Nakasalampak lang ako sa kama ko habang nakaharap sa laptop na niregalo sa’kin ni Mama Amanda nung nakaraan. Sabi niya, napapansin niya daw kasi na tanging cellphone lang yung gadget ko sa katawan kaya naisipan niya kong bilhan. Natuwa naman ako kasi first time kong magkakaron ng laptop. ^^
*Tok! Tok! Tok!
O.o
May kumakatok? Tumayo naman ako sa kama saka naglakad palapit sa pintuan. Binuksan ko ‘yun at nagulat ako nang makita ko si Gian na nakatayo sa harapan ko.
“Oh! Yung labahin mo!” bungad niya.
O.o Labahin?
Ibinato niya sa’kin ang isang polong puti at sapul yun sa mukha ko. Nasalo ko naman at agad na tiningnan.
“Ano ‘to?” nagtataka kong tanong sa kanya.
“Baka nakakalimutan mo may atraso ka pa sa’kin. Akala mo siguro nawala na sa isip ko ‘yun noh?”
Atraso? O.o
.
.
.
Ah!!! Tama! Ito yung polo ng uniform ni Gian na nasabugan ng softdrinks matapos ko siyang batuhin ng coke-in-can sa ulo. Teka! Ang tagal na nun ah! >.<
“Labhan mo na ‘yan! Ilang araw na ‘yan na nakatambak sa kwarto ko. Ngayon ko lang naisipan na ipalaba sa’yo dahil mukha namang wala kang ginagawa”
Sinamaan ko siya ng tingin tapos binuklat ko naman yung polo na pinapalaba niya sa’kin.
“HALA! O.O Grabe na yung mantsa nito! Tingnan mo oh! Dumikit na sa polo yung kulay! Mahihirapan na ‘kong tanggalin ‘to! Bakit ba naman kasi hindi mo binabad para sana lumambot yung mantsa?! >_<”bulyaw ko sa kanya.
“Problema mo na ‘yun! -_-” suplado niyang sagot.
Tapos tumalikod na siya sa’kin saka naglakad pabalik sa kwarto niya.
Grabe! Sagad hanggang buto pala yung kasamaan ng manong na ‘yun! Hindi na naawa! Alam naman niyang mahirap nang tanggalin ang mantsang natuyo eh -__- Wadapakers talaga! >.<
Pano ko kaya ‘to matatanggal?
***
Bumaba na ako ng kwarto ko saka nagpunta dun sa may maids quarter.
“Excuse po!” marahan kong katok sa pintuan na nakabukas.
Nakita kong lahat sila nabigla nang makita ako kaya napatayo sila sa mga kinauupuan nila saka humilera sa harap ko. Nagtaka naman ako kung bakit bigla silang nagsiganunan.
“Y- young L-Lady Denise A- ano pong kelangan ninyo?” tanong sa’kin ng isang maid.
“Ahmmmm… magtatanong lang sana ako kung san pwedeng maglaba?”
O.O < -------- reaksyon ng mga mukha nila.
“M- maglalaba? Bakit po kayo maglalaba young lady?!” gulat na tanong nung isang matandang katulong na malapit lang sa’kin.
“Ah kasi… lalabhan ko ‘tong polo ni Gian. Pinapalaba kasi niya sa’kin ^_^.” Sagot ko naman.
“O_O Pinapalaba ni Young Master Gian?” gulantang niyang sabi.
“Ha? Ahmmm… opo?” sagot ko.
“Pero young lady, hindi po kayo dapat ang naglalaba niyan! Marami tayong mga katulong dito sa mansion na nakatoka sa paglalaba ng mga damit. Amo po namin kayo kaya hindi kayo dapat naglalaba ng damit! Kahit damit pa ‘yan ng asawa niyo” sabi sa’kin nung matanda maid.
BINABASA MO ANG
She's Dumb! (Completed)
Dla nastolatkówAno ang kapangyarihan ng Coke-in-can? Saan the best gamitin ang Ninja moves? Ano pa ang hindi ninyo alam na stunts ni Jackie Chan? Ano ang the best pamalit sa camera? Basahin niyo na lang. Tinatamad ako mag- explain. Kbye. :* P.S: Ito ay kwento ng...