Antivirus 28

3K 90 2
                                    

Kasalukuyan na ‘kong nakatayo sa tapat na glass door ng Royal class building. Uwian na namin nun at nauna na ‘kong bumaba kasi uwing- uwi na talaga ako. Hindi ko na kayang magtagal pa dun sa taas lalo pa’t ayaw na naman akong lubayan ng alien na ‘yun.

Hinihintay ko na lang ngayon ay ang pagdating ng service naming tatlo nila Gian.

 

“Denise! Wala pa ba yung sundo?”

Bigla akong napalingon sa likod ko nang marinig ko na may tumawag at nagtanong sa’kin. Nakita ko si Gian na kasama si Rain at naglalakad na sila papunta sa’kin.

 

“Wala pa eh! Baka parating na rin yun!” sagot ko sa kanya.

Pinagitnaan naman nila akong dalawa at saka magkakahilera kami na nakatayo dun habang naghihintay sa sundo namin. Sa kaliwa ko nakatayo si Gian habang sa right side naman si Rain. Ilang minuto muna ang lumipas bago tuluyang dumating ang limang magkakasunod na itim na kotse na susundo na sa’ming tatlo.

Agad namang tinungo ni Rain yung pangatlong sasakyan. Ganito kasi ang pattern ng convoy: first car- kung saan nakasakay yung mga body guards, second car- sinasakyan namin ni Gian, third- kay Rain then yung 4th and 5th e mga body guards pa rin. So, ang dami po naming body guards! At ewan ko na lang kung may magsubok pa na tumira sa’min

-_-

Agad na kaming lumapit ni Gian sa pangalawang kotse para doon ay sumakay na. Binuksan na nung body guard yung pintuan then nung aktong papasok na’ko e bigla akong napahinto nang may marinig akong signal na nagmumula sa UFO.

“CARAAA!!!”

Agad akong napalingon dun sa exit ng royal class building at hindi nagkamali sa kung sino ang nagmamay- ari ng signal na nakakalap ko.

 -_-

Napalingon din si Gian na nakasunod lang sa’kin at si Rain naman napahinto rin sa pagpasok ng kotse niya.

“Uuwi ka na :D?”  nakangiti niyang tanong sa’kin nang makalapit na siya.

“Ha? Ah! Oo, bakit?” nagtataka kong tanong sa kanya.

Nagulat naman ako bigla nung nagsilapitan yung mga body guards at pinalibutan kaming tatlo. May iba pa na hinarangan kami ni Gian para siguro protektahan. Nagmukha tuloy abusayaff si Paul dahil sa itsura namin dun :3

 

“Whoah! Mukhang ang yaman mo nga! Ang dami agad na body guards na humarang!” biglang sabi niya nung tumayo sa harapan niya yung mga body guards.

“Hehe” sagot ko -_- Ang tinong sagot di’ ba?

Nakita kong tiningnan niya si Gian mula ulo hanggang paa.

“Kuya mo?”

O_O

 

HUWAAATTTT? KUYA KO? TAMA BA DINIG KO? TINATANONG NIYA KUNG KUYA KO SI GIAN?! O.O

She's Dumb! (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon