Antivirus 35

3.1K 114 6
                                    




(A.N: Hello! Sabi kasi sa'kin ng isang reader update daw ulit ako. Ayun! Madali naman akong maka- usap.)





Nauna nang pumasok sa'min si Gian sa entrance ng bar. Nung aktong ako na yung papasok e nabigla ako nung hinarangan ako ng gwardiya na nakabantay sa pintuan.

 


"Ilang taon na kayo ma'am?" tanong sa'kin nung guard.

 

"H- Hah O.o?" nagtataka kong sagot.


Bigla namang gumitna sa'min si Rain saka hinarap yung guwardiya.


 

"What's the matter?" tanong niya.

 

"Bawal po ang underage dito sir!" sagot nung guard.


*Gulp

O.O


Nakita kong bumalik si Gian sa'ming dalawa ni Rain saka hinawakan ako sa kamay at hinarap sa guwardiya.


 

"Pano siya magiging underage kung kasal na kami?" sabi ni Gian sabay taas ng kamay naming magka- holding hands. Pinamukha niya sa guwardiya yung wedding ring na suot- suot namin. Super shock naman ako sa ginawang 'yon ni Gian.

 

"S- Sorry sir! Sige po, pwede na kayong pumasok!" nakayukong sabi ng gwardiya.

Tapos nun, pumasok na kaming tatlo sa loob ng bar.



HOOH! Grabe! Akala ko mahuhuli na talaga ako >.< Hindi ko naman alam na bawal pala underage sa ganitong lugar! But wait? Talaga bang mukha akong bata sa kabila ng mga kolorete ko sa mukha?


 

"Sasama- sama ka pa kasi eh!" bulong sa'kin ni Gian nung nakapasok na kami.


Hindi na rin naman ako sumagot tapos ngumuso na lang.

Madilim, maingay, mausok, magulo at matao yung bar na pinasukan namin. Sobrang nakakasulasok ng amoy dahil sa alak at sigarilyo. Nakakabingi din yung mga tugtugan nila >_< Talagang PARTY PEOPLE!

Habang naglalakad na kami papasok, nagulat na lang ako nang may tatlong mga anak ng inahin na manok ang lumapit sa'min tapos pinuluputan sa braso si Rain at Gian.


 

"Hi Boys! It's good that you finally came! I miss you!" sabi nung chicks 1 kay Rain.

She's Dumb! (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon