[2 years after]
"Manang! Si Cara po tulog na?" tanong ko sa baby- sitter ni Baby Cara nang maka- akyat na ako ng hagdanan. Kagagaling ko lang kasi ng school kaya ginabi na ako ng uwe. By the way, nag- aaral kami ni Gian sa iisang school. Kumukuha ako ng Interior designing habang si Gian naman ay civil engineering. Oh diba? Nahiya lang ako sa course niya. Wala eh! Math wizard yung mokong na 'yun :3
"Opo Young lady. Kanina ko pa po napatulog." Sagot niya.
"Ganon ba? E si Gian? Nakauwi na ba?" tanong ko pa ulit.
"Hindi pa po."
"Sige. Salamat Manang!"
Tapos nun, lumakad na yung katulong pababa ng hagdanan. Napabuntong – hininga na lang ako nang malaman kong ginabi na naman ng uwi si Gian. Ilang sunod- sunod na araw na siyang palaging gabi nakakauwi. Hindi naman niya sinasabi sa'kin ang dahilan. Madalas pa hindi niya ako kinikibo na akala mo multo lang ako na dinadaan- daanan niya. Nagbago yung ugali niya netong mga sumunod na linggo. Wala naman akong maalalang nagawa kong kasalanan sa kanya. Kapag umaga pa, hindi niya ako sinasabayan sa pagpasok. Puro siya dahilan na kesyo mamaya pa klase niya o may gagawin pa siya at kung anu- ano pa >__< Nabi- bwiset na talaga ako eh. Pakshet!
Pumasok ako sa kwarto ni Baby Cara para silipin siya. Iyon ang dati kong kwarto. Doon na kasi ako natutulog sa kwarto ni Gian. Bale pinaayos na lang ni Lola ang set- up at ako mismo ang nag-design.
Humiga ako sa tabi ni Baby Cara saka pinagmasdan siya. Kuhang- kuha niya ang mata ng abnormal niyang ama. Sa'kin naman niya nakuha ang ilong at noo niya. Ewan ko lang sa utak. Hindi pa kasi siya nag- aaral kaya hindi ko lang alam. Pero sana naman kay Gian niya namana yung pagiging matalino. Kawawa naman kasi pag sa'kin. Naku! 98% pa naman daw ang nakukuha ng anak sa nanay tapos yung natirang percent e sa tatay >_< Wag naman po sana T_T
*Tik
Bigla akong napalingon sa pintuan nang marinig ko ang pagpihit ng door knob. Nakita ko si Gian na sumilip. Kaagad akong tumayo para kausapin siya pero tumalikod naman agad siya saka lumakad papuntang kwarto namin.
"Gian sandali!" tawag ko sa kanya. Hindi ko na siya tinawag na Siopao.
Tumigil naman siya sa paglalakad saka humarap sa'kin.
"Bakit ka na naman ginabi?" tanong ko.
"Pagod ako Denise." Matabang niyang sagot sa'kin. Hindi na rin niya ako tinawag na Siomai -__- Magaling :3
"YAN NA LANG BA PALAGI ANG ISASAGOT MO SA'KIN SA TUWING MAGTATANONG AKO? PURO KA NA LANG PAGOD AKO! PAGOD AKO! PAGOD AKO! NI HINDI MO SINASAGOT ANG TAWAG KO KAPAG GINAGABI KA. HINDI MO KO KINAKAUSAP AT ANG COLD COLD MO SA'KIN!" inis na inis kong sigaw sa kanya. Tuluyan na akong sumabog dahil sa sama ng loob na kinikimkim ko ilang araw na.
"ANO BANG GUSTO MONG ISAGOT KO SA'YO? GUSTO MO IKWENTO KO LAHAT NG NANGYAYARE SA'KIN SA BUONG ARAW? GUSTO MONG GAWIN KITANG INSTANT DIARY?" bulyaw niya na rin.
"Ano ba kasing problema mo? Ilang linggo ka nang ganyan! Inii- chepwera mo na lang ako palagi! Ni hindi ka nag- aatubiling tanungin ako kung ok lang ba ako." Nanginginig ko nang sabi sa kanya.
"Bakit pa kita tatanungin e kitang- kita ko naman sa'yong ok ka! Pwede ba Denise! WAG KANG NAGGER!" sigaw niya sa'kin.
"I'M NOT BEING NAGGER! SA PALAGAY MO MAGRE- REACT AKO NG GANITO KUNG KUMIKILOS KA NG MAAYOS? HINDI NA KITA MATANTYA EH!" naiiyak ko nang sabi. Ito ang unang beses na nag- away at nagsigawan kami ng ganito.
BINABASA MO ANG
She's Dumb! (Completed)
Teen FictionAno ang kapangyarihan ng Coke-in-can? Saan the best gamitin ang Ninja moves? Ano pa ang hindi ninyo alam na stunts ni Jackie Chan? Ano ang the best pamalit sa camera? Basahin niyo na lang. Tinatamad ako mag- explain. Kbye. :* P.S: Ito ay kwento ng...