["Kung misan mas masarap na lang mangarap kesa gumising sa isang katotohanang masaklap"]
"I can't keep this feeling anymore Denise. I really like you. I really like you more than how I act that I love Kelly over you!"
**__________**
Nagningning ang mga mata ko. Ngumanga ang bibig ko. Tumigil sa pagtibok ang puso ko at tumayo lahat ng balahibo ko simula ulo hanggang sa... sa... sa... basta sa mga parte ng katawan ko na magubat! Sample sa kili- kili! JOKE!! Hahaha! Kala niyo kung saan lang no? Ang nakaisip nun Berde pa kay HULK ang utak!
Okey game! Back to the feelings..
DIYOS KO! This is the best feeling in the world! I never thought that this will happen between me and the man I adore so much. Mas lalo pa 'kong nagitla nang unti- unting niyang inilalapit sa'kin ang mukha niya. Senyales na HAHALIKAN niya ko >.< KYAAAAHHHHHHH!!
Siyempre, Tanga ko naman diba kung hindi ko ite-take ang chance na mahalikan rin ang lalaking kinababaliwan ko simula nung nasa Grade School pa lang ako ^_^ Sorry ah! Bata pa lang malandiii na talaga ko :p Sa kanya lang nemen ee! (^_^)v
Ipinikit ko na ang mga mata ko at hinintay na lang ang paglapat ng maiinit niyang labi sa mga labi ko. THIS IS IT! PUSIT!! (mainit talaga?)
1 second
2 second
3 second
4 second
Bat ang tagal naman? -_- Nasa Cubao ba mga labi niya? Na- Traffic lang? Mga ganun?
5 second
6 second
*PAK!!!
"DENISEEEE!!! ANO BA?! PAGNANASAAN MO NA LANG BA YANG TINAPAY NA HAWAK MO?!"
"Ha? Anong ingay 'yun? O.o"
Marahan kong idinilat ang mga mata ko at HUWAAAATT???? O.O
"Ma? Anong ginagawa niyo dito? Nasan na yung lalaking kasama ko?"
"Diyos ko namang bata ka! Ang agang pantasya naman 'yan. Wag mong sabihing kamukha ng pandesal na hawak mo ang lalaking iniilusyon mo? Gumising ka na nga! Hanggang ngayon ba nananaginip ka pa rin? Wag mong sabihing nakaligo ka, nakapagbihis ng uniporme at nakarating dito sa kusina ng tulog?!"
Napakamot ako sa batok. Imaginations lang pala -_-
"Ay! Hahaha! Panaginip lang pala. Akala ko naman totoo na! Wrong timing ka naman Ma! Ayun na eh! Ang lapit- lapit na niya sa mukha ko! Hahalikan na niya ko Ma! Dahil sa'yo hindi natuloy! Ginising mo pa kasi ako!"
"At kasalanan ko pa talagang ang aga mong ilusyonada. Eh anong petsa na kaya?! Isang oras mo nang tinititigan yang pandesal at mukang tangang nangingiti mag- isa. Ano? Wala ka na bang balak pumasok sa school? Buong araw na lang ba kayong magtititigan ng pandesal na hawak mo?"
"E anong oras na ba?", taka kong tanong.
"7: 30. To remind you alas- otso ang pasok mo. So... may 30 minutes ka pang natitira para magkumahog papuntang school?"
"7:30? Maaga pa pala eh. WAIT!!! 7:30??!!!"
Tiningnan ko ang wall clock namin at this time hindi na 'ko nananaginip. 7:30 NA NGA!!!
Mabilis kong kinuha ang back pack ko na katabi ko sa upuan saka sinuot sa likod. Sinalampak ko na lang sa bibig ko ang isang buong pandesal na hawak ko kanina.
BINABASA MO ANG
She's Dumb! (Completed)
Teen FictionAno ang kapangyarihan ng Coke-in-can? Saan the best gamitin ang Ninja moves? Ano pa ang hindi ninyo alam na stunts ni Jackie Chan? Ano ang the best pamalit sa camera? Basahin niyo na lang. Tinatamad ako mag- explain. Kbye. :* P.S: Ito ay kwento ng...