*Gian
"Nasan na ba sila?"
Kanina pa ko paikot- ikot sa loob ng kwarto ko. Hindi ako mapakali dahil alas- nuwebe na ng gabi wala pa rin si Denise at Rain. Tinanong ko ang mga kaklase nila kanina sa school at sinabi ng mga 'to na umalis daw na magkasama ang dalawa pero walang nakaka- alam kung saan nagpunta. Dala- dala pa raw nila yung mga bag nila. Hindi daw sila pumasok for the whole period. Pati mga kaibigan ni Denise ay tinawagan ko na para magbakasakaling alam nila kung nasan si Denise ngayon pero wala rin daw silang alam.
F*ck! Where did they go? Pati sila Lola ay nag- aalala na sa kalagayan nilang dalawa, lalo pa't may cases na nakidnap si Denise. Alam kong galit siya sa'kin pero hindi siya dapat umalis ng hindi nagpapa- alam. Isa pa si Rain, ni hindi man lang nagte- text o tumatawag para sabihin kung nasan sila ngayon. I kept on calling them both pero pareho nilang hindi sinasagot ang phone.
Hanggang kelan ka ba magiging ganito sa'kin Denise? I can't take this anymore!
Muli kong tinawagan ang number ni Denise pero katulad nung una, panay lang 'to sa pagri- ring.
*Tok! Tok! Tok!
Napalingon ako sa pintuan.
Baka nandyan na si Denise.
Agad akong lumapit sa pinto para buksan pero 'yun pero ibang mukha ang bumungad sa'kin.
"Young master, ilalagay ko lang po sa cabinet niyo ang mga damit niyong nilabhan."
Yung katulong lang pala.
"Mga damit na naman? Di'ba kakalaba niyo lang nung nakaraan? May isang katulong pa nga na naghatid ng damit ko dito e" nagtataka kong sabi.
"Mga damit po itong naiwan. Naihalo po kasi ang ibang damit niyo sa labahin ng young lady"
Bumuntong- hininga na lang ako saka pinapasok siya sa loob ng kwarto ko.
"Ilapag mo na lang 'yan diyan sa ibabaw. Ako na mag- aayos niyan" utos ko sa katulong saka muling tinawagan ang number ni Denise.
Ilang saglit pa ay lumabas na ang katulong. Naiwan naman ulit ako mag- isa dun. Panay lang ang contact ko sa phone number ni Denise. Umaasa na sasagutin niya ang tawag ko. Habang ginagawa ko 'yun, nagpapalakad- lakad ako sa loob ng kwarto ko para tanggalin sa katawan ko ang niyerbyos at labis na pag- aalala. Sa paglalakad kong 'yun, hindi sinasadyang natabig ko ang mga nakatuping damit na hinatid ng katulong kanina.
"Shet! Hindi man lang inayos ang pagkakalagay! Napaka- bobo talaga" inis na inis kong bulong sa sarili.
Inilapag ko muna sandali sa sahig ang phone ko saka dinampot isa- isa ang damit na nagkalat. Bigla akong na- curious sa isang floral na tela na natatakpan ng maong pants ko. Wala akong maalala na may ganun akong damit. Hinila ko 'yun at doon ko lang nalaman na panyo pala ang isang 'yun. Binuklat ko 'yun para tingnan.
"Panyo 'to ni Denise. Ito yung panyo na pinampunas niya sa mukha ko." Bulong ko sa sarili ko.
Nung aktong tutupiin ko na 'yun, natigilan ako nang may mapansin akong nakaburda sa nasabing tela. Iniharap kong muli ang panyo para tingnan kung ano 'yun at saka binasa.
"D.C? D.C... teka..."
Natigilan ako bigla saka inalala kung saan ko nga ba unang nakita ang mga letrang iyon.
*Flash back
"D.C" narinig kong sabi ni Rain.
BINABASA MO ANG
She's Dumb! (Completed)
Teen FictionAno ang kapangyarihan ng Coke-in-can? Saan the best gamitin ang Ninja moves? Ano pa ang hindi ninyo alam na stunts ni Jackie Chan? Ano ang the best pamalit sa camera? Basahin niyo na lang. Tinatamad ako mag- explain. Kbye. :* P.S: Ito ay kwento ng...