*Gian
Uwian na. Nasa sasakyan ako ngayon habang katabi si Rain. Wala si Denise dahil sinama siya ni Mama na mag- shopping, advance birthday gift niya daw para sa kanya. Kaya ayun! Mas pinili pang umabsent para lang makasama kay Mama sa mall. Well, moment nga naman nilang dalawa 'yun.
*Eeeeennnnnggg...
Bigla akong napahawak sa bulsa ng pants ko nang maramdaman ko ang pag- vibrate ng phone ko. Dinukot ko'yun at tiningnan kung sino ang tumatawag.
Denise
Calling...
Pinindot ko kaagad ang accept button saka in- slide.
"HELLO???" biglang sigaw ng nasa kabilang linya. Bigla ko tuloy nailayo sa tenga ko 'yung phone dahil sa gulat.
Tsk! Parang boses ng bata yung nasa kabilang linya -_-
"GIAN???" sabi pa nito.
"Wag nga masyadong malakas ang boses mo! Nagugulat ako eh >.<" naiinis kong sagot.
"Ay! Sorry! Hehehehehe."
"Bat ka tumawag?" tanong ko.
"Wala lang. Gusto ko lang malaman kung uwian niyo na?" sagot niya.
"Nasa sasakyan na kami ni Rain. Palabas na ng school yung sasakyan. Medyo traffic lang. Bakit?"
"Gusto kasi ni Mama na dumaan ka daw dito sa Triloma." Sabi niya.
"Hah? Dadaan ako ng Triloma? Bakit? Anong gagawin ko diyan?" taka kong tanong.
"Ewan. Sabi lang ni Mama eh!" sagot naman niya na parang bata.
"Sige! Sige! Uuwi muna ako ng bahay bago pumunta diyan" sagot ko.
"Ok! Hintayin ka namin dito. Ingat kayo diyan! BABAY!!"
"Kayo din. Bye!"
After nun, pinatay ko na yung phone saka binalik sa bulsa ko.
"Pinapapunta ka ni Tita?" tanong ni Rain sa'kin.
"Oo! Hindi ko nga alam kung bakit"
*PIIIIIIIIIIIIIIIIIIITTTTTTTT!!!!!!!
Bigla kaming nasubsob ni Rain sa upuan na nasa harapan namin nang biglang mag- preno ang kotse na sinasakyan namin. Kamuntikan pa kong masubsob dahil sa sobrang lakas ng impact ng preno.
"SH*T! ANO BA 'YUN? BAKIT BIGLA- BIGLA KAYONG NAGPE- PRENO?!" bulyaw ko sa driver.
"Pasensiya na ho Young Master. Bigla po kasing may sumulpot sa daanan na mga estudyante na naghaharutan."
Napatingin naman agad ako sa labas ng sasakyan namin. Bumuntong- hininga ako ng malalim para subukang ikalma ang inis at pagka- irita na nararamdaman ko dahil sa mga hinayupak na mga estudyante na 'yun. Tiningnan ko ang logo ng uniform nila at nakita kong color green 'yun.
"Mga pulubing estudyante ng Lower class" bulong ko.
Agad naman akong bumaba ng sasakyan saka nilapitan ang mga grupo ng lalaki na kamuntikan nang bumangga sa kotse namin.
"Bukod sa pagiging mahirap niyo, hindi niyo rin ba alam ang pagkakaiba ng high way sa children's park?" naiinis kong sabi sa kanila.
Napalingon naman sila sa'kin nang marinig nila ang sinabi ko.
BINABASA MO ANG
She's Dumb! (Completed)
Teen FictionAno ang kapangyarihan ng Coke-in-can? Saan the best gamitin ang Ninja moves? Ano pa ang hindi ninyo alam na stunts ni Jackie Chan? Ano ang the best pamalit sa camera? Basahin niyo na lang. Tinatamad ako mag- explain. Kbye. :* P.S: Ito ay kwento ng...