Antivirus 51

2.5K 91 2
                                    


Tahimik lang ako na naka- upo sa batuhan habang nilalaro ang mga paa ko sa bawat paghampas ng alon ng dagat. Kanina ko pa naririnig na nagri- ring ang phone ko pero hindi ko tinitingnan kung sino ang tumatawag. Alam ko naman kung sino 'yun eh. Malamang si Gian 'yun na nag- aalala sa'kin ngayon. Umalis kasi ako ng bahay na hindi man lang nagpaalam. Kabaet na bata ano po?

Huminga ako ng malalim saka pinakiramdaman ang malamig na hangin na nanggagaling sa dagat. Sobrang lamig at napaka- tahimik ng paligid. Tanging hampas lang ng alon at tunog ng mga ibon ang naririnig ko. Payapa ang lahat at parang nasa ibang dimension ako ng daigdig. Ito ang feeling na hinahanap- hanap ko.

Marahan kong idinilat ang mata ko nang may naramdaman akong tumabi sa'kin. Tiningnan ko 'yun at nagulat ako sa nakita ko.

"S- Siopao?"

Hindi siya sumagot at naki- upo rin lang dun sa batuhan saka pinagmasdan ang view ng dagat.

"P- Pano mo nalaman na nandito ako?" gulat kong tanong.

Nilingon niya ko saka siya sumagot.

"Sabi mo sa'kin dati, kapag wala ka sa bahay at wala ka rin sa Mansion, malamang nasa isang dagat ka na may malalaking bato."

Napa- isip ako bigla at pilit na inalala ang araw na sinabi ko 'yun sa kanya.

"Pinag- alala mo 'ko Siomai. Di'ba sabi ko sa'yo wag kang aalis nang hindi nagpapa- alam sa'kin?" sabi niya sa'kin sa mahinahong paraan.

"Sorry! Siopao. Gusto ko lang kasi humanap ng tahimik na lugar. Para kasing kahit na ipikit ko ang mga mata ko, puro problema lang ang nakikita ko. Natatakot ako parati sa pwedeng mangyari bukas at sa mga susunod na araw." Sagot ko sa kanya.

"Kaya ka umalis ng bahay na hindi nagpapa- alam? Pati pamilya mo pinag- alala mo"

"Masarap munang lumayo sa lahat. Kung pwede lang tumira sa batuhang 'to gagawin ko. Para kasing ina- absorb niya 'yung stress sa katawan ko."

"Ano bang gusto mong mangyare Denise?"

Bigla akong natigilan sa seryosong tanong na 'yun sa'kin ni Gian. Iba ang tanong na 'yun dahil tinawag niya 'ko sa pangalan ko.

"A- Anong ibig mong sabihin?" tanong ko.

"Susunod ka ba sa gustong mangyare nila o sasama ka sa'kin? Sasama ka pa rin sa'kin kahit maging mahirap na 'ko?"

Nabigla ako sa sinabing 'yun ni Gian. Parang biglang umurong ang dila ko dahil sa kaba.

Hinawakan niya ang kamay ko ng mahipit.

"Hindi naman ang pera mo ang minahal ko Siopao eh, kundi ang mukha mo!" natatawa kong sagot sa kanya.

"Ano?" gulat niyang sagot.

"Kaya nga kita nagustuhan nung nasa grade school pa lang tayo kasi ang pogi mo. Mas minahal kita nung high school dahil lalo kang gumwapo, lalo ngayon na asawa na kita, wala nang mas popogi pa sa'yo ^_^" kinikilig kong sabi sa kanya.

Bigla naman siyang napa- iling saka tumawa.

"Baliw! So kapag pumangit ako ayaw mo na sa'kin?" natatawa niyang sabi.

"Oo. Ano 'yun? Asawa ko panget? De joke lang ^_^v Siyempre ngayon na mas nakilala na kita, edi hindi na lang ang mukha mo ang mahal ko kundi pati na rin ang pagkatao at ugali mo." Nakangiti kong sagot.

Tumayo siya sa tabi ko saka pinilit din akong patayuin. Nang makatayo na 'ko, bigla niya 'kong niyakap ng mahigpit saka inamoy- amoy ang buhok ko.

"Mawala na sa'kin ang pagiging Fortaleza, wag lang ikaw at ang magiging baby natin. Willing akong pumayag na siya na ang magmana ng lahat- lahat bilang tunay na unang apo, basta mananatili ka pa ring akin. Magkakamatayan muna talaga kami." Bulong niya sa'kin.

She's Dumb! (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon