Antivirus 53

2.7K 88 2
                                    


Okey...

Papunta na naman ako sa favorite setting ng author. Hulaan niyo kung saan? May premyo sa'kin makakakuha. Wahahahhaha :D Jokesss... malamang sa canteen! Saan pa ba kami nagkikita ng mga kaibigan ko kundi sa canteen lang. Sabi ko naman sa inyo before diba na ito ang lugar kung saan ang lahat ng uri ng tao sa school na 'to ay nagsasanib pwersa. Hahahhaha :D Ang lugar na medyo, medyo lang naman hindi nakaka- intimidate :P

Kaagad akong dumiretso sa table kung saan nandon si Hera at Menma at take note! Hindi lang sila ang dinatnan ko dun. Napangiti pa ko nung makita ko ang iba kong classmate sa N-SC (Normal class- Seniors- Section C) na nandoon din at kasama sila. Kaya pala doon sila pumwesto sa pinakamahabang table sa tabi ng pader kasi marami silang kakain na magsi- share sa iisang table. Bigla ko tuloy na- miss 'tong mga uranggutan na 'to. Nakakainis -___- Parang feeling ko ang tagal ko nang hindi nakakasama sa trip nila :'(

"MAY PARATING NA DYOSANG AMBISYOSA!"

Napalingon silang nasa table na yun sa'kin. Kaagad naman akong ngumiti tapos nagmadaling lumapit sa pwesto nila. Tumabi ako kay Hera kaya napilitan yung mga kahilerang upuan namin na mag- adjust.

"Anong meron? Bakit magkakasama kayo? Reunion? Genen?" loko kong tanong.

"Wala lang. Napag- tripan lang naming magsanib sa iisang table. Hahahahah XD" si Rojhun yung sumagot. Remember? Yung classmate kong beki.

"Kamusta naman ang buhay Denise?" tanong sa'kin ng isa kong classmate.

"Ayos lang. Ok naman ako ^_^ Sa kasamaang palad humihinga pa. Lol! :p" biro ko.

"Hahahahahah XD Adik ka! Kasamaang palad pa ba yung humihinga ka? Atleast nga yung hinihingahan mong hangin e pang- mayaman na. Ansabe lang naman sa buhay reyna mo dun? Nakakaloka yung laki ng bahay niyo! Na- featured yun sa isang show ah!" sagot ni Rojhun.

"Hahahahahha XD Kung kayo nasa kalagayan ko, pustahan iisipin niyo ring mas masarap mabuhay sa normal na lipunan kesa sa ganung uri ng buhay. Sa dami ng pinagdaanan ko, masasabi ko na talagang matibay lang ako." Nakangisi kong sagot.

"Wala ka nang magagawa. Destiny mo yan eh! Tsaka luge ka pa ba? Yung kinababaliwan mo namang lalake ang ka- share mo sa hangin na hinihingahan mo. Araw- araw mo nakikita tas araw- araw mo ding nakakausap!" singit naman ni Menma.

"Kaya nga! Kung tutuusin fair lang talaga ang lahat. Kung mayaman ka na tapos wala pang problemang dumadating sa'yo aba'y unfair na sa'min yun. Atleast kaming mga naghihingalo sa pera e hindi masyadong namomroblema pagdating sa pamilya." Sagot ni Hera.

"TOMOH! TAMA NA ANG USAPAN! TARA NA'T LUMAMON!" biglang sigaw ni Rojhun.

Nagkatawanan naman kaming mga nandun. Akong hindi pa nakabili ng pagkaen e naki- buraot na lang sa kanilang may mga pagkain na.

"Uy! Pwede ba to sa'yo?" biglang saway sa'kin ni Hera.

"Bakit naman hindi? May sakit ba si Denise?" nagtatakang tanong ni Clara, isa ko pang classmate dati.

"H-ha? Ahhh... wala! Wala naman!" kinakabahan kong sagot. Hindi pa kasi nila alam yung tungkol sa pagbubuntis ko.

"Ang ibig sabihin dun ni Hera e kung pwede ba sa kanya yung mga ganitong pagkain lalo pa't bitukang pang- mayaman na siya!" biglang patong ni Menma.

Pwew! -_- Nakahinga naman ako ng maluwag dahil sa sinabing yun ni Menma. Mabuti na lang e napagtakpan niya agad ako.

"Oo yun nga yung ibig kong sabihin!" sabat ni Hera.

She's Dumb! (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon