["Sometimes, moments like Fairytales are your worst Nightmares"]
5:00 a.m
Alas- singko na ng madaling araw pero hindi pa rin ako nakakatulog. Insomnia na ba ito? Lahat na ng posisyon nagawa ko na pero hindi pa rin ako magawang dalawin ni antok >.< Hindi mawala sa isip ko lahat ng nangyare kagabi sa family dinner. Parang Bangungot na may pagka- fairy tale.
*sighed
Tumayo ako saka lumapit sa cabinet kong puro art materials at art works ang laman. Hindi ko pa pala nasasabi sa inyo guys, mahilig akong mag- drawing ^^ Artist me! Hahahha :D
Binuksan ko yung pintuan ng cabinet saka kinuha ang malaking frame na nakapatong doon.
Hindi ko sasabihin kung sino ang nasa drawing! Hahahha :D Lels~! As if naman na hindi niyo mahulaan e kilala niyo naman kung sino ang kinababaliwan ko DATI. Bumalik ako sa kama saka naupo at muling tinitigan ang frame. Nung hindi ko pa siya kinamumuhian, sa side table ng kama ko ito nakalagay pero tinanggal ko yun dun at pinasok sa cabinet ko simula nung ipahiya niya ko sa maraming tao.
Muling nag- flash back sa utak ko lahat ng eksena kagabi.
*Flash Back
“IKAW?!”
Nakita ko rin ang bahagyang pagkagulat sa mukha niya pero nawala din kaagad yun ng wala pang 5 seconds.
“Kilala mo siya Ija?” tanong sa’kin nung Lola.
“Oo nga! Kilala mo siya anak?” tanong din ni Mama na halatang nagtaka sa reaksyon ko.
“AHHHHHH! TAMA! Kaya pala pamilyar ka Kuya kasi ikaw yung nasa drawing ni ate sa kwarto niya!” epal ni Louie.
Agad ko namang tinakpan ang bunganga niyang malaki dahil sa kadaldalan niya. Potek~! Nakakahiya! Nakapa- epal talaga netong kapatid ko.
Nakita kong ngumiti siya ng marinig niya ang sinabi ng kapatid ko. Halatang nagfe- feeling pogi na naman. Well, pogi naman kasi talaga -_-
“Magkakilala ba kayo Gian?” si Gian na ang tinanong ng Lola.
“Yes Lola! Kilala ko na siya simula pa lang nung nasa Grade School kami!” sagot niya.
O.O , O_O, O.o, O____O , ^_^ < ----- mga reaksyon ng mukha nila. Yung nakangiti sa dulo, facial expression yun ni Louie. Abnormal talaga noh?
“What?! How does it happen? Why you didn’t even tell us about it?” sabi nung Lola.
“‘Coz you never ask me about it!”
Tama nga naman! Bat niya sasabihin kung hindi naman pala siya tinatanong. May point din si manong!
“Kaya ba kanina… nasabi mo ang lahat ng iyon dahil matagal mo ng kilala ang babaeng ipapakasal sa’yo?” tanong nung Lola.
Sinabi ang alin? Tae! Anong pinagsasasabi ng lalaking ‘to tungkol sa’kin! Tiyak siniraan niya ko sa Lola niya! Kokonyatan ko talaga siya!
“IPAPAKASAL?!” biglang tanong nung lalaking katabi ni Gian. Yung lalaking kanina pa ko tinititigan. Napalingon tuloy kaming lahat nang bigla siyang magsalita.
“Hindi pa pala nasasabi sa’yo Rain na ang family dinner na ito ay para pag- usapan at pagharapin ang pinsan mo at ang babaeng ipapakasal sa kanya!” yung babaeng katabi ni Gian ang nagsalita.
“G-G- Ganun ba? Medyo na- shock lang ako. Wala man lang kasi nag- inform sa’kin na may kasalan na palang magaganap. “
Nakita ko ang pagbago ng expression sa mukha nung lalaki at mukhang dismayado siya sa narinig. Ayaw niya siguro ako para sa pinsan niya.
BINABASA MO ANG
She's Dumb! (Completed)
Ficção AdolescenteAno ang kapangyarihan ng Coke-in-can? Saan the best gamitin ang Ninja moves? Ano pa ang hindi ninyo alam na stunts ni Jackie Chan? Ano ang the best pamalit sa camera? Basahin niyo na lang. Tinatamad ako mag- explain. Kbye. :* P.S: Ito ay kwento ng...