"Tae ka Menma! San ka na naman ba nanggaling at nagsusu- suot? Kanina pa kaya kami hanap ng hanap sa'yo! Pati yung usherette na nagbabantay sa'tin e kamuntikan nang maloka kakaisip kung bakit kulang ng isang ulo yung grupo natin. Nag- deny lang ako na nagbanyo ka. Alam mo bang halos hindi kami makalabas ng legendary building dahil iniisip nila na baka kaya wala ka e naligaw ka daw dun sa loob -_-" inis na inis kong sabi sa bruhildang babaeng nasa harapan ko ngayon.
Kakarating niya lang at halatang hingal na hingal pa. Makikitaan mong may kalokohang ginawa e :3
"San ka ba kasi galing Menma?" pagtatanong na din ni Hera.
"Ah--- ahmmm... ano--- ah--- kasi... sa--- ano... sa ano lang naman." Nauutal niyang sagot.
"OO E NO NAINTINDIHAN NAMIN -_- Alam kong hindi ko kabisado ang school na 'to pero tiyak naman akong walang "ANO" na pangalan ng lugar dito -_-"
Napakamot siya sa ulo niya.
"Sa Music class department ka nanggaling no?" paghihinala ni Hera.
At ngumisi lang ang bruha.
"Sinasabe ko pa nga ba! Halata sa'yo kanina na pinagnanasaan mo yung piano dun e! Takam na takam kang lapitan yun. Kita sa mukha mong may plano kang lapain yun!" sabi ko naman.
"E kasi naman *kamot sa ulo* sobrang nakaka- akit eh! Isang beses ko lang naman tinugtog yun :P" Pagpapaliwanag niya pa.
"ADIK KA BA TALAGA? HINDI MO BA NARINIG YUNG SINABI NUNG USHERETTE SA'TIN KANINA?" bulyaw ko na naman sa kanya.
"A- anong sinabe? O.o" nagtataka niyang sagot.
Hala?! Mukhang hindi nga alam.
"Yung sinabi na lahat ng instrument dun e hindi pa naggagalaw. Mga collection daw yun at may mabigat na penalty ang mahuhuling humawak nun." Si Hera na ang sumagot.
O_____O
Nanlumo ang mukha niya sa gulat. Halatang naubos yung dugo sa mukha niya dahil bumaba lahat yun sa pwet niya :3 Namutla siya at mukhang may balak pang magpahimatay.
"Ano? Takot ka no? Pano kung may nakakita o nakarinig sa'yo dun na pini- play yung isa sa mga instruments na naandon? Edi tigok ka ngayon? Baka hindi ka na pabalikin sa PPS ng buhay." Pananakot ko sa kanya.
Sa sinabi kong yun sa kanya. Tuluyan nang natulala si Menma. Gulat na gulat na may halong takot, kaba at pangamba ang mukha niya. Hindi niya napigilang mapakagat sa ibabang labi. Mas lalong namutla ang mukha niya na talo pa ang anemic na tao.
"M-m-m-may n-n-nakarinig s-s-sa'kin d-d-d-don." Kabadong pagtatapat niya sa'min.
Pareho kaming nagkatinginan ni Hera sa sinabi niya. Ewan ko ba! Maski ako biglang kinabahan dahil sa sinabi niya >__<
"Nakita ka ba niya? Nalaman niya ba yung mukha mo? Yung kulay ng logo ng uniform mo? Yung pangalan mo? Ano?" halatang kinakabahan na ring tanong sa kanya ni Hera.
Umiling lang siya.
Whooohhhhh!!! -_-
Pareho kaming nakahinga ng maluwag ni Hera. Takte naman kasi 'tong babaeng to. Gumagaya sa'kin sa paglabag ng mga batas e. Tsk! -_-
"Sa susunod kasi Menma. Wag kang gagawa ng kalokohan lalo pa kung hindi mo naman alam yung kaparusahan. Pano kung ang penalty pala nila dito e 10,000 pesos na fine o di kaya paglilinisin ka nila sa buong school magdamag. Ang mas worst pa, pano kung hindi lang ang school na to ang magpaparusa sa'yo, pano kung pati ang school natin e parusahan ka dahil sa kahihiyang dinulot mo. Tsk!" sermon sa kanya ni Hera.
![](https://img.wattpad.com/cover/11441998-288-k763369.jpg)
BINABASA MO ANG
She's Dumb! (Completed)
Teen FictionAno ang kapangyarihan ng Coke-in-can? Saan the best gamitin ang Ninja moves? Ano pa ang hindi ninyo alam na stunts ni Jackie Chan? Ano ang the best pamalit sa camera? Basahin niyo na lang. Tinatamad ako mag- explain. Kbye. :* P.S: Ito ay kwento ng...