Antivirus 33

3K 126 10
                                    




*Gian


Kasalukuyan pa rin kaming naglalakad ni Denise sa gilid ng kalsada. Magkahawak ang kamay pero hindi nag- uusap. Wala lang! Yung tamang lakad lang. Nararamdaman ko na ang pamimintid ng binti ko dahil sa pagod. Malayu- layo na rin ang nalalakad namin at medyo pinagpapawisan na rin ako.

 

"Gian! Upo muna tayo!" sabi niya sa'kin saka tinuro ang isang bakanteng bench na malapit lang sa nilalakaran namin.

 

"Sige! Tara! Pagod na rin ako eh."


Tinungo namin ang bench saka dun ay umupo.

 

"Ano ba naman kasing trip mo? -_- Panay lang tayo lakad!" reklamo sa'kin ni Denise.


Hindi ako sumagot. Tiningnan ko lang ang orasan at nakita kong hapon na pala. Kanina pa tapos ang klase at tiyak nag- uwian na lahat.


Nagulat ako nang bigla niyang pinunasan ng panyo ang noo ko.

 

"Tingnan mo! Pawis na pawis ka na!" sabi niya sa'kin habang pinupunasan ang mukha kong pinagpapawisan.

Napangiti naman ako sa ginagawa niya.

 

"Talaga bang ganito lang ang trip natin sa buhay ngayon Gian? Maglalakad lang tayo magdamag?" tanong niya sa'kin.

 

"Bakit ayaw mo ba?"    

 

"Hindi naman. Nakakapagod lang kasi! You know, pwede namang iba na lang, like kumain o kaya manuod ng sine"

"Hahahahaha! Kaya nga ito ang pinili ko kasi hindi natin kelangan gumastos" natatawa kong sabi.

 

"Hah? O.o E ang yaman mo kaya! Ano namang nakakahinayang kung gagastos ka?" taka niyang sabi.

 

"Hindi ako nanghihinayang. Ang totoo niyan, wala akong dalang pera. Hindi ko dala yung wallet ko kasi naiwan ko dun sa bag ko."

 

"Ngeeeeee? As in, wala kang perang dala ngayon? O.O" nagulat niyang tanong.

 

"Wala ^_^"

 

"Hala! E pano tayo niyan uuwi? Wala din akong dalang pera eh!"

 

"Ok lang 'yan! Edi lakarin natin ^^"


Sinamaan naman ako ng tingin ni Denise saka sinimangutan. Natawa naman ako sa itsura niya kaya niyakap ko siya.

 

"Ok lang 'yan! Joke ko lang yung maglalakad tayo. Tatawagan ko yung driver later na sunduin tayo dito :>" nakayakap kong sabi sa kanya.


She's Dumb! (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon