

"Burahin mo 'yan >.< Sabi ko yung cave yung picturan mo! Hindi ako -_-" reklamo ko sa kanya.

"Okay lang 'yan ^_^v" nakangisi niyang sabi saka nag- peace sign sa'kin.

">o<"

"DENISSSEEEEE!!!!"

Bigla akong napalingon sa tunog ng sirena na pangalan ko ang isinisigaw. Hahahahahah :D Joke lang :> Sila Menma at Hera ang tumawag sa'kin. Kung makasigaw kasi talo pa 'yung sirena ng mga bumbero :3

She's Dumb! (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon