Antivirus 48

2.8K 105 10
                                    

Tahimik akong naka- upo mag- isa sa assigned seat ko. Nakatingin sa labas ng bintana at nanunood ng mga junior high students ng normal class na nagp- p.e. Naglalaro sila ng volleyball. Ang natatanging laro na sobrang kinaayawan ko. Nung nasa 7th grade pa lang kasi ako, tinamaan ako ng bola niyan sa ulo. Naka- pabilog kasi kami nun. Magkakasama lahat ng girls habang naka- hiwalay na bilog naman ang boys. Tinuturuan pa lang kami ng p.e teacher namin nun ng tamang pagtira. Ako ang unang pinatira nila, edi ang saya ko nun tapos, bigla akong tinawag ng classmate kong lalaki kaya nilingon ko siya. Wala akong kaalam- alam na bumalik pala sa'kin yung bola. Ayun! Sapul ako sa ulo! >_< Sobrang sakit nun! Pano ba naman ang tumira e yung classmate naming tomboy, na ngayon ay tuluyan nang naging ganap na anak ni Adan. Inis na inis ako ng mga panahong 'yun at hanggang ngayon, sinusumpa ko ang larong VOLLEYBALL.

(A.N: Iyan po ay totoong karanasan ng author.)

"DENISE! DENISE!"

Bigla akong napalingon sa pintuan ng classroom namin at nagulantang ako nang makita ko si Menma at Hera na hingal na hingal habang nakatayo sa tapat ng pintuan. Kaagad akong tumayo at nilapitan silang dalawa.

"Anong ginagawa niyong dalawa dito? Pano kayo nakapasok? Diba bawal kayo dito sa building?" nagtataka kong tanong.

"Ginaya ka namin. Nag- ninja moves kami tapos tinakasan namin yung mga guards!" si Menma ang sumagot.

"Bakit ba kasi yun? Dapat tinext niyo na lang ako para sana ako na lang ang pumunta sa classroom niyo." Sabi ko.

"Hindi ka maniniwala sa sasabihin namin sa'yo Denise!" si Hera ang nagsalita.

"Ano ba 'yun? Pinapakaba niyo naman ako eh."

Hinila nila akong dalawa papasok sa mismong classroom namin at pina- upo sa upuan ko tapos sila naman ay nanghila ng ibang upuan saka tumabi sa'kin.

"Ano ba kasi 'yun? Pinapakaba niyo talaga ako." Seryoso ko nang sabi sa kanila.

"Wala ka pa bang nabalitaan?" tanong sa'kin ni Hera.

"Wala. Ano ba 'yun? May bagong issue na naman ba?" kinakabahan kong sagot.

Nilabas ni Menma sa bulsa niya yung tupi- tuping diyaryo saka binuklat sa harapan ko.

"Denise! Yare na kayo ni Gian! Alam na ng lahat na illegal ang kasal niyo dahil 17 years old ka lang nung kinasal kayo."

Biglang huminto ang mundo ko nang mabasa ko nga ang isang article na 'yun sa dyaryo. Nakasulat doon ang katotohanang void ang kasal namin ni Gian dahil underage ako nung kinasal kami at hindi iyon sakop ng batas ng Pilipinas. Nakalagay din sa dyaryo ang taon ng kapanganakan ko, pagpapatunay na may daya ang nakalagay sa marriage contract at halatang- halata na may naganap na under the table transaction. Naramdaman ko ang panginginig ng tuhod ko ganun na rin ang sa kalamnan ko.

"Eto na yung kinatatakutan kong mangyare. Ang lumabas ang katotohanan." Sabi ni Hera.

"Anong gagawin niyo niyan Denise?" tanong naman sa'kin ni Menma.

Hindi ako sumagot. Tanging malakas na pagtibok ng puso lang ang naririnig ko. Hindi ko alam kung anong mangyayare at pano namin haharapin ang issue na 'to. Lalabas sa publiko na hindi talaga kami kasal ni Gian at peke lang ang lahat.

"Sigurado akong kapag inimbestigahan 'yan Denise, lalabas talaga ang katotohanan. May posibilidad na paghiwalayin kayo ni Gian at ibalik ka sa totoong pamilya mo. Pwede ring pati pamilya mo at pamilya ni Gian ay sampahan ng kaso dahil sa ginawa nilang panloloko at pagpapakasal sa inyo kahit na underage ka pa lang." sabi sa'kin ni Hera.

She's Dumb! (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon