Antivirus 12

3.3K 67 4
                                    

["Para saan pa ang sarili mong pasya kung wala ka namang kalayaan kung sino ang nais mong makasama?"]

“Ma! Papasok na po ako”, paalam ko sabay kuha sa bag ko saka sinuot sa likod.

 

“Denise teka nga! Kanina ko pa napapansin, bakit ang putla- putla ng mukha mo! Tapos, ang itim pa ng mga mata mo! Hindi ka ba natulog kagabi?”

BOOGOOM! Napakagat ako ng labi. Akala ko hindi na niya mapapansin ang mukha ko :3

“N-nag- review po kasi ako kagabi Ma! May quiz kasi kami sa Music ngayon.” Pagsisinungaling ko kahit na ang totoo ay hindi ako nakatulog dahil sa lahat ng mga nangyare kagabi.

“Hindi mo dapat pinapagod ang katawan mo Denise! Dapat iniingatan mo ang katawan mo lalo na ngayon na ikakasal ka na!”

-__-         ETO NA NAMAN PO TAYO!  USAPANG KASALAN NA NAMAN    -___-

“Oo nga ate! Ang pangit mo na nga hahayaan mo pang mas lalo kang pumangit sa araw ng kasal mo! Ang gwapo pa naman ni Kuya Gian!”

Sinamaan ko ng tingin si Louie. Kahit kelan talaga napaka- epal ne’to! >.<

“Wag kayong masyadong mag- alala Ma! Kahit naman na anong mangyare sa’kin sigurado naman akong matutuloy pa rin ang kasal na gusto niyo!”    -____-   sarcastic kong sagot.

Hindi na nakaimik sila Mama. Totoo naman eh! Kahit na magkasakit pa ‘ko o maghingalo sa araw ng kasal, siguradong ipipilit pa rin ng Lola ni Gian na makasal kami.

Lumabas na ako ng bahay saka nag- bike papasok ng school. Binagalan ko lang ang pagpapatakbo dahil hanggang ngayon nahihilo pa rin ako. Akala ko kapag niligo ko na ‘to, mawawala na ‘tong nararamdaman ko.

Pagdating ko ng school, nagdire- diretso na kaagad ako sa classroom. Gusto ko nang umupo at yumuko sa desk ng table ko. Talagang nahihilo na ‘ko.

Pagpasok ko ng classroom namin, nakita ko doon si Menma na naggi- gitara habang si Hera naman ay nagbabasa ng libro.

“Denise! Buti dumating ka na?” bati ni Menma.

Ngumiti lang ako at hindi na sumagot.

Naupo agad ako sa upuan  saka yumuko sa lamesa.

“Anong nangyare diyan?” narinig kong sabi pa ni Menma.

“Ewan! Mukhang maysakit eh! Ang putla ng mukha niya!” narinig kong sagot naman ni Hera.

Naramdaman kong may umuyog  sa balikat ko para pilitin akong gisingin. Nang iangat ko ang ulo ko, nakita ko si Menma at Hera na parehong nakatayo sa harapan ko.

She's Dumb! (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon