Antivirus 24

3.1K 139 1
                                    

*Gian

Naramdaman ko ang pagtama ng sinag ng araw sa mga mata ko. Nasilaw ako kaya nagising ako at nawala na ang antok ko. Idinilat ko ang mga yun saka umikot sa kabilang side ng kama para iiwas ang mukha ko sa sinag ng araw na tumatagos sa siwang ng kurtina.

Umikot na’ko at…

O.O

WAAAAAHHHHHHHH!!! >.<

Bigla akong napatayo sa pagkakahiga ng may makita akong tao na nakayuko sa gilid ng kama ko. Nagulat ako kasi akala ko multo. -_-  parang si Sadako lang eh. Natatakpan ng buhok yung mukha niya kaya hindi ko kaagad namukhaan kung sino yun. Ang creepy pa ng dating! Ang lakas maka- suspense. >.<

Dahan- dahan kong inilapit ang mukha ko dun sa tao saka marahang hinawi ang buhok sa mukha niya.

O.o

Si Denise? Teka? Pano siya napunta dito sa kwarto ko? Anong ginagawa niya dito? Bakit dito siya natutulog? Anong trip na naman niya sa buhay? -_-

Napansin ko ang parang isang notebook na nakatabi sa kanya. Kinuha ko ‘yun saka tiningnan.

O.o

Sketch pad pala ‘to?

Tinitigan ko kung anong meron dun at nakita ko na may isang naka- drawing doon.

O.o

T- teka? Ako ‘tong naka- drawing ah?

Hala! O.O Don’t tell me na dinrawing niya ko habang natutulog ako? Ang tibay naman niya. Akalain mo yun, magaling pa lang mag- drawing ‘to si Denise! Kuhang- kuha niya yung kagwapuhan ng kinopyahan niya ^^

Pinagmamasdan ko yung mukha kong naka- drawing dun ng mapansin ko ang paggalaw ni Denise.

Hala! Gising na ata siya!

Nilapag ko ulit yung sketch pad niya saka humiga ulit sa kama. Nagtulog- tulugan ako para magpanggap na hindi ako nagising at hindi ko nalaman na pumasok siya dito sa kwarto ko.

“Hala! Shemay! Anong oras na? Nakatulog pala ako ng mahaba” narinig kong sabi niya habang nakapikit pa rin ang mga mata ko.

Naramdaman ko ang pagkuha niya sa sketch pad na nakatabi lang sa’kin.

“Buti na lang hindi pa siya nagigising! Hindi niya mapapansin na nag- trespassing ako dito. ”

Akala mo lang ‘yun -_-

“Aray! Namamanhid yung kamay ko! >.<” narinig ko pa ulit na sabi niya.

Maya- maya pa’y naramdaman ko na ang pag- alis niya at narinig ko ang mahinang pagsara ng pinto. Sa wakas, umalis na rin siya.

*Denise

Takte talaga! Kamuntikan na ‘ko kanina! Mukha namang hindi talaga napansin ni Gian na pumasok ako sa kwarto niya kasi kaninang kumakain kami e normal naman yung mga kilos niya. Ganun pa rin naman. Tsaka isa pa, sigurado akong bubulyawan niya ko sa oras na malaman niya na pumasok ako dun ng walang paalam >.< Tsk!

Tapos na akong maligo at tapos na rin akong mag –ayos. Naka- upo na lang ako ngayon sa sofa at pinagmamasdan ang drawing ko sa mukha ni Gian. Mabuti na lang at kahit madilim kagabi e nakuha ko pa rin yung mukha niya ^^

Pero wait, kulang sa shading yung ilalim ng labi niya. Kailangan ko ‘tong dagdan.

Tumayo na ‘ko para kunin yung lapis ko. Pero wait again, nasan nga ba ang lapis ko?

She's Dumb! (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon