Antivirus 58

2.5K 76 2
                                    


Nakayuko akong naglalakad sa hallway papunta sa isang kwarto. Hindi ko alintana ang ibang mga nagdadaan dahil wala ako sa huwisyo para pansinin pa ang paligid ko. Nang makalapit na ako sa kwartong iyon, marahan ko nang pinihit ang door knob nun kasunod ang ingay na nagmumula sa heart monitor at pulse oximeter na nakapatong sa gilid ng kama niya. Napabuntong- hininga na lang ako saka tuluyang pumasok at naupo sa gilid ng kama ni Denise. She is 3 months in comma. Wala pa ring progress sa kalagayan niya. Ni walang pagkilos or any involuntary actions na nakikita ang mga doctor na magbibigay ng possibility ng paggising niya. 3 months na siyang comma at seven months naman na ang tiyan niya. Nakaligtas ang baby namin sa aksidenteng yun dahil sa isang himala. Even science can't explain the reason behind it.

Sa tuwing papasok na lang ako sa kwarto na 'to, hindi ko mapigilang maawa para sa kalagayan niya. Kung anu- anong tubo ang nakaka- kabit sa iba- ibang parte ng katawan niya. Tubo para magbigay ng nutrisyon sa katawan niya dahil hindi naman siya nakaka- kain. Tubo na labasan ng mga wastes niya. Tubo na nakapasok sa bibig niya para bigyan siya ng oxygen at tubong nakatarak sa kamay niya para irregulate ang dugo niya. Iyon ang mga tubo na tanging nagbibigay buhay sa patay niyang katawan. Siguro nga, kung nakakapagsalita lang ang mga tubo, malamang pati sila nag- give up na rin sa kanya. Sa buong pamilya namin, ako na lang naman 'tong lumalaban para sa kalagayan niya eh. Lahat sila hindi na umaasang magigising pa siya.

"Siomai. Look oh! Nakuha ko na yung diploma natin. Graduate na ako. Graduate ka na rin. Sayang wala ka sa graduation natin. Memorable pa naman sana. Gising ka na kasi para ok na ulit ang lahat. Miss na miss na kita eh. Nami- miss ko na yung mga corny mong jokes." Bulong ko sa kanya kasabay ang muling pagtulo ng luha sa mga mata ko.

Araw- araw akong ganito. 24 hours akong nagbabantay sa kanya. Ako ang nagtya- tyagang naglilinis ng katawan niya. Naglilinis ng kwarto, nagbabantay at nagbabakasakaling gumalaw kahit isang daliri niya lang. Kung tutuusin, malapit na rin akong bumitaw eh. Kung hindi lang talaga sa sobrang pagmamahal ko sa kanya, matagal ko na siyang binitawan at pinalaya.

Napalingon ako sa pintuan nang marinig kong bumukas 'yun. Nakita ko si Rain.

"'Cous?" tawag niya sa'kin.

Mabilis kong pinahid ang luha sa mga mata ko saka tumayo at lumapit sa kanya.

"Oh? Nabisita ka?" tanong ko.

"Ang bilis mo kasing nawala dun sa graduation ceremony. May mini celebration pa naman sa bahay." Sabi niya sa'kin.

"Hindi ko naman kailangang mag- celebrate eh. Walang magbabantay kay Denise dito. May inaasikaso kasi yung Mama at Papa niya." sagot ko.

Nakita ko ang pagbuntong- hininga niya saka tinap ang balikat ko.

"Mas masaya siguro kung ok siya ngayon no?"

Tumango lang ako saka sumulyap sa katawan ni Denise na nakahiga sa kama.

"Hanga ako sa'yo. Napatunayan mo talaga sa lahat kung gaano mo siya kamahal." Dagdag niya pa.

Sa sinabi niyang 'yon, muli kong nakagat ang ibabang labi ko nang maramdaman ko ang muling pagbara ng kung ano sa lalamunan ko kasunod ang pagsakit ng ilong ko. Hindi ko na naman napigilan ang pamimintana ng mga luha ko.

"Rain... can I cry on you?" nanginginig kong tanong sa kanya.

"Oo naman. Pinsan kita diba at magkapatid na ang turingan natin? Andito lang ako para palakasin ang loob mo."

Matapos niyang sabihin 'yun, napayakap na lang ako sa kanya at hindi na napigilan ang muling paghagulgol. Sa ikalawang pagkakataon, umiyak ako sa harap ng isang tao. Muli akong nakaiyak para ilabas ang sakit na nararamdaman sa isang taong labis kong kinagalitan noon. Patuloy lang ako sa pag- iyak habang hinihimas- himas niya ang likod ko. Ang huli kong pag- iyak sa harap ng isang tao e noong araw na nasagasaan si Denise. Yung mga oras na niyakap ako ni Mama at pinipigilan sa pagsuntok sa pader. Iyon ang huling beses. Ang mga sumunod na pag- iyak ko na e sa loob ng kwarto. Sa mga lugar na walang ibang tao. Ayoko sana kaawaan ako pero wala na akong magawa.

She's Dumb! (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon