Antivirus 18

3K 80 2
                                    

“Welcome! The Fortaleza Empire”

 

*_*

 

Wow! Grabe! Sa nakalagay pa lang dun sa may taas ng gate, halatang kaharian ‘tong bahay na titirhan ko ngayon.

Bumukas ang gate at pumasok doon ang sasakyan na sinasakyan ko ngayon kasabay ang ilang mga kotse na nakasunod lang sa likuran namin. Katabi ko si Gian ngayon, samantalang nasa kasunod naman na sasakyan sila Lola at Mama Amanda. Nasa kasunod naman nila ang sinasakyan nila Rain at Tita Bela.

Wala kaming kibuan ni Gian, magdamag na nakababad yung pagmumukha niya sa Ipad na dala- dala niya simula pa lang nung bumyahe kami pauwi. Ako naman, ini- enjoy na lang ang mga lugar na nadadaanan namin. Wala naman kasi akong dalang cellphone -_-

Medyo naaasiwa na rin ako sa kalagayan ko ngayon. Nakakabadtrip kasi yung gown na suot ko. Sobrang bigat! >.< akala mo may bato bawat laylayan :3

Napalingon naman ako kay Gian nang huminto na ang sasakyan namin sa tapat ng isang malaking pintuan. Tiningnan  ko siya na parang nagtatanong kung dito na ba kami bababa. Kaso, hindi man lang niya ako nilingon -_-

Ano bang bago? Suplado naman talaga ‘tong mukhang ewan na ‘to eh -_-

Nakita kong binuksan  niya ang pintuan saka bumaba. Ginaya ko naman ang ginawa niya. Binuksan ko rin ang pintuan saka bumaba.

Walang modong nagdire- diretso lang si Gian sa pagpasok sa malaking pintuan na ‘yun. Ni hindi niya man lang ako tinulungang maglakad. Kahit alalayan man lang sa pagdadala ng letseng gown na ‘to! Palibhasa kasi siya naka- amerikana lang :3

“Suplado talaga!” bulong ko sa sarili ko.

Aktong hahawakan ko na ang gown ko para iangat nang mapatigil ako nangg biglang may nauna ng humawak nito para sa’kin.

“Tulungan na kita! Halatang nahihirapan ka na sa suot mo eh!”

“Salamat Rain!”  nakangiti kong sabi sa kanya.

Naglakad na nga kami papasok ng pintuan habang hawak- hawak niya ang dulo ng gown ko.

“Mabuti ka pa may pake sa’kin! Samantalang yung lalaking yun ni hindi man lang ako tinulungan >.<” reklamo ko sa kanya.  Tumawa lang naman siya.

Nang makapasok na kami sa loob, lahat kami’y napahinto nang biglang magsalita si Lola sa lahat ng mga taong nandun.

“Ipinapakilala ko sa inyo! Si Denise! Starting from this day, dito na siya titira dahil apo ko na rin siya. Asawa siya ng Young master Gian niyo. I want you to treat and serve her well like what you’re doing to us. She’s also a part of the Fortaleza family. Part of the Fortaleza Empire!”

“Yes Madam!” they all said in unison.

She's Dumb! (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon