["Best feeling in the world is waking up next to the man I love"]
Dahan- dahan kong dinilat ang mga mata ko nang maramdaman ko ang pagdikit ng malamig na hangin sa balat ko. Inikot ko ng tingin ang buong paligid at nakita ko ang bulto ng isang tao na naka- upo sa gilid ng kama ko. Malabo kasi ang paningin ko kaya hindi ko ma- recognize kung sino ‘yun. Bahagya kong kinusot ang mata ko para maging malinaw ang nakikita ko.
“Good you’re finally awake!”
Tiningnan ko ulit ang lalaki at saka ko lang nakilala kung sino yun.
“G- Gian?”
“Ok na ba pakiramdam mo?” tanong niya.
“Mukhang ok na rin ako.”
“Bakit may “mukha”? Hindi ka ba sigurado sa pakiramdam mo ngayon?”
“Pano ko masisiguro e nakahiga pa kaya ako. Siguro masasabi ko lang pag tumayo na ‘ko! Haleeeer!”
Akalain mong may pagka- tanga rin pala ‘tong si Gian. Hintayin niya kaya akong tumayo diba? -_-
Dahan- dahan akong bumangon mula sa pagkakahiga. Tinulungan naman niya akong tumayo hanggang sa maka- upo na ako ng maayos.
“Oh? Nakabangon ka na! Ano nang nararamdaman mo?” tanong niya ulit.
“Ok na! Hindi na ‘ko masyadong nahihilo.” Sagot ko sa kanya.
“Masyado? Bakit ba walang kasiguraduhan lahat ng mga sagot mo Denise? Hindi ba pwedeng i- assure mo naman ‘yung kalagayan mo?”
“Eh bakit hindi yung doctor ang tanungin mo! Puro ka reklamo eh!”
Badtrip >.<
“Grabe! May gana ka pang magalit samantalang ako kaya nag-alaga at nagbantay sa’yo magdamag!”
“Eh sinabi ko po bang gawin mo ‘yun?! Dapat tinawag mo na lang yung mga kaibigan ko para sila na lang ang nag- alaga sa’kin. Hindi yung puro ka reklamo diyan!”
Hindi na siya sumagot.
Tumayo na ako mula sa pagkaka-upo at hinagilap ang mga sapatos ko. Yumuko ako sa ilalim ng kama para doon tingnan pero nagulat ako ng bigla akong hinila ni Gian patayo saka parang manikang pina- upo sa kama.
“A- ano ba? Hinahanap ko yung sapatos ko!”
Hindi ulit siya nagsalita. Nakita kong yumuko siya sa ilalim ng kama na kinauupuan ko saka may inabot mula doon.
Nagulat na lang ako ng hawakan niya ang mga paa ko saka isinuot ang mga sapatos ko.
BINABASA MO ANG
She's Dumb! (Completed)
Teen FictionAno ang kapangyarihan ng Coke-in-can? Saan the best gamitin ang Ninja moves? Ano pa ang hindi ninyo alam na stunts ni Jackie Chan? Ano ang the best pamalit sa camera? Basahin niyo na lang. Tinatamad ako mag- explain. Kbye. :* P.S: Ito ay kwento ng...