Nakatitig lang ako sa kisame ng canteen habang nakapangalumbaba sa lamesa at hinihintay ang pagdating nila Hera at Menma. Nauna kaming i- dismissed kaya nauna ako sa kanilang bumaba ng canteen. Wala akong kasama dahil si Gian nasa classroom pa at kinakausap ng subject teacher nila. Kung tatanungin niyo naman ako kay Rain... hindi ko alam. Nauna siyang lumabas sakin pero hindi naman siya mahagilap ng mata ko dito sa loob ng canteen.
Haaaaaaayyyyy... -_-
Ang daming nangyare. Sunod- sunod. Gulo- gulo. Sala- salabit. Nagsasawa na 'ko. Kung tutuusin naman wala ako ng mga problemang 'to nung panahong isang hamak lang akong tambay sa kanto ng Mariveles. Nung mga oras na nakikihintay din ako para sa pila ng blockbuster isaw sa barangay namin. Nung mga araw na professional ninja ako dahil sa pagtakas sa mga gwardiya dun sa royal building, yung tipong naga-ala- Jackie Chan ako makalusot lang dun sa bintana ng CR ng girls.
Ibang- iba na ngayon. Mayaman na nga ako, royal student at asawa ng pinakamayaman, pinaka- gwapo at pinakamatalinong estudyante dito sa Pearl of the Pacific School pero parang ayaw ko naman ng kinaluluguran ko ngayon. Puro na lang gulo, puro na lang kontrobersiya >_< Nakaka- umay. Kahit atsara hindi sapat.
*BLAAAGGG!!!
Bigla akong napaigtad at napaayos ng upo dahil sa malakas na impact na narinig ko mula dun sa librong binagsak sa harapan ko. Iniangat ko ang ulo ko at nakita ko si Menma at Hera na nakatayo sa harapan ng mesa.
"Bat mukha kang asawa ni Ninoy diyan?" loko- lokong sabi sakin ni Menma.
Hindi ko lang siya pinansin at inirapan na lang. Umupo silang dalawa sa harap ko saka muli akong kinulit.
"Ano na namang problema mo, Denise?" si Hera.
"*sighed* Alam na ng lahat sa bahay yung pagkakagusto sa'kin ni Rain" matumal kong sagot.
"HUWAAAAAATTT??? OH MY JIII!!! ANO SABE NG LOLA MO???" sigaw ni Menma.
"Adik! Uso pong hinaan ang boses! Kung maka- react ka naman e akala mo apektado ka sa magiging reaksyon ni Lola :3"
"Sorry naman. Nakaka- kaba lang."
"Natural na – shock! Kamuntikan pang himatayin. Basta! Magulo! Wala halos nakapagsalita. Si Gian lang ata nag- react ng hyper dun." nakabusangot kong sagot.
"E ikaw? Ano ginawa mo?" tanong ni Hera.
"Wala. Nagpa- panis ng laway. Hindi ako nagsalita. No reaction."
"Ehhhh... kamusta na kayo ngayon sa bahay?" tanong ni Menma.
"Wala. May ilangan pa rin pero... masasabi kong tapos na ang gulo." Medyo kalmado kong sagot.
"B- bakit? Panong tapos na?" nagtatakang tanong ni Hera.
"Matapos umamin ni Rain... nagparaya na rin siya. Mas pinili niyang tumahimik at isikreto sa lahat ang karapatan niya."
Nakita ko sa reaksyon ng mukha nila Menma at Hera ang lalong pagtataka. Alam kong mas lalo na silang naguguluhan. Hindi pa nila alam ang totoo. Yung totoo na si Rain ang unang apo at ang dapat na ipinakasal sa'kin. Pati ang tungkol sa pagbubuntis ko... hindi pa nila alam.
"Sandali nga Denise! Anong karapatan? Anong karapatan na sinikreto? Teka nga! Naloloka na 'ko! May hindi pa ba kami alam ni Hera?"
Napakagat na lang ako ng labi ko. Dead end. Wala na kong ibang magagawa kundi ikwento sa kanila ang real situation naming lahat -_-
BINABASA MO ANG
She's Dumb! (Completed)
Teen FictionAno ang kapangyarihan ng Coke-in-can? Saan the best gamitin ang Ninja moves? Ano pa ang hindi ninyo alam na stunts ni Jackie Chan? Ano ang the best pamalit sa camera? Basahin niyo na lang. Tinatamad ako mag- explain. Kbye. :* P.S: Ito ay kwento ng...