Antivirus 45

2.7K 92 6
                                    

"Bati na kayo? Edi mabuti! Anong nangyare para magkabati kayo?" tanong ni Menma sa'kin matapos kong sabihin sa kanila na end na yung giyera sa pagitan namin ni Gian.

"Ha? Ah-ahmm... katulad ng pinayo ni Hera! Ahmm.. yung... yung bigyan siya ng chance para makapagsalita." Nauutal kong sagot. Hindi ko alam pero pakiramdam ko biglang nabuhusan ng chilimansi yung mukha ko dahil sa hapdi at init. Feeling ko pulang- pula na 'to na parang sinapak ni Pacquiao.

"Ahhh! Edi maigi at pinakinggan mo ang payo ko Denise!" sagot naman ni Hera.

"At kelan ka pa naging si Papa Jack, Ramon Bautista o Marcelo Santos III?" sarcastic na singit ko naman.

"Kapag nag- advice, sila agad? Hindi ba pwedeng si Hera Delos Reyes muna? Ang Diyosa ng Section C"

"EHEM! EHEM! ALam niyo kasi... parang feeling ko babalik si Yolanda ngayon. Baka liparin 'yang mga bangs niyo dahil sa lakas ng ipo- ipo. Pakitigilan na po ang pagbubuhat ng sariling bangko ah? Hayaan po nating iba na ang magbuhat niyan para masaya" sagot ko naman kay Hera.

Tinamaan na naman kasi ng ka- echosan. Kung anu- ano na ang pinagsasasabi -__-

"Nga pala Denise! Edi okay na sa inyo ang lahat? I mean, langgam- langgaman na naman ang tema niyo?" pang- aasar ni Menma.

"Ayiiieeeehhh! Di'ba nga sabi, love is sweeter for the second time around?" si Hera naman sabay kiliti sa bewang ko.

"Wow ah! SECOND? E ilang beses na kaming nag- away ng lalaking 'yun eh :3"

"Eeee ganun din 'yun! Kahit second o third o fourth pa 'yan, SWEETER pa rin 'yan *_*" kinikilig pa ring sabi ni Menma sa'kin.

"Pano na yung nagmamahal na ulan?" tanong ni Hera.

Napatingin naman kaming dalawa ni Menma sa sinabi ni Hera.

O.o < ------- ako

o_O < ------ Menma

"Nagmamahal na ulan?" takang tanong ko.

"Pati ba ulan ngayon may presyo na?" sabi naman ni Menma.

"Adick! Mukha bang ang ibig sabihin ko ng nagmamahal e presyo ng bilihin? -__-"

"Bakit? Hindi ba? O.o" inosenteng sagot ni Menma.

"HINDI!!! Ang ibig sabihin ko ng NAGMAMAHAL ay LOVE as in PAG- IBIG! >_<" biglang nainis na sagot niya.

"Oh? Tapos? Kelan pa nagmahal ang isang ulan? Paki- explain nga sa'kin. Hindi ata ako informed!" sabi ko.

"Kaya nga! Parang tumatalinghaga ka Hera ah!" si Menma.

"Ang so- SLOW niyo! Ang ibig kong sabihin dun ay pano na si RAIN na NAGMAMAHAL?"

O_O

Bigla kong tinakpan ang bibig ni Hera ng mga kamay ko dahil sa lakas ng pagkakasabi niya nun. Agad akong luminga- linga sa paligid para tingnan kung may iba bang nakarinig ng sinabi niya. Wala namang reaksyon ang mga estudyanteng kalapit lang namin ng table. Halatang wala silang narinig. Pwew :3

"Pwede namang hinaan ang volume diba?" sabi ko kay Hera saka dahan- dahanng tinanggal ang kamay kong nakatakip sa bibig niya.

"Ay sorry! Nadala lang ^_^v"

Bumuntong- hininga ako.

"Again Denise! Pano na si Rain? Nag- uusap pa ba kayo?" tanong niya ulit.

She's Dumb! (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon